Chapter VIII - Part I

6 1 0
                                    

"Itinaas ko ang aking kamay na parang hangal sabay sabi ng Haleluya haleluya"

WALANG NANGYARI-

"Paumanhin po , hindi ko talaga kayang papuntahin dito ang pinakamalaking lapraso ." Sabi ko sa kanilang dalawa .

"Isipan! " Sabi nang dalawa sa akin .

"Gamitin mo ang iyong isipan at isipin mo ang gusto mo gawin" Sabi ng babae .

Bumalik sa puwesto si Drew at sinimulan muli ang baliw-baliwan . I mean , ang power of mind . hahaha

-----------
"Naramdaman ko ang hangin , ang dugong dumadaloy sa aking mga kamay at ang pitik ng aking puso .

Inisip ko at tinawag ang mga nilalang sa tubig .Nabigla ako't narinig ko ang mga boses ng mga Lapraso , sila nga ba'y nakikipag usap sa akin ? . Hindi pa ako nakakita ng mga lapraso ngunit sa tingin ko , ito sila . Inutusan ko sila na papuntahin ang pinakamalaking Lapraso sa mismong harap ko .

----
Maya-maya tumalon sa harap ko ang napakalaking nilalang na kulay bahaghari . Ang ulo nito ay mula sa parrot at ang katawan nito ay mula sa pawikan .

" Hindi na ako magtataka

. ito nga ang laprasong sinasabi nyo . Sabay tingin sa higante at babae .

Ngunit sa pag lingon ni Drew , naging bato ang dalawa .

"Anong nangyari sa kanila ?! " laking gulat ko ng makita silang naging bato .

"Bata ! Sumakay ka na rito , nasa panganib ang buhay mo!" Sabi ng Lapraso .

Hindi ko alam kung sino ang nagsasalita , ngunit sa pagkakaalam ko ang Lapraso ito .

Pinaulanan ako ng mga bolang umiilaw dahilan upang mawasak ang lupang kinatatayuan ko . Nakita ko ang mga may sandatang nilalang , sila ay may ulo ng Lobo at may kasama silang isang Halimaw , may sungay at parang nasusunog ang mukha nito . Isa silang mga nakakatakot na nilalang .

Muli nanaman nila akong hinagisan ng mga nag-aapoy na bola . Buti nalang at nakatalon ako sa likod ng Lapraso .

Dali-daling , lumangoy ang Lapraso papalayo sa mga nilalang .

"Sino sila ? maaari mo bang sabihin kung sino sila ? " Tinanong ko angg Lapraso.

"Sila ang mga kawal ng Demon Witch . Bakit ikaw ay naririto , tao ang buhay mo ay nanganganib " Sabi ng Lapraso na patuloy na lumalangoy .

"May hinanap kasi ako . Kaibigan ko ,nagpunta siya rito kaya sinundan ko . Maaari mo ba akong tulungan ? " Paki usap ko sa Lapraso .

"Pasensya na bata , ngunit ang kagaya ko na isang tagatubig ay mahigpit na ipinagbabawal ang pagtulong sa isang estranghero " Sabi ng Lapraso .

"Eh, bakit mo ako tinulungang makalayo sa mga nilalang na iyon ? "

"Hindi ako ang nagpasyang kargahin at tulungan ka . Ang Higante at ang babae ang nag utos sa akin na dalhin ka sa Kaharian ni King Arcan . "

------
Abangan ang next update bukas .

AZETIA: Land of Magic and CreaturesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon