"Noong una , sa bato ako nahulog at ngayon sa yelo na. ano na nga ba ang nangyayari dito ? " Pagtataka ni Drew na halos makain na ang mga yelo.
Ang mga puno sa paligid ay naging kulay Brown ang mga damo ay naging kulay silver . Ang mga dahon ay nalalagas at ang tubig na dumadaloy sa sapa ay bumabalik sa bundok .Bundok na pinamumugaran ng mga ibong takot sa kanyang pagdating.
"Kung sinabi ko lang sana sa kanya ang sinapit ko sa lugar na ito , hindi na sana magpunta si Nicole dito , akala siguro niya nababalot ito ng aliw , na ang totoo'y aliw na makamandag . " sabi ni Drew sa sarili na halos nababaon na sa makapal na yelo .
Hindi alam ni Drew kung saan magsimulang maghanap . Naging maingat si Drew sa paglalakad ,ng sa gayu'y hindi siya makita ng mga mapanganib na nilalang .
---
Maya-maya isang lindol na animo'y yapak ng isang higante ang papunta sa kinaruruonan ni Drew .Hindi pa man nakikita ni Drew ang paparating na nilalang , alam na alam na niya na isang kapahamakan ang mangyayari kapag nakita siya nito .
Nagtago si Drew sa isang maliit na puno na nababalotan ng makapal na damo .
Pinagmasdan ni Drew ang pagdating ng nilalang . Isang nilalang na Mataba at halos kalahati ang taas nito sa puno ng niyog at ang nakapagtataka pa nito ay iisa lamang ang mata nito at matalas ang ngipin . Dala-dala nito ang dalawang katana .
"kailangan ko muna ng isang lugar upang makapagplano" Sabi ni Drew .
Habang lumalayo na ang Higante inihakbang ni Drew ang kanyang paa patalikod at hindi niya namalayan ang isang matirik na lupa , nahulog si Drew na dahilan upang makita siya ng higante ."
"takbo! Drew" sabi ni Drew na humarurot sa takbo papuntang ilog .
"Diyos ko po ! hindi ako marunong lumangoy "sabi ni Drew .
Maya-maya may humila sa baywang ni Drew , dahilan upang mahulug siya sa malaking dahon na lumulutang.
--
"hoo! muntikan na ako dun ah , but wait ? sinong gumawa at humila sa akin dito papunta sa malaking dahon?"-----
Akala ni Drew nakatakas na siya sa higante , hindi niya alam na nasa ilalim pala ang higante sa kanyang sinasakyang dahon at sinasabayan siya sa pag langoy .Biglang binuhat ng higante ang kanyang sinasakyang dahon at iniangat ito pataas .
"Yo cha sinda ukufa ! Yo cha sinda isikhali sami ! Ngiyakubula ongumhluph "
Malakas na pagkasabi ng higante nito kay Drew na halos matangay na ito sa lumalabas na hininga .
----
Walang masabi si Drew sa takot , ng makita niya ang namumulang mata ng higante .
"Pasensya na po! , gusto ko lang po hanapin ang kaibigan ko! pakiusap po . Huwag nyo akong kainin" Maluha-luhang sabi ni Drew.
-

BINABASA MO ANG
AZETIA: Land of Magic and Creatures
Fanfiction"And above all, watch with glittering eyes the whole world around you because the greatest secrets are always hidden in the most unlikely places. Those who don't believe in magic will never find it."