Chapter 8 - In The Resort

47 0 0
                                    

Sa pagpunta nina Keanna at Janella sa resort ay nagsimula nang alalahanin ni Keanna ang nangyari sa kanyam. Gayon na rin si Francis na pumunta din sa resort sa oras na iyon.

Ang nakikita ni Keanna sa dagat na iyon....

*flashback*

"Ang ganda naman ng bracelet na iyon. Kunin ko nga iyon sa dagat kasi napakaganda  e." sabi ni Alexa

Nang kinukuha na ni Alexa ang bracelet sa dagat ay....

*end of flashback*

"Aray!" sabi ni Janella

"Tita Janella, ano pong nangyari sa inyo?" tanong ni Keanna

"Nakagat ako ng alimango na nagtatago dito sa buhangin.  Keanna, humingi ka ng tulong sa kanila." sabi ni Janella

"Saklolo! Saklolo! Tulungan niyo po kami." sigaw ni Keanna

"Ano pong maitutulong ko sa inyo?" sabi ng lalaki.

______________________________________________________________________________

"Kamusta ang pagpapanawagan mo Ericca sa TV?" tanong ni Waldo

"Kinakabahan ako sa umpisa pero kung iisipin ko talaga na kinakabahan ako, hindi ako makakahingi ng tulong sa taumbayan." sabi ni Ericca

"Mabuti nga ay nagawa mo iyon. Teka, nasaan si Francis?" tugon ni Waldo

"Pumunta sa resort may inasikaso lang saglit sa resort para ipabukas lahat ng TV sa resort habang nagpapanawagan ako." sabi ni Ericca

"Ahh Ganun ba, sige." sabi ni Waldo

Nakita ni Brianna ang paguusap ng nanay at tatay niya at may naisip na naman siyang masama.

"Nakakainis naman.  Lagi na lang si Ate si Ate si Ate, puro na lang si Ate.  Sana ako na lang yung nawala para ako yung asikasuhin nila.  Gagawa na talaga ako ng paraan para mapa-saakin si Francis.  Sana walang makakita kay Ate. Sana namatay na siya." sabi ni Brianna

_________________________________________________________________________________

"Tulungan niyo po ang tita ko pwede po magtawag na po kayo ng bangka na makakapagdala sa bahay namin?" sabi ni Keanna

"Sige." sabi ng lalaki

"Sino po ba kayo?" tanong ni Keanna 

"Lifeguard lang po ako dito sa resort na ito." sabi niya

"Ahhhh Ganun ba sige.  Pwede po ba na tumawag ka na ng bangka?" tanong ni Keanna

"Sige." sabi ng lifeguard

Tumawag na ang lifeguard ng bangka at may natawag naman ito.

"Manong, pwede pakihatid na itong dalawa sa bahay nila? Babayaran na lang kita." sabi ng lifeguard

"Sige.  Huwag mo na ako bayaran." sabi ng drayber ng bangka

Hinatid na ng drayber sina Keanna at Janella sa kabilang isla at nakauwi na silang dalawa ng maayos.

"Lifeguard Ryan, hindi mo ba alam na ang tinulungan mo ay ang hinahanap ni Sir Francis matagal na at yung nawawalang babae na pinapawagan sa TV?" sabi ng isa pang lifeguard

"Pasensya na Lifeguard Dan.  Hindi ko kasi alam na siya pala iyon at habang may panawagan ay tinutulungan ko sila nung mga oras na iyon kaya hindi ko iyon nakita." sabi ni Lifeguard Ryan

Sinabi ni Lifeguard Dan kay Francis na pumunta si Alexa sa sa resort at nabigla si Francis sa sinabi niya.

"Bakit di niyo pinigilan na umalis?" tanong ni Francis

"Kasi po hindi alam ni Ryan na siya pala yung nawawala." sabi ni Dan

"Sa susunod alamin niyo lahat ng makakapasok sa lugar na ito at kung bumalik siya ulit tawagin niyo agad ako. Maliwanag?" sabi ni Francis

"Opo." sabi ng mga lifeguard

Ano na ang nangyari kay Janella? Maalala na kaya ni Keanna ang nangyari sa kanya?  Bumalik kaya sina Keanna ulit para maalala ang nangyari? At kung bumalik man ay makita na ni Francis si Alexa? Abangan ang susunod na mangyayari sa Chapter 9 - Brianna's Way.

BraceletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon