Chapter 5 - Meet Janella

50 0 0
                                    

Nagtanong si Jeremy sa kanyang magulang kung pwede patirahin si Keanna sa kanilang bahay at sinabi

"Hindi pwedeng may tumira ditong iba. Mahirap na nga lang tayo, magpapadagdag ka pa ng palamunin dito." sabi ng nanay ni Jeremy

"Sige na po. Sasabihan ko naman po siya na magtrabaho siya para may pera siya. Ang habol niya lamang po ay dito magpalipas ng gabi gabi-gabi." sabi ni Jeremy

"Hindi pa rin pwede. Di maiiwasan na dito yan kakain ng agahan, tanghalian at hapunan. At pagdating niya ba dito may pera na siya agad? sige nga Jeremy ipaliwanag mo nga." sabi ng nanay ni Jeremy.

"Payagan niyo na po siya. Pansamantala lang naman po e." sabi ni Jeremy

"AYOKO Tapos na yung usapan natin." sabi ng nanay ni Jeremy

Umalis si Jeremy sa kanilang bahay na malungkot ngunit bigla niyang napaisip na ang kanyang tita ay nagmamanage ng isang orphanage kaya naisip niya na doon muna tumuloy si Keanna. Pagkatapos niya iyon isipin ay pumunta na agad siya sa ospital.

"Keanna, may sasabihin ako sa iyong importante." sabi ni Jeremy

"Ano iyon?" tanong ni Keanna

"Hindi ka matutuloy na tumira sa bahay namin. Hindi kasi ako pinayagan ng mama ko na tumira ka doon." sabi ni Jeremy

"Saan na ako titira?" tanong ni Keanna.

"May tita akong nagmamanage ng orphanage kung gusto mo doon ka na tumira?" tanong ni Jeremy.

"Pumapayag ako kaysa naman wala akong matirhan di b?" tanong ni Keanna

"Oo." sabi ni Jeremy.

Tinawagan ni Jeremy ang tita niyang si Janella para sabihin na mayroong babaeng walang matitirhan.

"Hello po." sabi ni Jeremy

"Sino ito?" tanong ni Janella

"Tita, si Jeremy to."

"Bakit ka napatawag?" tanong ni Janella

"May kakilala po kasi ako na babaeng walang matitirhan ngayon nakita ko lang kasi siya sa dagat na paalon-paalon at ngayon na nasa ospital siya na kinabukasan ay ididischarge na kaya kung pwede po ba na diyan siya tumira habang di pa niya nahahanap ang kanyang totoong pamilya?" tanong ni Jeremy

"Syempre naman. Iyan ang trabaho namin na kumuha ng mga naulilang bata o tinedyer." sabi ni Janella

Pumunta na si Janella sa ospital para sabihin kay Keanna ang lahat ng mga rules and regulations sa orphanage at hinanda na niya ang lahat ng kanyang gamit para bukas.....

Kinabukasan ay bumiyahe na sila papuntang orphanage.

Anong mangyayari kay Keanna sa loob ng orphanage? Ano na ang nangyayari ngayon sa buhay nila Francis? Abangan natin yan sa Chapter 6 - New World New Life.

BraceletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon