-Angela's POV-
"Magkatext kami oh!" he only gave me a blank expression. "Oh. Congrats." "Eh? Di ba crush mo rin siya?" "Dati lang yun noh." "Kahit na. Hahaha magkatext kami yiiieee!"
He just ignored me. Ano kayang problema neto? BV na naman ata to sa Kuya niya lol. Pumunta kami sa canteen at kumain na.
"Hi Ate Hannah!" "Hello, Angela!"
Kinwento ko sa kanya na nakakatext ko na si Andrew at na siya ang unang nagtext saken kahit di ko naman tinext simula nung binigay ni Ate yung number niya. "Hahaha! mabait yan." "Oo nga eh kaso masungit." "Sa una lang yan pero mabait talaga yung batang yun." "Hahahaha! Siguro Ate. Waaahh." "Grabe ang saya mo ah." "Oo naman syempre nakatext ko na yung matagal ko ng crush eh haha!" "Good luck! Sige may class pa ko. Bye guys!" nagpaalam na siya samen at umalis. "Sigurado ka talagang di poser yan, Angela?" tanong ni Rica. Concerned na concerned talaga saken ang bestfriend ko. "Oo nga kasi! Kita mong lalake yung boses eh."
"Sus baka naman poser lang yan." ani Sophia. "Ikaw talaga chong pinapalungkot mo ko eh." "Pish na pish."
Class na naman hayyy zzzz nakakapagod talagang makinig paminsan eh. Aantukin na naman ako neto. Nasa labas na ko ng bahay ngayon at passed 9 pm na. Alam niyo kung anong ginagawa ko kung ba't ako nandito? Syempre kausap ko ulit si Andrew at gaya ng unang tawagan namin, nanginginig na naman ako at kinakabahan na natutuwa. Ewan ko ba, di ako mapakali.
["Tumatawa ka na naman eh alam ko namang di ka talaga masaya. Wag na nga tayong magplastikan Angela."]
"Alam mo, ang sama mo. Masaya naman talaga ko eh tapos ikaw pinapalungkot mo na naman ako."
["Sorry naman noh. Totoo naman kasi. Ayoko ng nakikipagplastikan ka saken. Dapat magpakatotoo ka."]
"Hindi ako Sprite eh kaya sorry." tumawa siya.
["Sus nakukuha mo pa ulit magjoke eh di ka naman talaga masaya."]
Ewan ko kung bakit bigla nalang akong napaiyak. Tama naman kasi talaga siya eh. Ang OA mo na naman Angela.
"Ikaw kasi eh..."
["Umiiyak ka ba?"]
"Ha? Hindi ah. Sinisipon lang ako." inipit ko ang ilong ko para di tumulo ang sipon.
["Ilabas mo na lahat."]
"Ang alin? Ang sipon ko ba? Hahaha!"
["Ayan ka na naman sa mga corny mong jokes."]
"Natatawa ka nga eh."
["Alam mo kasi Angela, ang buhay di naman pwedeng laging masaya eh. Di naman pwedeng laging naeenjoy. Minsan talaga kailangan ring maging malungkot. Isipin mo nalang na maswerte ka kasi binuhay ka ni Lord. Okay? Di ka niya papabayaan."]
Lord na naman?
"Hahaha! Pinapatawa mo talaga ko. Anong Lord-lord na yan eh wala naman siyang kinalaman sa mga problema ko."
["Nababalot ka ng galit at lungkot kaya mo nasasabi yan, Angela. Alam mo bang nagsakripisyo siya para sa mga kasalanan natin? Si God, sinacrifice niya ang anak niya para saten."]
Pinapatawa niya talaga ko. Naglolokohan na naman ata kami. Ano ba tong mga pinagsasabi niya? Anong god-god na naman ba 'tong pinagsasabi ng lalakeng 'to.
"Nababaliw ka na. Hahaha! Yan napapala niyo sa kakasimba at dasal eh. Binabalot kayo ng isang malaking kasinungalingan."
["Alam mo Angela, try mong magsimba ulit. Ilang years ka ng di nakakapagsimba diba? Try mong magdasal, try mong humarap sa altar. Promise gagaan loob mo pag kinausap mo siya ulit."]
BINABASA MO ANG
I'M IN LOVE WITH A POSER
RomansaI received a text message from a stranger. We talked about so many things since then. He had a problem. I have to help him get over his ex. I fell in love, We fell in love... We were so happy. Until the day came when I knew everything. Everythin...