Six

7.9K 106 2
                                    

He's always on my mind by time I wake up. Till I close my eyes. He's everywhere I go. He's all I know. Though he's so far away...

Nagulat na lang ako ng may biglang kumalabit sakin. Pag lingon ko ay nakita kong nakatayo sa gilid ko si Arcuss. One of the most popular guy in my school. Actually, hindi lang sa school kundi pati na rin sa pagmomodel. He's one of the model that advertising a popular brand clothes.

Dati naman hindi niya ko pinapansin pag nagkakasalubong kami. What's with him now? I removed my earphones.

"What?"

"Are you okay?" He has this funny expression on his face na parang nagsasabing nababaliw na ko. "Kanina ka pa kasi umiiyak?" Dugtong pa niya

I put my palm over my face at naramdaman ko nga na basa yung mukha ko. Pinunasan ko yun gamit ang palad ko, which is is gross dahil basang basa na pala yung mukha ko ng luha.

I didnt know. Everytime kasi na makakarinig ako ng malulungkot na kanta ay napapaiyak na lang ako. Maybe this is one part of moving on. Yun bang feeling mo lahat ng malulungkot at pang broken na kanta ay para sayo.

"Im fine." Tugon ko bago ibalik yung atensyon sa binabasang libro. Nakakahiya. For sure, na-claim niya ng baliw nga ako.

"Are you sure? It seems that you're not." He pulled something from his back pocket at inialok iyon sa akin. Pero ng hindi ko tanggapin ang panyo na ngayon ay hawak niya ay bigla niya na lang iyong ipinunas sa mga mata ko.

"You know I hate it kapag nakakakita ako ng mga babaeng umiiyak." He said while wiping my tears aways. Gustong umikot ng eyeballs ko at sabihin sa kanya na narinig ko na ang linya niya na yun. At hinding hindi ako madadala sa mga pa-cute niya. Immune na ang puso ko sa ganito.

"You know, I really am fine." I replied pagkuway nagsimulang damputin ang mga nagkalat kong libro sa bench. And the evergentleman side of his activated automatically. Tinulungan pa niya akong magpulot.

"Thanks." Tugon ko pagkuway tinalikuran na siya.

"Yzabelle." Tumigil ako sa paghakbang saka nilingon niya na pinagsisisihan ko dahil nakita ko pa ang nakakalokong ngiti sa mapulang labi niya.

Yeah. Aminado naman ako na gwapo siya. Pero hindi lang naman yon, he has this something on him which I cant figure out.

Kung trip niya ko pwes ay hindi siya papasa. Ayoko sa Crush ng Bayan. Mas lalong ayoko sa Boyfriend ng Lahat. As usual, gwapo eh. Kakaunti na lang siguro ang kakilala kong matitino. Kung minsan bading pa yung iba. So I raise my eyebrow at him.

"Tigilan mo ko, Canlas. Hindi ka papasa." Pagkasabi ko nun ay tuloy tuloy na akong naglakad palayo. I even heard him laugh. Damuho.

"Is that Arcuss?" Tanong ni Raven sakin ng makalapit sakin. Tignan ko si Arcus ng masama bago binalik ang tingin ko sa bestfriend kong nagtatanong ang tingin.

"Oo. Ano naman?"

"Be careful huh." Nagbabalang sabi niya sakin habang naglalakad kami sa hallway. Ako pa talaga na hindi makamove on ang binalaan nito ha? Kahit bali-baliktarin siguro ang mundo ay si Kuya Jacob pa rin ang pipiliin ko.

Kahit naman malayo ako sa kaniya ay may nalalaman pa rin ako. Di na nga siguro maiiwasan yon since we do have common friends. So I get to see him in different social medias. At ang sakit sakit, because he looks fine and happy.

"Dont worry, bakla. Im always guarded. Hindi ang isang Arcuss Canlas lang ang makakapagpaiyak sakin ulet." Nakita ko ang pag irap niya dahil sa pagtawag ko sa kanya ng bading.

"Kapag may nakarinig sayo, tutulak kita sa fourth floor ng building na toh." Pinandilatan niya pa ko ng mata.

"Magpakatotoo ka na kasi sa sarili mo. Hindi yung nagpapaka plastic ka dyan." Sagot ko.

Tumingin siya sakin na parang di makapaniwala. "Aba te, sayo pa nanggaling yan ha. Mahiya ka nga."

"Peste ka. Hindi na ko sasabay sayo." Tinalikuran ko rin sya gaya ng ginawa ko kanina kay Arcuss. Nakakainis. Ano bang meron sa mga tao ngayon? Ang lakas mambwisit.

Kinabit ko ulit yung earphone ko saka naghintay ng jeep na masasakyan pauwi.

Ilang saglit pa ay may kumalabit ulit sa akin. I thought it was Raven kaya hindi na ko nag abalang lumingon pa. Basta ko na lang iniwas yung balikat ko. "Raven tigilan mo nga ko." Pero consistent ang taong kumakalabit sa akin kaya nainis ako.

"Ano ba bakla!" I shouted.

Pero ang mali pala ako.

Lumawak ang pilyong ngiti ni Arcuss dahil sa narinig.

"So, Raven is gay?"

Shit, Im so dead.

Is this wrong, Kuya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon