FOURTH SCENT
Lumipas na ang ilang mga segundo ngunit hindi pa rin ako makapagdesisyon kung lilingunin ko ba o hindi ang nahagip ng aking mata na parang taong nakaputi na nakita ko sa repleksyon sa baso.
Pero maaari rin namang wala lamang iyon. Nabuo lamang dahil sa ilaw na nagmumula sa aking mini ref na tumama sa baso.
Kaya naman kahit na medyo nanginginig ang aking mga kamay ay dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran kasabay ang pagdarasal na sana nga ay wala lamang iyon.
Agad na lumuwag ang aking pakiramdam matapos makitang wala naman pala talagang tao sa aking likuran. Ngunit hindi rin nagtagal ang pakiramdam na iyon.
Bigla ang naging pagtayo ng aking mga balahibo at panginginig ng aking mga tuhod at kamay matapos akong makaamoy ng isang pamilyar na amoy. Ito ay halimuyak ng isang pamilyar na pabango.
Halimuyak na napaka-pamilyar. Halimuyak na kanina lamang ay nasa aking masamang panaginip.
Kasabay pa ng halimuyak na iyon ay ang pagdaloy ng kakaibang kilabot sa aking katawan at ang kakaibang pakiramdam na para bang kanina pa may nakatingin at nagmamatyag sa akin.
Gusto kong tumakbo agad-agad ngunit parang natulos na ako sa aking kinatatayuan. Hindi ako makagalaw. Hindi ko maigalaw ang aking mga binti. Hindi ko magawang maihakbang ang aking mga paa. Lalo na at parang may nahagip ang aking paningin na aninong nagdaan sa aking gilid.
Makalipas ang ilan pang minuto o segundo, hindi ko alam kung gaano nga ba talaga katagal ay natauhan na rin ako..
Pinilit kong ihakbang ang nanginginig ko pang mga paa at tinungong muli ang mini-ref at ibinaba ang basong muntik nang maibagsak ng nanginginig ko ring mga kamay.
Patakbo akong nagtungo sa aking higaan at nagtalukbong ng kumot.
Alas-tres pa lamang ng umaga at may ilang oras pa akong maaaring itulog pero kahit anong pilit kong gawin ay hindi pa rin ako makatulog. Ang dami kasing tumatakbo sa isip ko. Maski kasi ako sa sarili ko ay hindi maipaliwag kung ano ba talaga ang mga nangyari kanina.
Para kasing sumapi sa katotohan ang kanina lang ay masamang panaginip ko. Pero hindi naman kaya ay namamalikmata lamang ako at masyado lamang akong nadala sa napanaginipan ko kanina?
Hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin ako ng takot kaya naman ay hindi pa rin ako makatulog hanggang ngayon. Pero kailangan kong pilitin ang sarili ko. Kailangan kong matulog. Unang araw ng pagiging college student ko at ayaw ko maging bangag..
Kaya naman..
Biling sa kanan..
Biling sa kaliwa..
Tihaya..
Dapa..
Tagilid..
At pagkatapos ng sampung taon..
Nakatulog na rin ako sa wakas! >.<
>>>to be continued<<<
Maraming salamat sa pagbabasa! ü
Sorry sa super tagal na update.
I'll try to update regularly kaso putol-putol kasi sa cp lang ako nagta-type and upload.. :|
♥sakuramitchie♥
![](https://img.wattpad.com/cover/680177-288-k368212.jpg)