Chapter Seven

1.4K 23 9
                                    

Angela's POV

"Kaya nga joke kasi dapat tinatawanan eh." ["Ah, tatawa na ba ako? Di mo sinabi eh, ha-ha-ha-ha-ha! Okay na?"] Pero narinig ko naman siyang tumatawa. "Akala mo di ko narinig?" ["Ha? Inuubo ako, ano ka ba."] "Hahahahaha!" See? Nakuha ko na talaga ang kiliti niya. 

5:06 AM 

"Wow, grabe feeling ko nakahithit ako ng ilang sakong weeds." Tumawa siya, ["Hahaha! Mukha na nga akong zombie eh. Ang pogi ko parin."] Napangiti ako, di ako gumagalaw at kanina pa nakapikit, pilit na kinakausap parin siya at nananatiling gising parin makausap ko lang siya. "Ano, tulog na tayo?" ["Sige, mukhang inaantok ka na eh. Mamaya pa 'ko."] "Eh di hindi na muna ako matutulog. Gusto kong sabay tayo." ["Matutulog na nga ako. Sige na, matulog ka na."] "Ayoko nga---" ["Angela, isa. Magagalit ako."] "Sige... Good morning nga pala." Di na ko makagalaw talaga sa sobrang antok, bangag na bangag na 'ko at ang sakit na ng ulo't mga mata 'ko. ["Good morning rin, matulog na okay?"] "Opooo..." ["Ang tamlay na ng boses mo oh."] "Ikaw kaya..." ["Kaya nga matulog na tayo."] "Oo nga..." ["Tetext kita pag gising na 'ko. Siguro nasa 2 pm."] "Okay... Sige, babye..." Nakahinga ako ng maluwag nang ibinaba niya na ang tawag. "Aba! Gising ka pa?!" Kinabahan ako kay Mama. "Syempre alam mo namang nagpupuyat ako sa computer ko." "Sige, gusto mo atang mamatay ng maaga dyan sa ginagawa mo." "Ma naman, matutulog na 'ko. Wag kayong maingay ha..." Agad akong pumasok sa kwarto at bumagsak sa kama. Nakalimutan ko pang i-on ang aircon kaya bumangon ako ulit at pinaandar ito. 

Shit.... thank you makakatulog na talaga ako... 

1:00 PM 

Aaahhh... Ang sakit ng ulo ko, para akong na-jetlag. Dahan-dahan akong bumangon at chineck ang phone ko. Nagtext siya ng 6 am, so gising pa siya hanggang dun?! Nakakainis. Nagtext ako ng Gising na ako! Hahaha :P 

Kumain ako, naglaro sa computer like what I always do at naligo. Pagkatapos kong magbihis ay tiningnan ko ang phone ko at nagtext na pala siya kaninang 2:14 pm! 2:35 na ngayon kaya naman lumabas ako para tawagan siya pero di niya sinasagot... San kaya nakatambay 'tong lokong 'to. Baka naman gumala, o baka may ibang kalandian?

Ugh, acting as if I'm his girlfriend huh. 

Tinawagan ko ulit siya. Try and try until you die, beybeh! 

["Hello? Sorry di ko nasagot kaagad, kakatapos ko lang kumain."] Napangiti ako. "Ang init dito sa labas oh, nandito ako para makausap ka lang!" ["Ba't di ka pumasok? Sa facebook nalang tayo magchat."] Napanguso ako at umupo sa malaking bato sa gilid ng kapit-bahay. "Ayoko nga, gusto kong marinig boses mo eh." ["Yiieee... Ikaw ha. Hahaha! Pero mainit dyan, pumasok ka sa loob."] "Ayoko nga sabi eh." ["Ang kulit oh. Sige na naman, Angela?"] "Walang signal dun, alam mo 'yon. Ayaw mo lang ata akong kausap eh." ["Baliw! Pinagiisip mo! Eh di magpasilong ka dyan."] "Heto na nga, nakaupo ako sa gilid ng kapit-bahay." ["Baka isipin nilang baliw ka."] Tinawanan niya ako. "Aware kaming lahat dito na wala talagang signal sa loob ng mga bahay. Sinumpa ata 'tong subdivision na 'to eh." tumawa siya ulit. ["Kamusta tulog mo?"] "Okay lang, para akong na-jetlag." ["Sanayan nalang 'yan. Hahaha!"] "Sanay eh noh?" 

Nanlumo ako at binunot ang mga damo sa gilid ko. Sanay siyang nagpupuyat kausap sila Anne at Joy nuon? Hahaha! Okay. Ano ba naman yan, Angela. That's none of your business! Dati pa naman yun! At least ngayon, ako na diba?

Kwentuhan, asaran at kung anu-ano pa. Yung tipong di kami nauubusan ng topic? Lahat nalang pinaguusapan tsaka pinagtatalunan. Ganito kami laging mag-usap. Parang trop-tropa lang tsaka chill! Puro kabaliwan ang nasa utak. Napagod ako kaya sabi ko sa facebook nalang kami magchat. Agad akong pumasok ng bahay at binuksan ang facebook ko. Nagchat siya gamit ang ginawa niyang dummy account na Zaryx Kim ang pangalan. Syempre inintindi ko na siya sa mga iwas-bashers niya. 

Di ko maiwasang hindi i-stalk si Joy sa facebook. Nakita ko ang mga posts niyang puro heartbreaks at pagmumura at kung ano pa. Basura ng feed niya eh. Yung mukha niya pang ugghhh apple pen! Wahaha! Gaya nga ng album ng isa sa mga paborito kong bandang NIrvana, "Nevermind". Konti lang rin ng likers, my ghad. Nakakainis lang kasi ang lakas ng loob niyang magmura sa mga post niya sa facebook eh di naman siya kagandahan! Nakita kong may isa pa pala siyang account kaya pinuntahan ko yun at nakita kong cover photo niya si Andrew dito sa second account niya. Yung picture ni Andrew na nag mirror selfie at Christmas. My Lem <3 Nabasa ko ang caption. Ba't ba ang daming ginagamit na pangalan netong si Andrew, ha? Ano ba naman 'to... Sobrang masikreto eh. Gusto ko pa namang ipagsigawan sa facebook na close kami, itatag ko siya sa mga posts tapos yung tipong pati sa Facebook eh ang sweet niyo parin? Yun yung gusto ko sana kaso nahihiya akong sabihin sa kanya eh. 

Naalala ko na naman yung Mel Nuel Man sa facebook na tinatag netong Joy tapos itong caption niya sa cover photo niyang si Andrew na My Lem <3 

Pumunta ako sa profile nung Mel Nuel Man at nakitang Rommel Christian Lenuam na ang pangalan nito. WTF... Ano 'to?! 

Teka... 

Kasi kabaliktaran ng Lem ay Mel... Nagstalk pa 'ko sa pictures ni Joy at nakita ang picture niyang sa may chest at may henna tattoo na Lem at naka-tag itong si Rommel Christian Lenuam. 

TEKA...

Binasa ko ang posts nila at nakitang nagpost siya ng pictures ng awards at certificates na natanggap from a pageant at isang picture na nakasuot ng native outfit pero nakatakip ng emoji ang mukha... 

MR. CARNIVALS 2015 1ST RUNNER-UP

Pero ba't medyo pixelated? This is really something... Teka...

Last 2 weeks pa lang ito. Di ko maintindihan... Gulong-gulo ako. Ano 'to? Ano na naman ba 'to? Ang sakit eh... Ang sakit lang makakita ng posts na last, last week pa eh sa pagkakaalam ko, Andrew and I are getting into something... May something na between us and I just can't take this... Siguro naman naging malabo na talaga sila nung hindi pa kami gaano nagtetext.

I have to find this whole damn thing out. Why is he pretending with another name again?!

ANDREW LIM, WHY ARE YOU THAT KIND OF PERSON?

Nagsearch ako. Nakita ko kung san nag-aaral itong si Rommel Christian Lenuam at nakitang sa Mapua Institute University. 

Pumunta ako sa computer ko at nagresearch tungkol sa Mapua pero puro details lang ang nakita ko kaya nagsearch ako sa facebook ng Mapua SSC pero walang lumabas. Nsgsearch ako ng Mr. and Ms. Carnivals 2015 Mapua at may lumabas naman mula sa page ng SSC ng Mapua at nagscroll ako nang nagscroll hanggang sa nakakita ako ng mga pictures ng pictorials ng candidates at nagulat ako nang sobra sa nakita ko. 

Nakita ko talaga si Andrew sa pictorials at ang gwapo niya... Ang gwapo-gwapo niya.

So totoo talagang siya talaga 'to?! Waaaahhh! 

Ang swerte ko sa kanya... Teka lang, di pa ko tapos sa pagiinvestigate! Pumunta ako sa photos ng page at nakita ang albums ng candidates. Pumunta ako sa mga pictures ng male candidates at isa-isa itong tiningnan. 

Laking gulat ko at di makapaniwala sa nakita...

Mukha ni Andrew 'to. 

Lemmor Tristan M. Manuel 

WHATTHEFCKNGFCK!

So this Andrew Lim was just made-up?! Ito pala talaga ang tunay niyang pangalan? Ba't di niya sinabi... 

Nanlumo ako, naiiyak ako... So plinano niya pala talagang hindi sabihin sakin? Eh ano na ngayon? Ako na mismo ang nakakita sa katotohanan. What is happening to me... ba't ako napasok sa ganitong sitwasyon? Badtrip naman eh...

Nagsearch ako sa Facebook...

May lumabas na Lemmor Tristan M. Manuel at nakita kong may mga posts siyang 5 hours ago... Tiningnan ko ang mga pictures at sobrang dami ng likes na umaabot ng 1k. So ito pala talaga ang totoo niyang account? At wala man lang siyang balak na sabihin sakin, o i-add ako sa account niyang 'to?

Nakita ko ang mga pictures na uploaded dun sa Rommel Christian Luenam na nakatakip palagi ang mukha, so ito pala yung mga litratong yun. Ang gwapo niya talaga... Pero shit, ba't niya 'to ginagawa? Magsesend na sana ako ng message sa account niyang 'to pero di ko ginawa. Nahihiya parin ako eh... 

Sobrang disappointed ako sa nangyari.

I got fooled again...


I'M IN LOVE WITH A POSERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon