Chapter 1

19.1K 682 11
                                    



HINDI naituloy ni Ella ang pagsusulat sa dairy book niya nang biglang dumapo sa isip niya si Devey Rivas, ang bully lord ng campus nila noong high school. Pagkatapos ng interview niya sa Harley's resort ay may nakita siyang lalaki na pamilyar. Si Devey kaagad ang naisip niya. Magbuhat noong nagtapos sila ng high school ay hindi na niya nakita si Devey. Ayon kay Jero, sa London daw nag-aral si Devey, sa kursong BS Forensic Science. Kasalukuyan pa rin daw nag-aaral for doctorate degree at specialization si Devey kaya patawid-tawid lang ito ng bansa. Aminado siya na bigla niyang na-miss ang binata pagkatapos ng graduation nila. Nasanay na kasi siya sa kakulitan niyon.

"Ella?"

Bumalikwas siya ng tayo nang marinig niya ang boses ng mama niya. Tinungo kaagad niya ang pinto at pinagbuksan ang ginang. Nasurpresa siya sa nakangiting mukha nitong bumungad sa kanya. Mukhang may maganda itong balita.

"Ano po ang nangyari sa lakad n'yo, Ma?" tanong niya nang magkatabi na silang nakaupo sa gilid ng kama. Ginagap naman nito ang kamay niya.

"Anak, may nakilala akong ahensiya na maaring makatulong sa atin para mahanap ang papa mo. Naalala mo ba ang doctor na nagpaanak sa akin noon? Si Dr. Rivas," paalala nito sa kanya. Tumango naman siya. "Hindi ba siya pa ang nagbigay ng pangalan mo? Nagkita kami kanina sa ospital. Doon na rin pala siya nagtatrabaho sa ospital na dati kong pinagtrabahuhan bilang pharmacist. Kinakamusta ka nga niya," magiliw na kuwento nito.

Bigla rin siyang natigilan nang maalala ang apelyido ng doktor na binaggit ng mama niya. Naalala niya, doktor pala ang tatay ni Devey. Nakalimutan na niya ang mukha ni Dr. Rivas, dahil sampung taon siya noong bumalik sila ng mama niya sa ospital at nagkita sila ni Dr. Rivas.

"Paano naman po niya tayo matutulungan?" pagkuwan ay tanong niya sa kanyang ina.

"Si Dr. Rivas kasi ay mayroong organisasyon na tumutugis sa mga masasamang bampira. May hinala sila na maaring isa ang papa mo sa nadakip ng mga bampira. Nako! Habilin pa naman niya na huwag tayong magpapagabi sa labas. Baka next week pupunta sila rito para mapag-usapan ang hakbang na gagawin," anang kanyang ina. Hinawakan nito ang kanang kamay niya. "Siya nga pala, naikuwento ko na ba sa iyo na iniligtas ako ng anak niyang binata mula sa isang masamang bampira noon?"

Nawindang siya. Ilang araw ba sila hindi nagkita ng mama niya? Hindi niya alam na may nangyari na palang masama rito. "Kailan po nangyari 'yon, 'Ma?" napapatayong tanong niya. Kinabahan siya bigla.

"Ah, eh, noong isang linggo pa. Kagagaling lang namin sa Harley's resort dahil sa seminar namin kasama ng mga katrabaho ko. May nakalimutan ako kaya bumalik ako sa resort, kaso habang patungo ako sa resort, may lalaking humarang sa akin. Mabuti na lang nataong patungo rin ng resort ang anak ni Doc. At nalaman kaagad niya na bampira 'yong lalaki na nagkunwaring driver ng taxi. Ang bait nga niya, nilibre pa niya ako ng meryenda sa resort at pinakilala niya ako sa mama niya. Kaya nalaman ko na anak pala siya ni Dr. Rivas," kuwento ng mama niya.

"Ano po ang pangalan ng anak niya?" curious na tanong niya.

"Si Devey," mabilis nitong sagot.

Nawindang siya. Tama ang unang hinala niya, anak nga ni Dr. Rivas si Devey! "Si Devey Rivas pala?" manghang unatg niya.

"Oo, naikuwento nga kita sa kanya, eh. Sabi pa niya may naging kaklase raw siya'ng Ella. Noong sinabi ko ang apelyido ko ay nakumbinsi siya na ikaw nga ang tinutukoy niya. Nako, ang guwapong lalaki ni Devey. Binata pa pala 'yon."

Napangiwi siya. Alam na this. Mabilis talaga dumiskarte ang nanay niya pagdating sa maimpluwensiyang tao. Udyok pa nito sa kanya noon, mag-asawa raw siya ng mayaman para umangat naman daw sila sa buhay at hindi niya maranasan ang maghirap ulit.

...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon