Chapter 14
8 months later...
Saturday, 5:30 pm, LS Dorm
Ara POV
Oo, 8 months na ang nakalipas. Ang bilis ba? Ganun talaga. Time flies. Alam ko iniisip niyo kasi yun din iniisip ko kahit 8 months ang lumipas. Anong nangyari after nung night ng first kiss namin?
Di ko din alam. Nakakabano. Iniisip ko pa din hanggang ngayon.
Pero after that, mas naging close kami ni Thomas. In fact, mas naging sweet siya sa akin. Nung una naiilang ako pero nasanay na din ako na ganun kami sa isa't-isa. Close friends daw kami, parang mag best friend, ganun. Eh di okay. Ano ba magagawa ko diba? Alangan naman ipilit ko. Actually, gusto ko talaga siya i-confront about sa nangyari na kiss pero may sinabi siya sa akin nung makauwi kami at tinabihan ko siya matulog.
- Flashback -
Sinundo na kami ni Mang Tonyo ng mga 4 am. Nakakaloka talagang hinintay namin ang closing bago kami umalis. At eto kami ni Mang Tonyo ngayon inaalalayan si Thomas sa sobrang hilo hindi na makapag lakad ng maayos. Hindi ko kaya si Thomas pero wala naman choice. Tulog na si Papa and for sure deads kami if malaman niya na ganito na kami late nakauwi tapos tipsy pa si Thomas.
After what feels like 34 sets in a volleyball game, nakadating na kami sa kwarto ni Thomas. Sinabi k okay Mang Tonyo na ako na bahala since pati siya inaantok na. So, it's just the two of us. Hay Thomas, ano ba ang gagawin ko sayo?
Me: Psst uy. Kaya mo ba magbihis?
Thomas: Dein. Gusto ko lang matulog na.
Humiga na siya and nakatayo lang ako sa may dulo ng bed. Bakit ba ako nakatayo lang dito? Gusto ko kasi sana pagusapan yung nangyari kanina pero hindi pala mangyayari dahil bagsak na si Thomas.
Me: Okay. Goodnight. Ay, goodmorning na pala. Hehe.
Pinatay ko na ang main lights at pumunta ako sa may side ng bed para buksan ang lamp shade. Paalis na ako pero bigla niya hinawakan ang kamay ko.
Thomas: Stay.
Me: Hindi pwede. Baka ano isipin nila Papa and Ate Trix pag nalaman na dito ako natulog.
Thomas: They won't know. Please stay.
Napabuntong hininga na lang ako at humiga sa tabi niya. Naglagay siya ng pillow sa gitna namin. Napangiti ako dun dahil kahit tipsy na siya, gentleman pa din. Humarap ako sakanya at tinitigan lang siya. Medyo madilim pero naiilawan yung mukha niya mula sa lampshade.
Me: Thom, bakit mo ginawa yung kanina?
Thomas: Kasi nga gusto kita.
Ay gising pa pala siya.
Me: Gusto din kita.
Thomas: I know. (smiles)
Me: Hmp. So... ano na?
BINABASA MO ANG
Stuck With Each Other - Ara Galang and Thomas Torres (Completed)
RomanceThere is more to relationships, than love. Kung sa tingin niyo totoo ang love conquers all, nagkakamali kayo. Hindi iyon kadali, hindi ganun kasimple. This is a CONTINUATION of Stuck With Each Other (animoarchers). Some scenes contain mature and se...