Chapter 29 - Where It All Started

406 21 10
                                    

Chapter 29

9:30 PM, Razon Sports Complex

Ara POV

Hingal na hingal ako sa loob ng elevator papuntang 9th floor. Sa totoo lang, takot na ako pumunta sa Razon magisa pag ganitong oras, lalo na pag wala kaming training. Wala na din classes around this time kaya ibang klase tong ginagawa ko para kay Thomas.


Paano ba naman eh after ng iyakan session namin sa banyo kanina, pagkatapos namin magpatuyo parehas, nakatulog kami tapos pagkagising ko wala na siya. And syempre bilang praning, nag panic ako dahil wala sa tamang katinuan si Thomas ngayon. Malay ko ba kung anong gawin nun? 


Nalaman ko na nagpahatid pala siya kay Mang Tonyo papuntang DLSU. Pupunta sana ako sa Archers dorm pero alam ko na wala siya dun. Sa mga panahong ito, ayaw niya ng may kausap at madaming tao. Kung dati, life of the party si Thomas, na ang kulit kulit at may pasayaw sayaw pa, ngayon ay total opposite. Laging tulala at walang ganang makipagusap.


Pagkalabas ko pa lang ng elevator, nafeel ko na nandito nga si Thomas. Sa court lang na area yung mga nakabukas na lights and rinig mo ang pag dribble niya ng bola. Tahimik lang ako na pumunta sa may bleachers at umupo sa may pinakaharap at pinakagitnang part. 


Mga 10 minutes lang ako na nakaupo dun at pinapanood siya. Within those minutes, alam kong nakita na niya ako dahil nag bounce yung bola sa direction ko pero tiningnan lang niya ako. Okay lang kahit hindi kami magusap. Alam ko this is his way of coping. So, I let him be. Mamaya pag tapos na siya at ready na siya umuwi, sasamahan ko siya.


"Alam mo ba na this all started from a challenge?"


Ha? 


Lumingon-lingon ako sa paligid kung may iba ba na tao kasi parang hindi si Thomas yung nagsalita. Naglalaro pa din siya ng basketball magisa at hindi nakatingin sakin. 


Nawala yung antok ko at napatigil ako sa pag stalk sa instagram ng mga Thomara edits.


Me: Anong challenge?

Thomas: You. Us. 


Di ko pa din magets kaya napatingin siya sakin at sa confused ko na face.


Thomas: The only reason why I befriended you in the first place was because of our game, kami nila Jeron and AVO. For every kiss we get from girls, may point. And by the end of the year, whoever gets the highest point can demand anything. 


Pigs. 


Stuck With Each Other - Ara Galang and Thomas Torres (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon