Chapter 4 - Keanna And Her Discharge

43 0 0
                                    

"Miss, may napulot ako sa dagat kanina. Yung bracelet na hawak-hawak mo sa dagat may nakalagay na Keanna. Pangalan mo ba iyong Keanna?" tanong ni Jeremy.

"Siguro. Wala nga akong maalala e." sabi ng babae.

"Keanna na iyong tatawagin ko sa iyo, simula ngayon." sabi ni Jeremy.

"Sige." 

Palagi nang naguusap sina Keanna at Jeremy sa oapital hanggang sa dumating na ang doktor na nakaincharge kay Keanna.

"Ikaw po ba yung nakakuha sa babeng iyan sa dagat?" tanong ng doktor

"Opo, ako nga po." sabi ni Jeremy.

"Ano ang pangalan mo?" tanong ng doktor

"Ako po si Jeremy."

"Jeremy, maaari bang tayong mag-usap ng malapitan?" tanong ng doktor

"Sige po." sabi ni Jeremy

Lumapit na si Jeremy sa doktor at sa labas sila nagusap.

"Jeremy, may good news ako sa iyo?" sabi ng doktor

"Ano po iyon?" tanong ni Jeremy

"Magaling na si Keanna makakaalis na siya dito sa ospital." sabi ng doktor

"Talaga po? Maraming Salamat Po." sabi ni Jeremy

Umalis na ang doktor at para kay Jeremy ang sinabi ng doktor ay bad news sa kanya dahil mawawala na si Keanna sa tabi niya. Pumasok si Jeremy sa kwarto at tinanong niya si Keanna.

"Keanna, may matutuluyan ka ba kapag naka-alis ka na dito?" tanong ni Jeremy

'Wala e." sabi ni Keanna

Natuwa si Jeremy nang malaman niya na walag titirhan si Keanna kaya tinanong niya ito na

"Keanna, gusto mo sa amin ka na lang tumuloy kapag naka-alis ka dito?" 

"Huwag na Jeremy, nakakahiya naman kasi." sabi ni Keanna

"Huwag ka nang mahiya, wala ka naman kasing tutuluyan kapag naka-alis ka na dito." sabi ni Jeremy

"Sige na nga." sabi ni Keanna

Ano na ang susunod na mangyayari kila Keanna at Jeremy? Mahanap pa rin kaya nila Francis si Alexa? Abangan ang susunod na mangyayari sa Chapter 5 - Meet Janella.

BraceletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon