Eight

6.4K 91 0
                                    

Hindi ako judgemental na tao. Dahil hindi naman ako ganun kaganda. Pero seryoso. Ang pangit ng stalker nitong si Arcuss.

Maybe he is not the type to take women seriously. Masyado siyang babaero to have a serious relationships. Maybe he doesn't believe in the word stick to one. Kaya kailangan niya ngayon humanap ng babaeng magpapanggap bilang girlfriend niya.

"Hindi ko inexpect na lapitin ka ng pangit." Tumatawang sabi ko sa kanya.

He sneer at me. "Ang ganda mo."

"Ah ganon. Sige bahala ka dyan." Akmang lalabas ako ng kotse pero hinawakan niya yung kamay ko para pigilan.

"Ito namang girlfriend ko masyadong pikon." Sabi niyang tumatawa sabay kurot sa magkabila kong pisngi.

I slapped his hand. "Teka. Hindi pa ko pumapayag."

"Gaya ng sinabi ko. Wala kang magagawa." He entwined our both hands. "From this moment, we are officially together."

Pinilit kong bawiin ang kamay ko sa kanya pero hindi niya iyon pinayagan. Para kasi akong napapaso sa hawak niya. And my heart started beating irregularly.

"Kelan toh matatapos?" Tanong ko na lang pero ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko.

"When she stop bothering me." Kunot noong sagot niya habang nakatingin sa labas ng kotse.

"What if she didn't?"

"Edi magiging girlfriend pa rin kita." Gusto ko siyang batukan. Hindi pwedeng maging fake girlfriend niya ko ng matagal. Ano na lang sasabihin ni Raven? Saka what if hindi na siya tigilan nung babae? Kaya nanghihingi ako ng timeline sa kanya.

Huminga ako ng malalim. "Anong gusto mong tawagan natin?"

Napangiti siya sa sinabi ko. "Sabi ko na nga ba."

Napaikot lang yung eyeballs ko dahil sa ka-preskuhan niya. "Sumagot ka na dahil baka magbago pa yung isip ko."

"Hmmm.. baby?"

"Baduy mo po."

"Mahal na lang." Tumango ako. Mas okay na kesa sa baby.

"Alright, mahal. Tara na." Binuhay niya yung makina ng kotse.

"Saan?" Takang tanong ko.

He smirk at me. "Ipapakilala kita sa family ko."

"No!" Pero wala, napaandar na niya yung kotse sa tapat ng gate nila.

"Baba na." Utos niya sakin habang nangingiti.

"Sigurado ka bang hindi mangkukulam yang stalker mo? Baka mamaya ipakulam ako eh." Tanong ko habang nakatingin sa labas ng sasakyan. Tinted yung kotse kaya alam kong hindi kami kita mula sa labas.

"I don't know. Maybe we'll find out soon." Sinamaan ko siya ng tingin bago lumabas ng kotse. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa.

"Akoy." I heard her said ng makalabas kami ng kotse. Nagtatakang napatingin naman ako sa fake boyfriend ko.

"Mahal, sino siya?" Linubos lubos ko na. Nakita ko naman ang ningning sa mata nitong si Arcuss. Ang kapal ng mukha niya. Pasalamat siya at best actress ako.

Lumapit siya sakin saka hinapit ako sa bewang. Nandun na naman yung mga paru-parong nagliliparan sa sikmura ko. Alam nyo yun? When you can't explain what do you feel? At ang isang toh mukhang gustong gusto din naman.

"This is Iris, mahal. Isa sa mga fan ko." Dinig ko ang proud sa boses niya sa pagkakasabi niya ng fan. At dahil don kaya gusto kong masuka. "Iris, this is my girlfriend Yza."

"Hi Iris." Inilahad ko pa ang kamay ko pero hindi niya tinanggap. Samantalang kita ko ang pangingilid ng luha sa mga mata niya. Poor girl. Nagpapaloko sa mga kagaya ni Arcuss.

"Pero wala kang nililigawan." She said matter of factly. Mahahalata mo rin na stalker ang datingan ng isang toh. Totally creepy.

"Hindi mo lang nahalata since you're busy following me." Pwe. Sarap din sapakin ng isang toh eh.

"Hindi ako naniniwala, Akoy." Sabi pa niya. Akoy? Is that his nickname?

"And so? Wala na akong pakialam kung di ka naniniwala. So please, leave me alone." Matalas na sagot niya sa babae. Dun ko napagtanto na nakakaawa pala yung girl. Alam ko naman na masamang mang i-stalk ng tao. Pero habang nakikita ko ang itsura niya ay mas lalo akong nahahabag at gustuhing sabihin kay Arcuss na wag na lang namin toh ituloy.

Pero alam ko rin na hindi siya papayag. So I shut my mouth at nilunok na lang ang mga gusto kong sabihin.

"Umuwi ka na." He told her bago niya ako iginiya papasok sa loob ng bahay nila.

Malaki ang bahay ng mga Canlas. But it still felt like a home. Yun bang masarap uwian kapag pagod ka?

"Unfortunately, tapos ng mag dinner yung family-," Naputol ang pagsasalita niya ng may babaeng sumigaw. Pareho kaming napatingin sa pinanggalingan ng boses na iyon.

"Akoy!" Isa iyong babaeng may maliit na height. Yung totoo mas matangkad pa ko sa kanya. She's petite. Kamukhang-kamukha pa siya ni Arcuss.

"Ate kong maingay." Kakamot-kamot sa ulong sabi sakin ni Arcuss.

Hinampas siya nito sa balikat. "Sinong maingay ha!" Nasapo na lang ni Arcuss yung bahagi ng balikat sa hinampas ng ate niya. "Sino naman itong magandang kasama mo?"

Maganda daw! Manang-mana pala si Arcuss dito sa ate niya. Sa isip-isip ko.

"My girlfriend Yzabelle." Arcuss introduces me.

"Girlfriend!" Nanlalaki ang mga matang sigaw ng ate niya. Ilang saglit pa ay lumabas ang isang babae.

"Ma! May sineryoso na si Akoy!" Sigaw pa niya sa babaeng lumabas.

Napatakip ako sa bibig ko dahil nakakatawa lang yung sinabi niya. Sineryoso talaga?

"Weh? Anong pinakain mo sa Arcuss ko? Saan mo nabili ang gayuma?" Gatong pa ng mama niya na may hawak hawak na baraha.

I heard Arcuss sigh. "You two are both exagerated."

"Pasensya ka na iha. Masyado lang talagang pakialamera ang mga babae sa pamilya namin. But to be honest, this is the first time Arcuss brought a girl here. Congratulations!" Sabi ng lalaking kakadating lang. Tingin ko ay papa niya.

"Uhm.." Hindi ko malaman yung sasabihin ko. Dapat ba sabihin ko din sa sarili ko na congratulations? Kahit naman na hindi kami totoong magkasintahan.

"Don't mind them, Mahal." Hinila niya ko paakyat sa hagdan. Ni hindi man lang siya nag abalang magpaalam sa nga magulang niya.

"Nice meeting you po." Pahabol kong sabi sa kanila.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ng mama niya.

"Sa kwarto." Sagot ng damuhong humihila sakin.

"Use condom!" Sigaw ng ate niya. Narinig ko pa ang pag aray ng ate niya saka ang pahinang pagtawa ni Arcuss.

Is this wrong, Kuya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon