uwumise Diego!
(Stop it Diego!) Isang babae ang nagsalita .Oo boses babae
Habang hawak ako ng higante lumingon lingon ako at hinanap ang babaeng nagsasalita .
Laking gulat ko ng makita ko ang punong mamumunga ng kumikinang na dyamante. Ang punong ito ang nagsasalita .
"Pakiusap po! tulungan nyo ako" ito lang ang masasabi ko . Gusto ko pa kasi mabuhay .
Nagsalita nanaman ang higante ng malakas
ungubani ? usukhona ukubulalaabantu enkosini Arcan sika?!
(who are you ? are you here to kill king Arcan's people ?! )
.
''Paumanhin po ! hindi ko kayo maintindihan . pakawalan nyo na po ako ! '' sabi ko sa higante .
Narinig ko nanaman ang boses ng babae.
''akayona into embi, ukuthi muhle futhi ngiyasibona inkululeko kuye''
( he is not an evil , that child is good and I can feel freedom from him )
Ibinaba lang ako ng higante matapos niyang marinig ang sinabi sa babaeng puno na hindi ko alam ang ibig sabihin .
----------------
"Mga nilalang , paumanhin ngunit ang inyong mga salita ay hindi ko maintindihan." Sabi ko sa higante at sa babaeng puno .
Humaba ang mga sanga ng babaeng puno , nag bagong anyo ito at naging isang babae , babaeng may taglay na kagandahan .
------
"Diego ! tignan mo ! naging tao ako ! . Diego !, ang batang ito ay hindi pangkaraniwan gaya ng ating inaasahan . Kapag ang batang ito ay maiharap natin kay King Arcan tayo ay lubos niyang pasasalamatan . " sabi ng babaeng puno na naging isang tao na .
"Oo nga , ikaw ngayo'y ganap na tao na . " " sabi ng higante sa babae sabay angat nito sa babae.
"Sus, pwede naman pala magsalita ng linggwahing ginagamit ko " Sabi ko sa aking isipan .
"Bata ? , kung ikaw talaga ay may taglay na mahika . Maaari mo bang gamitin ito muli sa pagkakataong ito ? " sabi mg higante .
"Po ? . Kung nag anyong tao po yaong puno , wala po akong kinalaman sa kanyang pagbabago" Sabi ko sa kanila na medyo nangiginig sapagkat ba ka patayan nila ako dahil wala akong silbi .
"Kahit minsan man sa buhay , ang salita ay walang saysay kapag hindi ito nilapatan ng gawa , kaya subokan mo nalang. " Sabi ng higante .
Takot akong mamatay kaya kahit imposible , ginawa ko na rin kahit mukha akong baliw .
"Saan po ? . I mean saan ko po sisimulan ? ." tanong ko sa higante na hanggang ngayon buhat buhat pa rin ang magandang babae .
"Subukan mong papuntahin ang pinakamalaking Laprasyo mula sa malawak na ilog na iyon hanggang dito . " Utos ng higante.
[ Definition : Ang Laprasyo ay isang nilalang sa Azetia na kilala bilang sasakyan pandagat . Ang laprasyo ay may katawang pagong at may ulo ng parrot ]
----
Abangan ang next part bukas . THANK YOU!
BINABASA MO ANG
AZETIA: Land of Magic and Creatures
Fanfiction"And above all, watch with glittering eyes the whole world around you because the greatest secrets are always hidden in the most unlikely places. Those who don't believe in magic will never find it."