"Paano na po yung dalawa ? habang buhay nalang ba silang magiging bato ? " Tanong ko sa Lapraso.
"Maaaring Oo at maaari ding hindi , hinuli at ginawa silang bato dahil nakipag-usap sila sa isang tao . " Sabi ng lapraso .
------
Ilang milya din ang narating namin , ang tubig ay sadyang nakakamangha . Ang mga isda na aming nadadaaanan ay sinasabayan ang Lapraso sa paglangoy ."May tanong po ako , ano po yang nasa ilalim . Yung malaking bilog ? na nababalot ng liwanag . " Tanong ko sa Lapraso .
"Tao , yan ang lugar ng mga nilalang sa dagat . " sabi ng Lapraso .
"So , ibig sabihin diyan ka nakatira ? " Tanong ko sa lapraso habang naka hawak ako sa leeg nito .
"Hindi ." maikling sagot ng Lapraso .
"Akala ko isa kang nilalang sa tubig . bakit hindi ka diyan nakatira ?." Nagimbal na tanong ko sa Lapraso .
"Hindi ako tunay na nilalang sa tubig ang tunay na anyo ko ay kagaya mo . " Anang Lapraso .
"Huh? bakit ka naging ganyan ? " tanong ko sa kanya .
"Noong unang panahon , nagkaroon ng hidwaan ang lugar na ito . At ang lahat ng mga mabubuting nilalang ay pinaalis mapa tao o hayop o may mahika . Ang mga grupo namin ay hindi nagpa-tinag . Hindi namin gustong ibigay ang lugar na ito ngunit dahil sa katigasan ng ulo ginawa kaming ganito . " Salaysay ng Lapraso .
Wala akong masabi , nanahimik ako hanggang marating namin ang isang lugar .
Lugar na may berding damo , ang mga puno ay gumagalaw ang ibon ang siyang nagdadala ng liwanag sa buong lugar .
Mga tao din kaya itong mga nilalang na ito ? tanong ko sa isip ko .
-----
Diyan ka na bata ! . Kailangan ko ng umalis . "Sabi ng Lapraso ."Sandali! " Pahabol ko sa kanya .
"Ano ? "
"Gusto mo bang maging tao ulit ? " Tanong ko sa kanya ng seryoso .
"Hahaha , ano ? . Walang makakatanggal sa sumpa at mahikang nababalot sa buhay ko, tanging ang nagbigay lang nito ang pwede . At kung mayroon mang makakapagpabalik sa akin sa dati , mas pipiliin ko nalang na maging ganito ako , keysa gawin nanaman akong uod sa susunod na akoy makipaglaban. " Sabi ng Lapraso sabay alis .
Wala akong magawa , gusto ko sana silang tulungan . Eh , wala eh . Ba ka nagkataon lang na nagka powers ako lol .
Naglakad ako sa kung saan , hindi ko alam ang aking patutunguhan . Wala akong plano , wala akong alam gawin sa lugar na ito .
"My mission is to find and to save Nicole ! ito yaong naaalala ko kung bakit ako naririto .
"Kailangan ko hanapin si King Arcan upang ako ay matulungan . "

BINABASA MO ANG
AZETIA: Land of Magic and Creatures
Fanfiction"And above all, watch with glittering eyes the whole world around you because the greatest secrets are always hidden in the most unlikely places. Those who don't believe in magic will never find it."