Ey, ey, readers! Welcome back! Another trivia na naman from GWEN! ^0^
Sa mga oras na 'to, ang topic natin ay DREAM! Alam niyo naman 'yung meaning nun 'no?
As in, panaginip. So, i-e-explain ko kung ano ang mga iba't ibang INFORMATION / FACTS / BAGAY-BAGAY tungkol sa panaginip.
(And gusto ko sanang i-copy paste yung info galing kay bestpar google, kaso BORING yun. Kaya, ako mismo ang magpapaliwanag.)
Premonition Dreams-
Narinig niyo na ba yan? Premonition. Ito ang klase ng panaginip na nagsasabi daw ng mangyayari mamaya. [As in, mamayang pagkagising mo sa panaginip na yan XD] Pero puwede rin namang COINCIDENCE lang na yun yung nangyari pagkagising mo.
Lam niyo ba, naranasan ko na yan? Pero, ilang weeks muna ang dumaan bago nangyari sa'kin yung napanaginipan ko. At ano naman yun?
Basta!
Hint ko, sa school ang venue. Hehe.
NEXT!
Lucid Dreaming-
Siguro, medyo familiar na yan sa inyo 'no? Pero nung una kong nakita yan sa comment box ng ibang story, OP ako. XD
Sabi kasi nung isa... Is she Lucid Dreaming? [Not in exact words yan.]
Tapos sabi nung isa...Oh my! Nag-Lu-Lucid Dreaming ba sya? [Again, not in exact words yan.]
Tas lahat na nag-tanong kung nag-lolo Sed dreaming yung bidang girl *0*
Balik tayo sa kung ano ba talaga yang Lucid Dreaming. Ehem, ehem. Sa mga hindi nakaaalam ng Lucid Dreaming, ito po yung nakapaglalakbay ka sa iyong panaginip. Sa simpleng limang salita, na-ko-control mo ang iyong panaginip.
At nakagagawa rin po kayo ng kakaiba. Halimbawa...lumipad kayo, travel sa time, tumagos lang kayo sa dingding na dinaanan niyo at iba pa.
SUNOD PO!
Sleep Paralysis-
0-0#
Okay, masyadong OA ang emoji ko XD. Pero itong Sleep Paralysis na 'to ay totoong nakakatakot na nightmare [May nightmare bang hindi nakakatakot?]. Naranasan ko rin yan!
Akala ko totoo talaga! Akala ko hindi ko na makikita ulit yung kapatid ko! Akala ko nga rin mamamatay na kami! +-+
Pero lahat ng akalang yun, mali.
Nangyari po sa'kin 'to...uhh...twice? Yata. I'm not sure kung twice o trice. Basta hindi once, guys.
Pero parang totoo talaga, kahit hindi.
So ang dahilan po ng pagiging malala, nakakatakot, shocking, or nagiging dahilan para mag-suffer tayo sa sleep paralysis ay yung overwhelming amygdala activity. Yung amygdla activity po ay yung activty na responsible sa fight or flight instinct and emotions, fears, and anxiety natin.
It means, kapag too much emotions tayo dahil doon sa panaginip, yun ang nagiging dahilan para mag-dusa tayo sa Sleep Paralysis thing. Gets? +-+
You Always Dream--you just don't remember it-
HAHA. Totoo nga. Kaya kapag nag-ku-kwento ako ng mga napaginipan kong horror sa classmate ko, minsan hindi sila naniniwala o na-a-amaze kasi putol!
Ano ba yan!
Kakausapin ko talaga yung director ng utak ko! Bakit ba parating cut ang scene, ha?! XD
Seriously? Ang hirap tandaan yung mga napanaginipan ko. Kaya nga kapag nananaginip ako pinipilit kong tandaan yung mga pangyayari. Pero wala e.
May mga bagay nga kasi na hindi dapat ipilit. -.- #MemaHugot
Ayon kay bestpar, 60% of people ang nakalilimutan ang panaginip nila. Ulyanin na daw tayo XD jk.
Ganyan talaga ang buhay, may mga bagay na nakalilimutan at mga bagay na sad'yang dapat kalimutan. +~+
-------------------------------------
Ayun lang muna po! Kita na lang tayo sa next update! *0*
Saka ginagawa ko na po yung story na binanggit ko sa MB ko. Sana maganda ang kalalabasan. ^_^
Thank you for reading, voting, following me, adding this to your reading list/ library and for commenting! Vomments naman dyan! ^0^
Baboysh!
-GwenTer
BINABASA MO ANG
Mga Linya! ( Hugot, Jokes, Pick Up Lines, Trivia ETC. TAGALOG)
HumorBy: GwenTer Hi mga Wattpaders! I made this book because I'm bored and I also want to entertain people! |English yan ha!| Kung hindi po kayo maka-relate sa mga kabaliwan ko, sana mag-enjoy man lang kayo ng kahit katiting lang. Sana magustuhan...