Third Scent

512 8 3
                                    

Third Scent

Habang naglalakad ako papasok sa aking unit ay nadarama ko pa din ang kakaibang lamig na nadama ko kanina sa labas kasabay ang pakiramdam na parang may mga matang nagmamasid sa akin.

Pilit kong inignora ang aking nadarama. Marahil ay naninibago lamang ako sa bagong paligid na aking ginagalawan sa ngayon. Isa pa ay nasanay naman na ako na ganito. Bata pa lamang kasi ay nakakaramdam na ako ng kakaiba tuwing mapupunta ako sa ibang lugar. Siguro ay child's instinct na alam kong wala ako sa aking comfort zone.

Tama! Ganoon lamang ang aking nadarama ngayon at hindi ko na dapat palakihin pa.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa aking unit ay parang mas lumakas pa ang pwersa ng aking kakaibang nadarama.

Pinilit ko ang aking sarili na ignorahin ito. Pinilit i-focus sa ibang bagay ang aking isip upang malimutan nito ang mga kakaibang nadarama.

Nahiga sa aking kama, inayos ang mga gamit na aking dadalhin bukas, inayos ang mga gamit sa night table, nag-ikot ikot pa ulit sa aking unit kahit na ilang beses ko na din itong naikot, Ngunit wala pa din.. Hindi ko pa rin maialis sa isip ko ang kakaibang pakiramdam na aking nadarama..

Napatingin ako sa orasan na nasa dingding.. 8:15pm na pala..

Mahigit isang oras na din pala akong nandito sa loob ng aking unit mag-isa. Parang ang bagal bagal ng paglipas ng bawat minuto..

Napatingin ako sa TV na nasa aking mini sala..

Bakit hindi ko nga ba naisip na pwede ko palang libangin ang aking sarili sa pamamagitan ng panonood?

Kaya naman ay dali dali kong itong ini-on..

Pinaglipat lipat ang channels..

Wala akong magandahang palabas dahil na din siguro linggo ngayon at walang masyadong palabas.

Kaya naman naisipan ko nalang na panoorin ang movie na ipinahirap sa akin ni Jessa, friend ko. Dear John ang title ng movie. Medyo matagal na daw ito pero maganda at highly recommended pa niya. Kaya naman ay panonoorin ko na ito ngayon.

Maganda nga ang movie na yun. Nakakakilig na nakakalungkot ang ending.. Pero si destiny talaga pagtatagpuin ang mga taong dapat magtapo kaya ok na din kahit papaano..

Destiny addict lang noh? Well, ganun talaga ako.. Nakakahawa si Jessa ee..

Hmm... Kelan kaya maglalaro si destiny sa buhay ko??

Wiee! Excited na ako! Pero maghihintay at maghihintay ako hanggang sa dumating na SIYA!

Sa ganoong mga isipin ay nalimutan ko na rin ang kakaibang nadarama ko..

Nang mapatingin ulit ako sa orasan na nakasabit sa pader ay nagulat pa ako. 10:30pm na pala..

At dahil 7:30am ang pasok ko bukas ay dali dali ko ng pinatay ang TV at naghanda na sa gagawin kong pagtulog..

Nag-body shower, nag-toothbrush, nagsuklay ng buhok at naglagay ng kung anu ano sa mukha..

Viola! Ready na ako matulog.. 11:15pm na din pala.. Dapat na talaga akong matulog.. Maaga pa akong gigising bukas..

Biling sa kanan...

Biling sa kaliwa..

Tihaya..

Dapa..

Tagilid pakanan..

Tagilid pakaliwa..

Ano ba naman ito?! Malas! Di ako makatulog.. Mukhang namamahay pa ata ako.. First time ko kasing matulog sa ibang bahay and take note.. First time ko din matulog mag-isa sa loob ng isang bahay..

HALIMUYAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon