-Angela's POV-
Nagso-scroll lang ako sa facebook nang may mabasa akong comment mula sa picture ni Ate Hannah, School mate ko. 3rd year, AB Psychology.
Ako? BA Communication, 1st year. Second Semester na.
Ganda mo talaga Ate :)
Rommel Christian?
Wait... Familiar ang account na 'to ah?
Oh right! Naaalala ko na. Friends rin kami sa Facebook. In-add ako nito last month lang. Nakatago ang mukha niya sa mga pictures ng account niyang to. Bagong account na naman ata. Si Andrew Lim ito eh. Stinalk ko kasi siya at ang captions niya sa mga litrato niyang nakatago ang mukha ay "Para iwas bashers."
Wanna know why? Kasi yung Anne, binabash ng mga taga dito samen sa social media accounts dahil poser raw tong si Andrew Lim. Kaya pala nawala yung facebook na yun! Kaya pala wala nang posts tsaka 1 year ata akong walang narinig na balita tungkol sa kanila ah? Ano kayang nangyari? Malamang they already broke up. May bagong girlfriend 'tong si Andrew eh. Joy ang pangalan. Naiinggit na naman ako. Poser? Siguro? Eh hindi siguro? Marami kasing pictures eh at sa pagkakaalam ng lahat, hindi pa raw sila nagkikita nung Anne ever. Ang sabi ng iba, pinuntahan niya raw dito samen last year nung sila pa pero wala naman atang nakakakita at wala namang pictures or selfies man lang eh. Imposible namang di sila magseselfie kung nagkita na sila nun diba?
Nako-curious talaga ko sa lalakeng to. Naniniwala naman kasi akong siya talaga to eh. Na mukha niya talaga yung mga nakikita nami sa Facebook. Di 'to poser noh. Tsaka I stalked Anne on her account at wala na naman siyang posts pero di pa nadedelete yung mga posts nila dati.
Hmmmm so who's this new girl? Joy? Ang saya naman ng pangalan. Pfft. Walang forever! Tsaka-- eh? Love is blind na ba itey? Hindi naman kasi kagandahan ang babae, woy di ako judgmental ha. Alam nyo namang bago na tong generation natin na kung saan ay mas pinipili na ng mga tao ang may hitsura. Kung gwapo ka, eh di maganda rin at sexy girlfriend mo. Tsaka eh? Tong mukhang to ni Andrew, magkakagusto sa Joy na to? Tsaka yung Anne hindi naman siya kagandahan rin eh. Although she's kinda cute kasi chinita siya pero chubby. Oh sige ako rin chubby eh. Chinita rin ako. May dugo kasi akong Chinese at Japanese pero di namin ginagamit ang mga languages na yun, di rin namin sinusunod ang traditions. Dito na kasi lumaki ang parents ko eh tapos syempre pati kami ng Ate at Kuya ko.
Balik tayo kay Andrew. Oo nga naman. Artistahin ang mukha eh. Gwapo talaga kasi. Matangkad, maputi, matangos ang ilong, chinito, with braces tsaka RK. Tapos magkaka-girlfriend ng taga dito at magttyaga ng LDR? Eh sa gwapo niyang yan malamang may girlfriend na yan sa kanila diba? Tapos magkakagusto siya ng mga taga dito? Oo, taga dito 'tong Joy. Namumukhaan ko kasi naging school mate ko to nung Elementary pa ko at sobrang maldita nito, swear. Marami tong nakakaaway at di ko nga gusto ang aura nitong babaeng to simula nung una ko siyang makita eh never ko talaga tong kinaibigan.
Wow. Girlfriend niya talaga to, seryoso?
Katulad ng sa kanila ni Anne nuon, nagpopost parati sa Facebook. Masyadong mahilig mag-PDA tong lalakeng to ah? Ang bading-bading naman. Grabe. Nga pala, si Ate Hannah! Kilala niya pala to? Mukhang close sila sa Facebook eh. Matanong nga siya pag nakita ko siya sa school. Wala pa kasing pasukan. Next week pa.
"Ate!" naglalakad ako sa hallway at nakita ko si Ate Hannah na nagmamadaling maglakad papunta ata ng room niya. "Ate, wait!" "Hi, Angela!" Nagbesohan kami. "Ate, may itatanong sana ako." "Oh ano yun?" "Kilala mo yung Rommel Christian sa Facebook?" "Aahh! Oo yun. Kilala ko, bakit?" "Sa personal mo ba kilala, Ate?" tumawa siya. "Hindi, sa Facebook lang matagal na. Bakit? Crush mo?" "Nge! Hindi ah. Eh kasi diba Andrew Lim pangalan nun dati?" "Ah, oo. Nagpalit ng Facebook kasi binabash siya na poser raw eh." "Hindi ba?" "Siguro kasi marami naman siyang naikukwento saken, nagtatawagan pa nga kami nun."
BINABASA MO ANG
I'M IN LOVE WITH A POSER
RomanceI received a text message from a stranger. We talked about so many things since then. He had a problem. I have to help him get over his ex. I fell in love, We fell in love... We were so happy. Until the day came when I knew everything. Everythin...