Five

8.3K 116 5
                                    

Nung binato ako ng kalaro ko ng bato at pumutok yung ulo ko, hindi ako umiyak kay Mama.

Maski ng mahulog ako sa hagdan ay siya pa ang umiyak.

Because I dont want my Mom to see me cry. I am stronger than her. Ako yung lakas niya. Lalo na nung namatay si Daddy.

But I think even the most stronger person has its weakness.

Gaya na lang ni superman. Or ni spiderman.

And Jacob is my weakness.

Siguro naawa sakin si Mommy, kahit di ko sinabi sa kanya kung sino yung taong iniyakan ko. She let me continue my education in Manila. No questions asked.

Wilson convinced me and Raven to stay. But my decision is final. Isa pa, habang nakikita kong magkasama si Kuya Jacob at Ate Sofia ay parang hinihiwa yung puso ko.

Yung nakakatawa pa ay isinama ni Kuya si Ate Sofia sa airport sa paghatid sakin.

Yung pakiramdam na torture ang buong byahe namin papuntang airport. Tapos si Raven panay ang tingin sakin dahil baka mag out burst na lang ako anumang oras. Pero kinaya ko.

"Take care of her." Bilin ni Mommy kay Raven.

"I will po." Pangako niya sabay yakap kay Mommy. He even said his goodbye to my little sister Jessie. Pero hindi niya pinansin si Kuya.

They already talked earlier bago kami umalis ng bahay. I dont know what it is. At mukhang ayaw rin namang ipaalam ni Raven.

"Wag ka muna mag boyfriend dun Ate ha. Paalam ka muna kay Kuya." Sabi sakin ni Jessie sabay kindat kay Kuya Jacob.

I chanced a glance at him. Seryoso lang siyang nakatitig sakin. Ilang saglit pa ay nag iwas na rin ako ng tingin dahil baka makahalata pa ang parents namin.

"May ibibigay ako sayo." He said in a cold voice saka naglakad palayo sa amin. Totoo ba? Ineexpect niya talagang susunod ako sa kanya?

"Go ahead." Udyok sakin ni Papa kaya napilitan na rin akong sumunod. Maski naman si Ate Sofia ay sinabing sumunod na lang ako.

"Ano yun?" Tanong ko ng makalapit ako sa kanya. Medyo malayo kami kaya siguradong hindi kami maririnig nila.

"Is this what you really want?" Napahinga ako ng malalim. Gusto niyang magbago ang isip ko. Gusto ko rin naman magbago ang isip ko. Pero ayoko na ng itinatago. Ayoko ng maramdaman na isa lang akong lihim.

Ang sakit kaya. For one year tiniis ko ang lahat. Pero di ba if you really do love a person you will set him free?

Or maybe, my love for him is not enough to fight my parents.

Bago magsalita ay tinitigan kong mabuti ang mukha niya. Its as if I want to memorize his face. Because our separation might take too long.

And Im going to miss all of him.

Yung pagiging seryoso niya sa lahat ng bahay. Even when you cracked a joke ay hindi pa siya matatawa sayo.

Nakakatawa kasi mahal na mahal ko ang taong ito. Pero hindi kami pwede. Sometimes I always think that destiny or fate is just a fairytale. Yun bang walang forever?

O what did I do on my past life to deserve this?

But I always think my Mom. I love her. More than I love him. And I have to choose.

"Tama na, Kuya." I saw that he closed his fist.

"Mahal kita." He said through gritted teeth. "Sabihin mo lang kung anong gagawin ko para di mo na toh ituloy. Please Yza."

"I cant see my future with you. Can we get married? Papayagan ba tayo nila? This is a sin. Alam mo na hindi pwede. Kahit sa simula pa lang. Tama na yung isang taon. Sobra na. Hindi ko na kaya. Please lang palayain mo na ko." Mahinang sagot ko habang pinipigilang mapaiyak.

Seconds had passed. Pagkuway kinuha niya ang kamay ko saka inilagay ang isang maliit na bagay.

Its a ring.

A tear escaped from his eyes, then he said "Sayang. Im planning to offer you a proposal infront of our parents."

Is this wrong, Kuya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon