Chapter 17

14.5K 488 17
                                    


NAGMAKAAWA si Devey kay Zyrus na tulungan siya sa kanyang problema. Hindi naman ito naging mailap sa kanya. Pinagbigyan siya nito sa hiling niya. May laboratory si Zyrus sa bahay nito kaya inanyayahan siya nito na doon sila mag-usap. May nabinbin pa pala itong trabaho roon. Itinuloy nito ang trabaho, habang nakikinig sa kanya.

"Negative po pala sa blackribbon virus ang nadakip ng mga pulis noon," aniya.

"Nagkamali lang ang mga pulis, dahil pinagbasihan nila ang marka na laso. Ang infected ng virus na iyon na nasa higher stages na ay hindi na nakikitaan ng marka dahil lumubog na iyon sa balat at-in-absorb na ng katawan. Pero may magandang balita, nahuli na ni Leandro ang hayop na naturukan ng blackribbon virus. Nasa early stage pa lamang ang sakit niya kaya kinuhaan na namin ng sample para masuri at mapag-aralan. Kapag nakagawa tayo ng vaccine, kailangan mahanap na ang taong namarkahan ng itim na laso sa batok," sabi ni Zyrus.

Nilakasan na niya loob. Ibibigay na niya ang buong tiwala kay Zyrus. Naniniwala siya na hindi siya nito ihahamak sa plano niya na hindi alam ng daddy niya. "I finally found her, Tito," bunyag niya.

Napamata si Zyrus. Inilapag nito ang hawak na measuring cup sa ibabaw ng mesa saka hinarap siya ng maayos. "Who?" anito.

"My wife."

Napalunok si Zyrus. "Are you sure?"

"Yeah. Nakakadama na siya ng sentomas. Twenty-eighth birth day na niya next month. I need your help, tito. I can't trust Dad for this situation. I know he will kill Ella for the sake of many lives. And I don't let him to do this. Ayaw kong magkaroon kami ng sigalot sa isa't-isa. Kilala mo si Daddy pagdating sa pagdedesisyon. Please, tito, tell me what to do. I'm going crazy," samo niya.

Panay ang buntong-hininga ni Zyrus. "I can't promise you, Devey, but I will do my best. Let's work for this together," anito.

"Yeah I will. Thank you."

Tinapik nito ang balikat niya. "Just believe that love can handle the situation. If you really love her, don't lose hope, just always think positive," payo nito sa kanya.

Tatangu-tango lamang siya. Kahit papano'y naibsan ang bigat na pasan ng dibdib niya.

PAG-UWI ni Devey sa bahay nila ay walang tao. Wala roon si Ella. Saka lamang niya naalala na umuwi pala si Ella sa bahay ng mga ito. Sinubukan niyang tawagan ang cell phone nito pero walang sumasagot. Ang mama nito ang tinawagan niya pero hindi naman ma-contact. Hindi siya mapakali. Mamaya'y nagpasya siyang puntahan ang asawa.

Pagdating niya sa bahay nila Ella ay madilim. Nilipad lang niya ang mataas na pader. Pinahaba niya ang kuko niya sa hinliliit saka iyon ang pinagbukas sa pinto. Malaya siyang nakapasok. Nagtataka siya, kung naroroon si Ella, bakit madilim? Tinungo kaagad niya ang kuwarto nito ngunit pagbukas niya sa pinto ay walang tao.

Ganoon na lang ang gitla niya nang biglang bumukas ang ilaw. "Ay santisima!" bulalas ni Emelia.

"Mama," bigkas niya.

Hinihilot ng ginang ang dibdib nito, marahil ikinakalma ang dibdib. "Nakakagulat ka naman, Devey. Narinig kong bumukas ang pinto kaya bumangon ako. Akala ko bumalik si Ella," anito.

"Bakit po? Umalis ba si Ella?"

"Ang sabi niya uuwi na sa bahay ninyo."

"Kagagaling ko lang po doon wala siya."

"Ha? Sandali at tatawagan ko." Dinampot ng ginang ang cell phone nito na nasa ibabaw ng kama.

Nakadalawang dial ito sa numero ni Ella pero walang sumasagot. "Bakit kaya?" anito.

...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon