Chapter Two

3.1K 55 33
                                    

-Angela's POV- 

Syempre tinanong ko siya kung anong pangalan niya. Ayokong mabuko niyang naka-save na pala number niya dito eh.

Andrew: Zaryx Kim :D 

WHAT THE---?! 

Bakit hindi Andrew ang ipinakilala niya saken? Ano bang pinaplano ng lalakeng to? Tsaka dun sa new account niya, Rommel Christian ang pangalan niya dun! Hindi Andrew Lim. Teka... Ano kayang plano niya? Is he trying to hide his true identity? Para saan? Kasi sinasabihan siyang poser? Eh hindi niya ba naisip kung anong mangyari pag nag-pretend siya? Mas magkakaroon siya ng maraming bashers!

Hindi ko alam kung anong irereply ko pero I'll play safe. Hindi lang siya ang may alam ng ganyan. I'll be watching you, Andrew Lim. 

Me: Cool name :D Ako nga pala si Angela. 

Hindi ko pinalitan ang pangalan niya dito sa phone ko. It's still Andrew Lim. 

Andrew: Haha thanks! Kamusta? :)

Me: Okay na hindi okay? Hahaha ikaw?

Andrew: Why? You're not okay, I know that. 

Lagi naman kasi akong hindi okay.

Ewan ko ba, masyadong maraming iniisip tong utak ko. Problema, insecurities, at kung anu-ano pa. Lagi nalang akong ganito. I act as if I am enjoying my life but it's not. Masaya lang ako pag kasama ko mga kaibigan ko. Masaya lang ako pag may nakakausap ako, at pag may nagagawa akong nakakapagpasaya saken pero pagkatapos ng lahat ng yun? Wala na. Malungkot na ulit ako. Pag-uwi ko sa bahay, sobrang lungkot ko na. My Mom and I are not in good terms. Papa ko naman is working abroad, si Ate nasa Singapore, nagtatrabaho bilang Nurse. Si Kuya? Ayun may pamilya na. Kaya kami nalang ni Mama at ng kasambahay namin ang natitira sa bahay. Masaya nga lang ako pag gumagala o nasa school pero pag-uwi ko? Ayun. Walang ngiti, malamig, parang wala lang. Hihiga lang ako at magi-internet o di kaya kakanta gamit ang gintara, o magdo-draw at paint. Yun lang naman yung mga talento ko. Somehow, sila lang ang maipagmamalaki ko. Yung mga talento kong yun. Hindi ako masyadong kagandahan dahil mataba ako. Nasa plano ang pagda-diet pero tinatamad ako at wala akong inspiration. Pumapayat na ko dati pero tumataba ulit. Ganon.

BUTI PA NGA 'TONG TABA KO, HINDI AKO INIIWAN. 

Hahahahaha! De joke lang. 

Me: Kasi lagi naman eh. My life's a mess. 

Nalulungkot na naman tuloy ako. Ayokong mapansin ni Rica kaya kinulit-kulit ko muna si Baby Siomai. 

Andrew: Don't say that. God has a purpose. :)

Wow. Yung Andrew Lim? Ganito magsalita? Maka-Diyos naman pala masyado yun! Hahaha di halata sa hitsura. Turn on, I guess. 

Me: Hahaha sanayan na lang :))  By the way, anong year ka na?

Andrew: 3rd  :)

Me: What course?

Andrew: Psychology sa Mapua :D 

Me: Mapua?

Andrew: Sa Intramuros. MIT. 

Me: Aahhh okay. So kamusta naman pag-aaral?

Andrew: Stressed pero keri naman hahahaha. Ikaw ba?

Me: Sa ********* Doctors College, Inc. :)

Andrew: Aahh alam ko kung san yan :))

Me: Papano mo nalaman?

Andrew: Marami akong kaibigan na dun rin nag-aaral eh. 

I'M IN LOVE WITH A POSERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon