Chapter 17 - Confusion

6 0 0
                                    

Tawag pa rin nang tawag si Brianna sa dalawa at si Luisa ang nakasagot ng tawag. 

"Luisa, may sasabihin ako sa iyo."

"Ano ba iyon, Brianna? Pagkakita ko, ang dami mo nang missed calls sa akin, napakaimportante ata niyang sasabihin mo."

"Nakita nina Mommy at Daddy si Alexa."

"Alexa? Yung kapatid mong nawala."

"Oo e. Ayaw kong bumalik iyon dito."

"Bakit naman ayaw mo? Hindi ba dapat na masaya ka na at may chance na bumalik ang ate mo sa diyan sa inyo."

"Ayaw ko siyang makita. Magkakaroon ako ng kaagaw kay Francis kapag dumating si Alexa dito at hindi ako papayag doon."

"Kahit hindi ko nagugustuhan iyang reaksyon mo sa paghahanap nina Tita at Tito para kay Alexa, tatanggapin ko na lang kasi bestfriend kita."

"Mabuti naman."

Binaba na ni Luisa ang telepono at tumawag si Gary kay Brianna.

"Brianna, may ipapaalam ako sa iyo."

"Ano ba iyon, Gary?"

"Gustong malaman ni Luisa iyong totoong nangyari sa storage room, sasabihin ko ba iyong totoo?"

"Sabihin mo iyong totoo sa kanya, may tiwala ako kay Luisa. Teka, bakit mo naman sasabihin sa kanya iyon?"

"Tumawag siya sa akin at tinatanong kung ano nga ba ang totoong nangyari sa storage room."

"Kaya pala, hindi niyo sinasagot ang tawag ko kasi kayong dalawa pala ang magkausap. Bye na, Gary."

"Bye na."

____________________________________________________________________________________

"Jeremy, bawal iyang babae dito, sinabi ko na sa iyo iyan nung una pa lang na bawal tayong magpatira ng ibang tao sa bahay natin at wala tayong pagkain ipapalamon sa babaeng iyan."

"Inay, ngayon lang naman po e. Magpapalipas lang naman siya nang gabi e."

"Jeremy, si Mommy Theresa ata yung naririnig ko na sumisigaw."

"Siya nga, Keanna."

"Keanna, bakit ka ba umalis nang walang paalam?"

"Mommy, pasensya na po. Hindi na po mauulit."

"Hindi ko na tatanungin iyong dahilan pa basta huwag mo nang uulitin. Jeremy, pasensya na sa abala a."

"Okay lang po iyon, Tita Theresa." 

Papunta na sina Theresa at Keanna sa bahay nila at nakita iyon ni Diana. Inirapan ni Diana si Keanna.

____________________________________________________________________________________

Lunch Time.....

"Gary, kanina pa ako nandito e, buti dumating ka rin."

"Pasensya na, Luisa, natagalan ako kasi late kami dinismiss e."

"Sabihin mo na iyong totoo, please."

"Dapat kasi sina Francis at Brianna ang malolockan sa storage room. Ako nga ang naglock ng pintuan, akala ko kasi ikaw si Brianna."

"Kasabwat mo si Brianna?"

"Oo pagkatapos nun nawala yung susi nang pintuan kaya hindi ko agad nabuksan."

"Nasaan si Brianna nung nilockan mo kami at tsaka bakit niya ipapalock ang sarili niya kay Francis?"

"Umihi pala si Brianna nun. May gusto ang bestfriend mo kay Francis."

Natandaan ni Luisa ang sinabi sa kanya ni Brianna kagabi kung bakit ayaw niyang makita si Alexa. 

"Nagets ko na, Gary. Salamat sa pagsabi sa akin ng totoo. Tayong tatlo lang ang makakaalam nito. Hindi ko sasabihin ang nalaman ko kay Francis."

"Mabuti naman at nagkakasundo tayo dito. Aalis na ako."

Pagkaalis ni Gary ay pumunta si Luisa sa restroom at sinabi sa kanyang sarili.

"Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw ni Brianna kay Alexa, kung bakit nababaliw na siya kay Francis at bakit si Gary  ay pumapayag naman sa gusto ni Brianna kahit bestfriend niya ang apektado dito. Nakakalito naman." 

Narinig ni Brianna si Luisa na nagsasalita sa loob ng cubicle.

"Luisa!"

____________________________________________________________________________________

"Magsikain na kayo. Diana, Keanna, lumapit na kayo dito sa hapagkainan."

Habang kumakain ang tatlo ay tingin ng tingin si Diana ng masama kay Keanna. Pagkatapos nila kumain ay inutusan ni Theresa ang dalawa.

"Diana, ikaw ang maghuhugas ng pinggan at ikaw naman ang Keanna ang magwawalis dito sa bahay."

"Mommy naman e, tinatamad akong maghugas ng pinggan."

"Diana, huwag nang tatamad tamad. Maghugas ka na diyan."

Ginawa na nila ang dapat nilang gawin at umakyat na sa kani-kanilang kuwarto ang magiina. 

"Tanggalin ko nga itong isang bead ng bracelet ko at hinihiling ko na sana magkaayos na kami ni Ate Diana. Ayaw ko kasing nagaayaw kaming dalawa e."

"Keanna!"

"Sino ka?"

"Hindi ako magpapakita sa iyo at sinasabi ko lang sa iyo na magingat ingat ka sa paghiling mo gamit ang bead ng bracelet ko."

"Sino ka nga ba kasi?"

Biglang nabasag ang salamin ni Keanna at nagtaka kung sino ang nagsasalita na iyon


Maintindihan kaya ni Luisa ang nararamdaman ng kanyang bestfriend na si Brianna? Mahalata kaya ni Theresa ang hindi pagkakaintindihan ng kanyang mga anak? Hanggang kailan matatapos ang kasamaan ni Diana? Sino ang taong nagsasalita habang humihiling si Keanna? Abangan ang susunod na mangyayari sa Chapter 18 - Sweet Memories. 

BraceletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon