Chapter 2

18.8K 639 31
                                    



HINDI na lang pinansin ni Ella ang nararamdaman niya dahil sa presensiya ni Devey. Nang may dumating na grupo ng banyagang kalalakihan ay nawala na sa paningin niya si Devey. Napasubo siya ng English-san sa mga Koreano. Bagaman half Korean ang papa niya at tumira sila ng limang taon sa Korea, ay hindi na niya kayang magsalita ng Korean. Hirap din sa wikang English ang mga lalaki kaya parang pepe siya habang nakikipag-usap sa mga ito na panay sign language lang. Mas naiintindihan siya ng mga ito kahit English kalabao.

Limitado lang ang English vocabulary niya kaya ayaw niyang ma-assign sa front office lalo na bilang receptionist. Karamihan pa naman sa mga guest ng Harley's resort ay foreigner. Second choice na lang niya sa kursong tinapos niya, hindi kaya ang first choice.

Pagsapit ng tanghali pagdating ng kasama ni Ella ay nagpaalam na siyang mananghalian. Maraming guest kaya ala-una na siya nakalabas ng front office. Bawal daw kasing kumain doon kaya sa restaurant na siya nagtungo at ibinigay ang meal stub niya sa waiter. Libre sila ng tanghalian kaya hindi na niya kailangan magbaon.

Pagdating niya sa dining ay nasipat kaagad niya si Jero na mag-isang nakaupo sa mesa malapit sa bar counter. Abala ito sa pagtipa sa laptop nito. Nilakasan na niya ang loob para malapitan ito. Hndi man lang ito naisturbo nang umupo siya sa kaharap nitong silya. Palagi namang ganoon si Jero kahit noong binatilyo pa ito, hindi lang talaga palakibo.

"Puwede ba akong kumain dito?" naiilang na tanong niya rito.

Tumango lang si Jero, habang hindi maibaling ang tingin sa kanya. Hinihintay na lang niya ang pagkain niya. Mamaya ay may lumapit na babae, maganda pero mukhang mas bata sa kanya.

"Kuya Jero, narito pa ba si Kuya Devey?" tanong ng babae.

"Nasa conference pa. Bakit?" ani Jero.

"Sabi kasi ni Mommy siya raw ang maghahatid sa akin sa academy."

"Mamayang hapon pa 'yon. Ako na lang ang maghahatid sa 'yo. Tatapusin ko lang itong ginagawa ko."

"Sige. Hihintayin na lang kita." Umupo ang babae sa tabi niya. Maya't-maya ang sipat nito sa kanya.

Kapag naka-side view ito ay nakikita niya ang anggulo ng mukha ni Devey. Cute ito pero medyo mataray kung tumingin.

"Are you employed here?" nakatikwas ang isang kilay na tanong nito sa kanya. "Bakit kasama mo si Kuya Jero?"

"Ha? Ah, e nakiki-share lang ako ng table," aniya.

"Bakit? Marami pa namang bakante, ah?"

Mariing kumunot ang noo niya. Hindi niya gusto ang paraan ng pagtatanong nito. Parang bawal tabihan si Jero. Sa pagkakataong ito ay tumingin sa kanila si Jero.

"Friend ko siya, Denniel. Kaklase namin siya ni Devey noong high school," sabad naman ni Jero.

"So, girlfriend mo siya?" nakamatang tanong ni Denniel.

Nagkatinginan sila ni Jero.

"Oo, girlfriend ko siya," matatag na sagot ni Jero.

Hindi kaagad nakapag-react si Ella nang may sumagot sa likuran niya.

"Kailan pa 'yan, Jero?"

Nagkasabay sila ni Denniela na lumingon sa likuran. Ganoon na lang ang kabog ng dibdib niya nang mamataan si Devey na nakatayo sa likuran niya at may isang dangkal ang pagitan sa kanya.

"Since high school. She's the only girl I trusted," tugon naman ni Jero, seryoso.

"Halata naman. Kaya maraming nasasaktang babae dahil masyado kang paasa. Tingnan mo ang ginawa mo kay Katrina, nagpapahiwatig ka ng malasakit sa kanya tapos magtataka ka kung bakit na-in love sa iyo 'yong tao. Then sasabihin mong magmahal na lang siya ng iba. Alam ni Ella 'yon." Pumalatak na si Devey.

...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon