Chapter 6: Confrontation

2 0 0
                                    

Sa pag alis namin ni Fatima sa Caf. ay agad naman nya akong hinila sa isang kwarto na matatawag mong bodega, amoy libro na kase ang paligid at sigurado akong mga luma na yon

'Aray ! Fatima, hinay hinay naman sa paghila ,gusto mo bang mabali ung braso ko huh? ' Galit kong hinarap sya. In the first place  kase dapat hindi nya ako hinihila,at  hindi ko na maintindihan ung kinikilos nya,  Kanina sa pag payag nya sa pagsama kila kuya Drew. 

'Ano bang problema mo Fatima ? Hindi na kita maintindihan, Una pagsama mo sakin sa Caf. ngayun ano to? Huh? Alam ko na alam mong Ex ko si Kurt Diba?  at ang pagkakaalam ko na 'isa ka sa amin' At alam mong mali to!' Hindi ko na napigilan ang bibig ko sa pagsabi non. Naiinis ako sa kanya at alam nya ang ugali ko . Ayoko ng pinakekealaman sa mga bagay-bagay na nagdadaan sa buhay ko.

'Yeah 'isa ako sa inyo at alam ko yun Steff' Alam kong gusto mong makasama sya at ramdam ko yun, Kase kitang kita ko sa mga mata mo, Steff.. Alam kong malakas ka,  Pumayag lang ako kase Para sayo. Hindi naman siguro big deal un diba? At ang pag sama ko sayo dito  ay gusto kong ilabas ung mga nararamdaman mo na galit o panghihinayang , Sorry Steff' mahabang paliwanag nya .

Tama sya. Sobrang bigat na ng nararamdaman ko, At  Gusto ko syang makasama pero, mali kase un ! Napaiyak nalang ako dahil naaalala ko nanaman sya .Lumapit sakin si Fatima at Hinagkan nya ako ng mahigpit ' Tahan na Steff, Sorry kung ginawa ko un,' Yinakap ko rin sya bilang  pasasalamat sa ginagawa nya , Malaki talaga utang na loob ko sa kanya 'Slamat Fatima huh? Kahit kailan nadi moko binigo, Karapat-dapat ka talaga sa 'posisyon' mo ngayun ' sambit ko naman . Tumawa naman sya bilang ganti .

Pagkatapos ng dramahan na ginawa namin eh, inaya ko na syang  lumabas kase baka may makakita pa sa amin dito.

Sabay naman kameng lumingon sa likudan namin Ni Fatima ng may marinig kameng Tumawag sa Pangalan ko, 'Hey ! Steffanie Nobody Slash Bitch haha ' Nagpantig agad ang tenga ko Susugudin sana sya ni Fatima ng tignan ko sya ng look na 'I-can-handle-this- look . At tumango naman sya. 'Ano hindi ka makasagot diba? Malandi ka kase !' Galit nya akong Tinuro . Napalingon naman ako sa sinabi ni Fatima sa kanya ' Malandi Cherry? Ang pagkakaalam ko Ikaw ang Definition non ' At ngisi nya itong tinignan ' That's the Spirit Fatima, Gusto ko sana syang biruin pero Hindi ito ung oras na yon '' Argh! Wag kang nakikisali dito !' Pulang pula na sa galit si Cherry habang sinasabi ung mga salitang yon ' Why would'nt I? Were FRIENDS  ' Ibang klase talaga si Fatima at Tinignan nya pa ako nung sinabi nya un. 

Pero nakakapagtaka, Sa sinabi nya kanina eh parang Pinariringgan nya si Cherry? Pagkatapos nya kaseng mag 2nd year High school sa St. Claire Academy which is. Magkasama pa kami non at ng 'iba pa naming kasamahan' eh wala na akong nabalitaan at alam kong  na 'sila ' lang nakakaalam kung ano na ang nagyayari kay Fatima.

Hahablutin sana ako ni Cherry pero nakita ko sa peripheral version ng mga mata ko ang isang lalaki na naglalakad papunta sa side namin

Habang papalapit sya samin ay naaninag ko na sya . Argh? Bakit sya nandito . Papalapit sya amin ng papalapit

'Kurt?' takang sambit ni Fatima At tinignan nya ako ng parang nagtataka sa nangyari. Ako rin naman ee. Sobrang nagtataka at kinakabahan

'Anong nagyayari dito?' pasigaw na tanong ni Kurt at tinignan nya kame isa isa,  'Sinaktan nila ako Kurt !'Sambit ni Cherry. AT ANO RAW? SINAKTAN? The hell ! Hindi lang pala sya demonyita SINUNGALING PA SYA ! ' Good lier huh? Bravo Cherry !' sagot naman ni Fatima. Naguguluhan naman si Kurt sa nakikita nya ngayun
'WALA BANG MAGSASABI NG TOTOO? ' Natakot naman ako sa sigaw nya. Alam kong hindi na nya nagugustuhan ang nangyayari . 'PINAGSASABIHAN KO LANG SYA KURT!' turo pa sakin ni Cherry 'NILALANDI KA NYA ! AT ANG GUSTO KO AKIN KA LANG '! nababaliw na talaga sya. 'HINDI MOKO PAG AARI ! TANDAAN MO YAN CHERRY ! TINAPOS KO NA ANG RELATIONSH*T NATEN ! ALAM MO NAMAN NA NAKIKIPAGLARO LANG AKO DIBA? ang gulo ! At nakikipg laro? Eh ung samin din kaya Ganon lang ung ginawa nya? 'Stupid ka Stefff! arggh! Naguguluhan ako !

'KAYA KUNG AYAW MONG MASAKTAN KITA ,PLEASE WAG KA NG GUMAWA NG GULO AT HUWAG NA HUWAG MONG SASAKTAN ANG MAHAL KO '

--
A/N

Sino naguguluhan jan? Hehe. Vote lang at Comment pls..!

Btw. Thanks sa mga insan kong tumulong sakin ! Haha lovelots :-*

--
@NIVACZ

BLACK MASKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon