Second SCENT

547 11 4
                                    

Second Scent

June 5, 2011

Mabilis na lumipas ang mga araw. Natapos ko na ding ayusin ang lahat ng gamit na dadalhin ko sa apartment na aking titirhan sa susunod na mga araw, linggo at buwan.

Alas kwatro na ng hapon ng marating namin ang apartment. Halos dalawang oras na biyahe din ang nangyari dahil na din sa traffic.

Agad akong bumaba sa kotse namin. Nagpumilit kasi sila mommy na ihatid ako. Sabagay, ayos na din yon para naman alam nila kung saan ako titira at huwag na din sila mag-alala sa magiging sitwasyon ko sa bagong environment na gagalawan ko.

Agad akong dumiretsyo sa maliit na opisina ni Lola Clara kasama ang aking mga magulang.

Nakaka -dalawang katok pa lamang ako ng marinig ko siyang sumagot ng ''Pasok.''

Kaya naman ay dali-dali ko ng binuksan ang pintuan at pumasok na kami.

''Akala ko'y nagbago na ang isip mo Keith, kanina ka pa namin hinihintay.'' sabi niya matapos isarado ang libro na kanyang binabasa at sinenyasan kami na maupo sa mga upuan na naroroon.

''Naku, hindi naman po lola, medyo natraffic lang po kasi kami sa daan.'' sabi ko habang paupo kami.

''Magandang hapon. Kayo ba ang mga magulang niya?'' tanong niya na nakatingin kila daddy.

''Ah, opo. Hinatid lang po namin siya para makita na rin ang unit na ookupahan niya.'' magalang na sagot ni daddy.

''Mainam na din iyon para alam ninyo kung saan ninyo siya bibisitahin anu mang oras, hindi ba?'' sabi ni lola

''Opo, ngayon lang po kasi siya mahihiwalay sa amin. Kaya naman medyo nag-aalala kami sa magiging kalagayan niya dito.'' sabi ni mommy na nasa mukha talaga ang pag-aalala.

''Huwag kayong mag-alala. Tahimik naman sa lugar na ito at mababait din naman ang mga tao dito.'' sagot ni lola.

''Sana nga po ay maging maayos ang lahat sa kanya, kayo na po ang bahala sa baby namin dito ah.'' magiliw na sabi ni mommy sabay tingin sa akin at hinimas pa ang isang kamay ko.

Nakaramdam ako ng lungkot. Panigurado maninibago ako dito dahil wala sila mommy na mag-aasikaso at mag-aalaga sa akin. Pero ganun talaga hindi ba? Gusto ko nito kaya kailangan kong magtiis at alam ko naman pasasaan pa at darating din ako sa ganitong yugto sa buhay ko. Kaya dapat ngayon palang ay paghandaan ko na ang mga mangyayari.

''Ako na ang bahala sa kanya dito. Huwag na kayong mag-alala. Mukhang mabait naman siyang bata kaya hindi ako mahihirapan sa pagbabantay sa kanya.'' mahabang sagot ni lola sa mommy ko.

Mukhang hindi ako nagkamali sa pagpili sa unit na ito. Mabait si lola at nakikita ko rin sa kanya ang lola ko na ina ni daddy na namatay 3 years ago.

Ilang sandali pang nakipagkwentuhan ang mga magulang ko kay lola. Mukhang nakampante na din naman sila mommy.

''Keith iha, ito na ang susi mo sa unit mo. Ayusin mo na ang mga gamit mo at gumagabi na.'' sabi ni lola habang inaabot sa akin ang dalawang susi. Yung isang susi ay sa unit ko daw at yung isa naman ay sa gate. Para daw hindi na ako mahirapan pag ginabi ako ng uwi.

Ipinababa na nga ni daddy sa mga kasambahay namin ang mga gamit ko sa truck na siyang pinaglalagyan ng mga ito.

Tinulungan nila akong mag-ayos ng mga gamit gayon na din sa paglilinis. May allergy kasi ako sa sobrang alikabok kaya naman mahirap na baka sumpungin pa ako lalo na at ako lang mag-isa ang maiiwan dito mamaya.

Mahigit nang alas-sais ng matapos kaming mag-ayos kaya naman ay napagpasyahan nila daddy na sabay-sabay nalang kaming kumain doon sa malapit na karenderya sa unit ko.

Mag-aalas-siete na din ng magdesisyon silang umalis na at iwan ako upang makapagpahinga para sa unang araw ko bukas bilang isang college student.

Hinatid ko naman sila sa labasan at ramdam ko ang pagiging emotional ni mommy habang yakap yakap ako.

''Mag-iingat ka dito anak ha. Wag masyadong magpapagod. Wag magpapatuyo ng pawis sa likod. Wg masyadong magpapagabi sa labas.'' garalgal na ang boses na sabi sa akin ni mommy.

''Opo mommy, wag na kayo masyadong mag-alala sa akin dito. Big girl na ako diba?'' tumatawa ngunit parang maiiyak ko na ring sabi. Ang hirap pala ng ganito. Yung paalamanan portion. Parang ayaw na akong bitawan ni mommy at parang ayaw ko na din tuloy magpaiwan.

''You're still our baby keith. Our one and only baby.'' umiiyak na na sabi ni mommy habang yakap pa din ako. ''Mukhang di ako makakatulog ngayong gabi kakaisip sa baby ko.''

''Haha! Mommy talaga oh, aba matulog ka.. Masisira ang beauty mo baka magka-wrinkles ka and that is a big NO-NO!'' pilit ang tawa ko namang sabi sa kanya saka bumitiw na kami sa pagkakayakap.

''Mamimiss kita baby.'' umiiyak pa rin si mommy. Panu ako magpapaiwan nito? Ngayon palang parang ayaw ko na silang paalisin. :(

''Mamimiss ko rin kayo syempre.'' sabi ko at muli kaming nagyakap.

''Tama na ang drama. Parang di naman kayo magkikita sa saturday niyan.'' singit naman ni daddy na parang maiiyak na din. At pagkatapos nun ay nag-group hug kami. Mamimiss ko ang feeling na ganito.

Tama! Magkikita kita pa naman kami ulit. Ang pakiusap kasi sa akin nila mommy ay umuwi ako sa bahay namin tuwing sabado tutal naman ay half day lang ako nun dahil sa ROTC tapos babalik nalang ako sa unit ng linggo ng hapon.

Dahil sa isiping iyon ay medyo gumaan ang pakiramdam ko. At matapos nga ang mahabang paalamanan portion namin ay umalis na din sila.

Naiwan akong nakamasid lamang sa papaalis na mga sasakyan namin.

Nakatanaw lamang ako sa daan na tinahak nila hanggang sa hindi ko na sila matanaw.

Nanatili lamang ako sa ganoong posisyon: nakatayo at nakatingin sa malayo.

Bigla ay nakaramdam ako ng kakaiba..

Parang may mga matang nakamasid sa akin..

Tumingin ako sa paligid ngunit wala akong nakita na kahit na sino..

Bigla rin ay nakaramdam ako ng lamig sa aking buong katawan. Kaya naman ay napagpasyahan ko ng pumasok sa loob at magpahinga na sa aking unit.

Ano kaya ang naghihintay sa aking unang gabing pagtulog sa unit na ito?

Ano ang naghihintay sa akin sa unang araw ng klase bukas?

>>>>to be continued<<<<

Pasensya na natagalan ang update. Rush lang din to kaya sorry kung lame.. Medyo naging busy kasi sa mga bagay bagay.. Babawi nalang ako next time, ok?!

Salamat po sa mga patuloy na nagbabasa ng mystery/suspense na story ko na'to.

Alam niyo ba kung gaano ako sumasaya tuwing madadagdagan ang reads?

Mas sasaya siguro ako pag nagcomment kayo.. Ü

Kaya comment/vote na! :)

♥♥--sakuramitchie--♥♥

November 28, 2011 ü

HALIMUYAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon