Chapter 59

1.4K 22 3
                                    

Chapter 59

Kanina pa palakad-lakad sa harap ni Red ang manager nya habang kausap sa phone ang head ng talent agency nya sa Amerika.  Pati sya eh natataranta na rin sa mga nangyayari.  Hindi nya tuloy alam ngayon ang gagawin.  Bigla kasing may balitang lumabas tungkol sa kanya at sa isang babae.  He knew about it 'coz sya naman talaga ang nasa larawan.  Inilabas na yun dati ng isang local news paper sa Amerika, pero nagawan yun ng paraan ni Julz at ng talent company nya para hindi na kumalat. 

Kuha yun noong nasa banda pa lang sya.  Nasa isang bar sila noon at katatapos lang ng gig nila nung magkayayaan sila ng mga kabanda nya na mag-inuman.  May isang babae nun na lumapit sa kanya at nakipagkilala.  Medyo lasing na sya nun kaya hindi na nya natanggihan nang hinalikan sya nung babae.  Wala pa naman syang inaalalang media nun dahil hindi pa naman sya sikat.  Isa na rin yun sa mga naging libangan nya noon para mabawasan ang kalungkutan nya.  But he never thought na may kukuha ng picture nila at ipinost sa social media. 

One reason why he didn't have a personal account in any of those social sites, masyado kasing maraming nagmamagaling dun.  At talagang bumilib sya sa mga media men na nagtitiyagang kumalkal ng mga yun.

Akala nya hindi na ito lalabas ulit, pero ito na naman at sinisira na naman ang kanyang pangalan.

"Red, sabi ni Bob it's better daw if you'll just ignore the news para di na masyadong lumaki ang issue.  Makakalimutan rin naman yun ng mga tao kapag hindi mo na ginatungan pa."

Napatingin sya kay Julz.  Mas lalo tuloy syang nati-tense ngayon dahil kay Kyra Gail.  Hindi nya kasi alam kung paano ito matatanggap ng girlfriend.  And he can’t keep this secret lalo na at kitang-kita naman na sya ang lalaki sa larawan.  Natatakot sya sa magiging reaksyon nito.

“I’m really not worried about what other people might think about me, Julz.  They can curse me all they want.  Pero si Kyra Gail…” Nanlulumo nyang sabi rito.

“Just tell her the truth, Red.  I’m sure she’ll understand.” Mahinang sabi ni Julz at naupo na rin sa harap nya.  Napasandal sya sa upuan at hinagod ang kanyang buhok.  Paniguradong napanood na ni Kyra Gail ang balita tungkol sa picture.  Kinakabahan man ay kinuha nya ang kanyang phone at idinial ang number ng girlfriend.  Matapos ang pang-apat na ring ay may sumagot na sa kabilang linya.

"Mine." Mahinang sagot ni Kyra Gail.

"H-Hey!...How are you?"

"I'm okay.  Ikaw, kumusta ka?" Alam nyang iba ang ibig sabihin ng tanong nito.

"We're doing our best to solve the issue, mine." He sighed.

"Red...totoo ba ang nasa news?" He can hear the hesitation in her voice.

Hindi nya alam kung paano nya uumpisahan ang sasabihin nya dito.  Baka kasi hindi nya kayanin ang magiging reaction nito.  Just say it, Red.  He closed his eyes and said.

"Yes.  It's true, mine." Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila.  He held his breath and waited patiently sa sagot nito.  Gustong-gusto na nyang puntahan ito at makita ang mukha nito.  After almost forever, ay narinig nya ang boses nito sa kabilang line.

"Don't worry about me, mine.  It's part of your past.  And I trust you.  Kaya, wag mo akong alalahanin.  I'm still here for you." Nakahinga sya ng maluwag.  He thanked her and told her na pupuntahan nya ito mamaya.  He wants to reassure his girl na hindi makakagulo sa kanila ang isyung kinasangkutan nya ngayon.

...

Buong araw na naging abala si Red sa pagsagot sa mga ibinabatong katanungan sa kanya ng mga press people.  He decided to face them after he talked to Kyra Gail.  Hindi gusto ni Juliet na payagan sya sa balak nya pero wala na rin itong nagawa.  Isa pa, halos lahat ata ng pupuntahan nyang lugar ay naroon din ang mga reporter.  He can't keep on avoiding them.  So for them to stop pestering him, he has to face them head on.  Para sa kanya, his girlfriend's words are more important than these people.  Wala na syang pakialam kung ano pa ang iisipin sa kanya ng ibang tao.  That picture was actually part of his past.  He can't let it ruin him now.  And most definitely, not with his future with Kyra Gail.  This is just one ugly perks of being a celebrity.  You can't even have your privacy to yourself.  Napapailing na lang sya habang sumasagot sa mga reporter na nagtatanong sa kanya.  

Xtra-Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon