Chapter Five

1K 18 2
                                    

Angela's POV

Umabot ng ilang weeks ang paglalandian namin, lol de joke. Sa ngayon, nag-uusap na naman kami sa call. Tinanong niya ako tungkol sa mga ex ko. Kinwento ko naman lahat kaya ngayon, siya na naman ang pinakwento ko. Tumpak nga naman, una niyang kinwento yung tungkol sa kanila ni Anne Christine. Sa boses niya, alam kong sobrang minahal niya 'yon. Ramdam na ramdam ko. Nagseselos ako pucha... Hindi niya kasi ako girlfriend, ewan ko baka landian lang 'to. Ako lang siguro umaasa...

Sige lang Angela,mafo-fall rin yan sayo. Mwahahaha! Push mo pa te. :3

["May naging school mate ako. Kaibigan siya nung ex ko dati sa school. Di ko alam na may gusto pala siya sakin. Nakuha niya number ko at naging textmates kami. Sabi niya may crush siya sakin nun, tas syempre ako iniiwasan ko siya kasi mahal na mahal ko girlfriend ko nun. Sinabihan ko siya na layuan ako. Nagulat nalang ako kasi nalaman kong naglaslas siya dahil lang sa sinabi ko. Sobrang kinabahan ako 'non, first time sa buhay kong mangyari na kabahan ako ng ganon. Yung tita niya kasi nagsabi sakin na nasa ospital na pala siya kasi sa pulso siya naglaslas at 50/50 na raw buhay niya."] nanlalaki mga mata ko sa kinwento niya. Grabe ang gwapo niya talaga noh? May handa talagang magpakamatay dahil lang sa sinabihan niyang iwasan siya?

["Tapos nung makarecover na siya, pinagalitan ko siya kasi ba't niya ginawa 'yon. Sinabi niya sakin na sobrang nasaktan siya sa sinabi ko tapos wala akong choice kundi wag siyang layuan. Hanggang sa nagbreak kami nung ex ko, naging magka-MU kami hanggang sa niligawan ko siya. Alam mo yung bigla ka nalang na-fall kasi sa lalim ng mga pinagsamahan niyo."] natawa siya, ako naman na si tanga, kunwaring nasisiyahan eh sa totoo naman talaga nasasaktan. Tanga-tanga ko talaga.

Gustong-gusto kong itanong sa kanya kung ano ba talaga kami, kung ano ba 'to pero nahihiya ako. Go with the flow nalang muna siguro...

11 pm na at patuloy parin kaming nag-uusap hanggang sa dinalaw na ko ng antok at sinabing matutulog na. Ang dami pa naming kinwento tapos panay tawa sa mga jokes. Ang cute talaga ng boses niya. Kinantahan niya pa 'ko ng "Stitches" habang naggigitara siya. Nirecord ko nga kasi para marinig ko palagi. I felt so special. Sana gaya nung kwento niya, maging ganon rin kami.

Nagising ako ng may nabasang "Good morning! :)"  sa cellphone na galing sa kanya. Di ko parin sinasabi sa kanyang alam kong siya si Andrew. Zaryx parin ang dinadala niya sakin. Kelan ko kaya sasabihin sa kanyang kilala ko talaga siya? Ah wag na, baka umiwas. Baka naman may rason siya kung bakit ibang pangalan ang ginagamit niya. Ano kayang trip neto noh?

Sobrang hirap ng signal dito sa loob ng bahay namin. Ewan ko ba saang lungga 'to. Nakakainis eh. Kaya wala akong lovelife kasi di naman ako nakocontact. Chamba nalang talaga pag nagkaroon ng signal dito eh. One bar lang ha! One bar! Kaya pag may kausap ako sa phone at tinatamad akong lumabas ng gate ay nilalagay ko lang sa may bintana ang phone at earphones ang gamit sabay higa sa sofa. Landi noh? Hahaha!

Karma iz real mga bes. Dati two timer ako, naging three timer pa nga eh. Ewan, ang immature ko talaga pagdating sa mga relationships na yan! I get bored easily kasi. Eh halos sa text lang naman ang buga ko eh. Mahiyain po ako in person. What do you expect from emos? Antisocial as hell.

Nag-iisip talaga ako ng magandang topic to keep our conversation going. Si Andrew Lim to mga bes! Yung gwapong pinag-uusapan ng mga tao dito sa lugar ko! Tae ha, ang swerte-swerte ko talaga bwahahaha! Bakit kaya napatext 'to sakin noh? Ano kayang pakay niya? Baka naman nagandahan siya sakin sa Facebook o kaya natipuhan niya 'ko? Ugh. I can't stop myself from thinking about his ex, Anne Christine. Whyyyyy. Why? Ang sweet kasi nila dati eh. Nakakainggit ang mga pinopost nila sa facebook, twitter and all. With all the tagged pictures and statuses pa. I wanna be treated like Anne too. You'll fall into my trap soon, Andrew.
Very very soon.

Should I text him first? Ugghh noooo HE should be the one who'll text first. Duh. Ayokong magmukhang malandi sa kanya. Hahaha baliw talaga 'ko. Letche. Di ko mapigilan sarili ko so... gagawin ko yung ginagawa kong pagpapansin sa mga crush ko. THROUGH GROUP MESSAGES. Hahaha!

Pero para sayo, ako'y magbabago kahit mahirap kakayanin ko :)

Good morning! Teeeexxxt?

Akala niyo GM talaga yun? Hindi! Sa kanya ko lang sinend yun. Hahaha galing diba? Sus di lang naman ako ang nagpapakatanga ng ganito eh. Desperate? Who cares. Fuck off.

Ngiting tagumpay ang lumabas mula sa labi ko. Nagreply siya ng "Naks! :)" kaya agad ko siyang nireplyan ng "Hahaha! Bakit?" Nagreply agad siya ng "Wala lang. Gawa mo po? ^^" Napaupo ako habang todo kilig sa pakikipagtext sa kanya. Dapat talaga makuha ko ang loob mo, Andrew. I cracked some corny jokes just to add some ingredients. Hahaha geddit? I ain't gon' give up y'all!

Hanggang sa dumating ang gabi at tinawagan niya ulit ako. Sana gabi-gabi na 'to... sana talaga. ["Magkwento ka nga."] Ano bang magandang kwento? Kainis naman eh, wala akong maisip sa sobrang kabado ko everytime nakakausap ko siya. Dapat masanay na 'ko eh. Close na kami netong Andrew Lim. "Wala akong maisip eh. Ano ba, di ako storyteller noh."

Past 10 na ngayon at nakahiga parin ako sa sofa habang kausap siya. Malapit na nga akong malowbatt eh. Chacharge ko nalang siguro 'to habang nag-uusap kami pero ang hirap kumuha ng signal pag inalis ko ang phone dito sa taas ng sofa eh. Bwisit kasi na bahay 'to. Panira ng love life talaga.

Ayoko nang magtago pa siya sakin kaya napagisipan kong sabihin sa kanya na kilala ko siya pero... wag nalang pala. Baka kasi umiwas na eh diba? Ayokong mabasag ang trip niya lol. Di niya lang talaga ako mauuto kasi matagal nang nakasave ang number niya sa contact list ko. Hahaha! ["Angela."] "Ano?" ["May ipagtatapat ako sayo pero... wag kang magagalit?"] ANO KAYA YUN?! "Depende sa sasabihin mo syempre." Tumawa ako. ["Ang sama! Sige na, wag kang magagalit please?"]

Nagpapacute po siya ngayon sa call. Gusto kong tumili, myghad. Andrewwww ang gwapo mo siguro ngayon. Ang cute cute mo siguro! Naiimagine ko kaagad ang mukha niya. "Oo na, oo na!" ["Yehey! Oh sige... Hmmm..."] Hinihintay ko lang ang sasabihin niya. ["Wuy, Angela?"] "Ano? Hinihintay ko sasabihin mo eh." ["Magsalita ka rin, grabe siya."] "Eh di hindi ko maririnig sinasabi mo. Baliw." ["Eto na nga eh. Alam mo kasi..."] "Wala akong alam. Enebe." ["Hahaha! Sasabihin ko na nga."] "Tagal. Wooo grabe!" ["Teka lang naman kasi, kinakabahan ako!"] "Bading talaga! Sa boses pa lang oh." ["Sige iooff ko 'to."] "At talagang binabantaan mo 'ko ha?" *Call Ended* Aba! Pucha! Ang lakas talaga ng loob oh! Agad ko siyang tinawagan pero sinagot naman niya agad. "Ba't mo pinatay!" ["Gusto ko eh."] Ang sungit talaga... Di naman siya ganito kay Anne at nung Joy diba? Ba't sakin ganito siya?

"Oh ano na yung sasabihin mo?" ["Oo nga noh. Hahaha sige eto na."] "Toot toot toot." Pinigilan ko ang tawa ko. ["Talagang iniinis mo 'ko ha."] "Hala sorry na po. Sorry na hahahaha! Di na mauulit." ["Makinig kang mabuti ha."] "Opo." ["Baka magalit ka sakin eh. Kinakabahan ako."] "Promise, hindi okay? Tatanggapin ko." Feeling ko sasabihin niya na sakin kung sino talaga siya. Feeling ko talaga.

["Hindi Zaryx ang totoong pangalan ko."] Sabi na eh! Napapatawa nalang ako ng patago dito. Hahahahaha! "Aaahhh..." ["Sorry, Sorry Angela. Di ko naman motibong lokohin ka eh."] "Okay lang. Hahaha!" ["Gusto mong malaman ang totoong pangalan ko?"] OH YES SAY IT NOW. GO. "Oo, ano pala?" ["Andrew."]

BOOM BOOM POW DOWNY'S BOOM BOOM POW! HAHAHAHA! Yeheeeey! Naffall na siguro 'to sakin kaya nagtapat siya. Ayaw niya nang niloloko ako. I feel so special!

I'M IN LOVE WITH A POSERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon