Sakto wala pa si Manong guard , , makakapasok ako kahit walang I.D. hindi ko na alam kung saan ko na nalagay , ewan . "
Habang naglalakad ako sa hallway papuntang room ko , hindi pa rin naaalis sa aking isipan ang milagrusong lugar .
Gusto ko sana bumalik at mag aliw ,ngunit natatakot ako sapagkat sa ipinakitang kabangisan ng mga nilalang na humahabol sa akin dun , may pag-asa pa ba akong maka-uwi ng buhay ? ( Sabi ko sa aking Sarili )
--------------
"Drew!" Sigaw ni Nicole .
"Uy , ikaw pala " sagot ko naman sa kanya .
"May sasabihin ako sa iyo , tungkol sa lugar na napuntahan mo :) at sa tingin ko , hindi ikaw ang kauna unahang naka punta sa tinatawag mong Azetia " sabi ni nicole .
"Haha , syempre . at alam ko rin kung sino ang kauna-unahan" patawang sabi ko kay Nicole.
"Haha , sino ? " tanong ni Nicole na para bang walang tiwala sa sasabihin ko.
"Si sir Cristofer " Pabulong na sabi ko sa kanya .
"bakit mo nalaman ? " tanong ni nicole .
"Hahaha , hindi mo ba gets ? kaya ayaw niyang may pumasok sa silid na iyon dahil ayaw niyang madiskobre ang Gintong salamin lol. " sabi ko kay ni Nicole .
"yep, alam ko yun . Pero di mo ba alam ? may sasabihin sana ako sa iyo kagabi kung hindi mo lang sana ibinaba ng bigla ang phone mo ." Sabi ni Nicole na nanghihinayang.
"Kahit na , pwede mo namang sabihin ngayon eh . mas maganda kasi pag actual mong sasabihin hahahaha . " palusot na sabi ko sabay tawa.
"May alam din kasi ang Dad ko tungkol sa Azetia , minsan na niyang na kuwento ang lugar na yan noong bata pa ako . akala ko naman kathang isip lang niya . yun pala, may pinaghuhugotan na . hahah :D " Salaysay ni Nicole .
"so ? your father knows a lot about azetia ? " "tanong ko kay nicole .
"Ay ? english ? well yes , and nagiging interesado na din akong maka punta doon . Kapag , may kamalasang mangyayari sa akin ngayon hindi ako magdadalawang isip na pumunta sa Azetia . joke lang " Pabirong sabi ni Nicole.
------
Dumiresto na kami sa silid kung saan naroroon ang aming first subject .Nagtaka kami kung bakit nasa labas ang aming mga kaklase . Hindi naman lang namin sila inintindi .
Naunang umupo si Nicole.
at maya maya , nakaramdam si Nicole ng malagkit .
" ano to ? ba't amoy gas ? " pagtatakang tanong ni Nicole .
" Malas mo Nic , bagong pintura pala ang mga wooden chair at tsaka goodluck nalang sa uniporme mo, color maroon na yan ngayon hahahaha . " patawang sabi ko kay Nicole .
"This is not funny anymore ! " at itinulak ni Nicole ang mga upuan at umalis .
"wait ? saan ka pupunta ? " tanong ko sa kanya .
"May pagka demonic attitude pala to si Nicole . at saan kaya yun pupunta . Bahala sya sa buhay niya hehehe ..

BINABASA MO ANG
AZETIA: Land of Magic and Creatures
Fanfiction"And above all, watch with glittering eyes the whole world around you because the greatest secrets are always hidden in the most unlikely places. Those who don't believe in magic will never find it."