Chapter 15 - Hurting Someone

10 0 0
                                    

"Gary, umihi lang ako saglit tapos ngayon naririnig ko si Francis, may kasama pa siyang babae. Ano bang plinano mo?"

"Brianna, akala ko ikaw yung nasa storage room kaya nilock ko. Tapos pagkalock ko, pumunta akong locker nawala na iyong susi ng storage room."

"Nako, Gary, hindi ka nagiisip. Nalockan mo na nga yung dalawa. Nawala mo pa yung susi."

"May nakita akong mga kaschoolmates natin na nagtatakbuhan baka nasipa o naapakan nila yung susi."

"Huwag ka nga magdahilan, hanapin mo na lang yung susi."

"Buksan niyo po yung pinto." sabi ni Luisa

"Pre, may tao ata dun sa storage room. Nalockan ata." sabi ng estudyante

"Naririnig ko, pre. Tawagin natin yung guard baka sakaling makatulong."

"Luisa, sumigaw lang tayong dalawa dito baka sakaling may makatulong sa atin na ilabas tayo dito."

"Oo nga Francis. Teka bakit may susi dito sa loob?" 

"Ilabas mo yung susi baka iyan yung susi ng lock para makaalis na tayo dito."

"Gary, nasaan na yung susi?"

"Brianna, hindi ko pa nga nahahanap e."

"May susi dun sa tapat ng storage room. Subukan mo nga baka iyan yung susi."

"Brianna, eto nga yung susi."

Nakalabas na sina Francis at Luisa sa storage room.

____________________________________________________________________________________

"Nakakainis talaga iyang si Keanna e." 

"Diana, ikalma mo nga sarili mo."

"Leila, paano ako kakalma, nakita ko na namang magkasama sina Jeremy at Keanna e."

"Sa una lang iyan. Kayang kaya mo na paghiwalayin iyang dalawang iyan."

"Sana nga, Leila. Bibili nga ko ng street foods sa kabilang kanto baka sakaling hindi mabad mood ang araw ko."

Tumawid na si Diana at nahuli si Leila.

"Diana!!!!!!!!!!!!!!!!!"

____________________________________________________________________________________

"Waldo, may pagasa pa bang makita natin si Alexa?"

"Ericca, hindi natin alam. Kung nasaan man siya ngayon, sana maging masaya siya."

"Ericca, may tumatawag sa iyo."

Sinagot ni Ericca ang tawag.

"Hello, sino ito?"

"Nahanap ko na po ang anak niyo, si Alexa. Napanood ko po kasi yung balita e."

"Saan po ba kayo nakatira?" 

"Barangay Hugot. Paasa St. Iniwan City"

"Sige, pupunta na ako dyan kasama yung reward mo."

Tuwang tuwa ang magasawa sa kanilang nalaman at pinuntahan nila ang nasabing address ng tumawag.

"Waldo, nasaan na yung lalaki?"

"Ericca, hindi natin makita si Alexa. May nagtext sa iyo."

"Hindi ko po nakita ang anak niyo. Pasensya na po." ang text ng lalaki. 

"Waldo, nangloloko lang pala yung lalaki. Sinasayang lang natin ang oras natin sa lugar na ito." 

"Umalis na tayo dito, Ericca."

Nadismaya at nalungkot si Ericca sapagkat hindi pala totoo na makikita niya ang kanyang anak. 

____________________________________________________________________________________

"Luisa, bakit ka nandiyan sa loob"

"Inutusan kasi ako ni sir, Brianna. Mauna na ako a."

"Sige Luisa."

"O Francis bakit ka nasa loob?"

"Ikaw nga mismo nagpapunta sa akin sa loob e. Bakit mo nga ba ako pinapunta?"

Biglang dumating ang principal at sinabing magsipasok na sila sa kanilang clasroom.Pagkasabi ng prinicipal at tumakbo agad si Gary papunta sa kanyang classroom

"Gary, sagutin mo iyong tanong ko."

______________________________________________________________________________________

"Miss, huwag kang magpapabangga ulit." sabi ni Waldo

"Sige po." sabi ni Diana

"Hay nako, Diana. Magpapabangga ka ba?"

"Syempre hindi bes. Madami pa akong plano sa buhay lalo na kung paano sisirain ang buhay ng Keanna na iyon. Kumain na nga tayo."

Pagkatapos nila kumain

"Samahan mo ako sa bahay, Leila."

"Sige basta gabi nakauwi na ako ng bahay."

"Wala na si Jeremy  at Mama sa bahay. Tamang tama ang tiyempo natin."

"Diana, nandito ka na pala. O eto pagkain."

"Etong pagkain na ito ay para sa iyo." sabay hampas ni Diana sa mukha ni Keanna ang pagkain at ibinuhos ang juice at sinasabunutan ng dalawa."

"Tama na, Diana. Itigil mo na ito."

"Anong titigil? Hanggang nandito ka sa bahay namin hindi ako titigil. Bes, hilahin nga natin ito si Keanna."

Pagkahila nina Diana at Leila kay Keanna ay tinulak ni Keanna si Diana.

"Sabing tama na, Diana."

"Lalaban ka pa pala. Pwes malalaman mo kung sino ang kinakalaban mo."

Sinarhan ni Diana si Keanna ng pintuan sa labas at hinayaang sumigaw sa labas.

Mahahanap pa ba nina Ericca at Waldo si Alexa? Ano ang ipapalusot ni Gary kay Francis? Tuloy tuloy pa ba ang pangaapi ni Diana kay Keanna? Abangan ang susunod na mangyayari sa Chapter 16 - Escape


BraceletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon