First SCENT

680 12 5
                                    

1st SCENT

JUNE 01, 2011 (Wednesday)

10:15am

''Ma, alis na po ako.'' paalam ko sa mommy ko na noo'y nasa library at may inaasikaso pa ring mga papeles. Siguro tungkol sa business na naman namin yun.

May grocery store kasi kami at pinaplano nila ni daddy na magtayo ng 2 branch pa na mas malaki.

''Sige anak, mag-iingat ka.'' Sabi naman niya habang humahalik ako sa pisngi niya.

''Opo, mommy..'' sabi ko sabay talikod na papunta sa pintuan ng library para umalis.

Ngayon ko kasi napagdesisyunan na maghanap ng matitirhan kong apartment. Malayo kasi sa bahay namin yung eskwelahan na napasukan ko.

Ayaw nga akong payagan nila daddy, hahatid nalang daw niya ako everyday o di man daw bibilhan ng sariling kotse. Pero dahil likas akong matipid na tao ay hindi ako pumayag na bilhan ng kotse kahit ba 2nd hand pa yun.

Nagmakaawa din ako sa kanila na payagan akong tumira sa apartment. Gusto ko din maranasan mamuhay mag-isa. Yung hindi bini-baby ng parents ko.

At dahil nag-iisang anak lang ako, inabot pa ako ng ilang buwan bago sila napapayag sa desisyon kong magsarili.

Gusto nga nila mommy sila na humanap ng titirhan ko. Pero dahil matigas ang ulo kasi ayoko naman maging forever dependent sa kanila ay nilubos lubos ko na. I beg them na ako nalang ang humanap.

Di din naman nila ako matiis kaya ayun pumayag na din. Medyo late na nga lang kasi June 6 na start ng class kaya kailangan ko na talaga makanap ngayon. Maglilipat pa kasi ako ng mga gamit.

Nakarating na din ako sa lugar na maraming apartment na sunod sunod. Medyo malapit lang din 'to sa school na papasukan ko. Kaya ok na din.

Sige lang ako sa paghanap.

Pasok dito,

Pasok doon,

Inquire dito,

Inquire doon,

Hay! Nakakapagod din pala yung ganito. Ang init din kasi.

11:30am na, wala pa rin akong nahahanap. Ang mamahal naman kasi ng mga napagtanungan ko. Nagre-range ng 4,000-5,000 monthly. Di kaya ng budget ko.

Nakiusap din kasi ako kila mommy na 15,000 monthly lang ang ibigay sa akin na budget.

Nakwenta ko na yun. Bale, dapat makahanap ako ng apartment na 3k montly lang. Tapos 2k per week allowance ko, bale 8k in a month tapos 1k weekly sa food, so 4k/month.. So ayun ang total 15k.

Galing ko magbudget diba? Parte kasi yan ng gusto ko. Alam ko kasi na pag gusto mong magsarili dapat marunong ka ring magbudget.

Matapos kong kumain sa isang malaking carinderia, nagpatuloy lang ulit ako sa paghahanap.

Lakad dito,

Lakad doon,

Tanong dito,

Tanong doon,

Napapagod na talaga ako. Pero kailangan ko itong kayanin. Kayanin para sa independence ko. :)

Ayun, may natatanaw na naman akong linya ng mga apartment.

''Lola, may bakante pa po ba dito?'' tanong ko dun sa may katandaan na ding babae, siguro mga nasa 60's na siya.

Nandito na ako sa loob ng maliit niya atang opisina.

HALIMUYAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon