CASSIE
Nagising ako bigla ng magring ang aking alarm clock.
"Uh, stop it little alien! Natutulog pa ako," inabot ko 'yong alarm clock at pinatay ito.
Pero pagkalipas ng ilang minuto, tumunog na naman ito. Sinilip ko 'yong orasan. And------ WHAT? 7:30 na? And to think 30 minutes na lang bago magtime! What a shitty day!
Bago ko pa makalimutan. I am Cassie Yu, what a sossy name diba? Well, maganda ako, a pure maldita and forever will be a bitch. And as usual I am rich. Oh yes, first day of school ngayon.
And OH for the second time, I am a first year college in Uphill University. An exclusive school for rich kids. Yeah I know, mayabang ako. Wala kayong magagawa because I'm freaking rich. Kayo? Mayaman ba? Mas mahirap pa yata kayo sa daga eh.
Lahat ng gusto ko ay nakukuha ko. Banggain mo ako at siguradong makikita ang bangkay mo na palutang-lutang sa Ilog Pasig.
Lahat ng gusto kong lalake ay nakukuha ko. Walang hindi.
Dahil sa isang tulad ko, walang makakahindi.
Nagbihis na ako, naligo and what so ever at pumunta na ng school.
***
''THE HELL Cassie! Bakit ba late ka? See 8:05 na! Buti na lang meron tayong orientation para sa mga freshmen." Pagrereklamo ni Fina.
Inirapan ko siya. Sapakin ko siya eh. Sino ba ang boss dito? Siya o ako? Tss.
"Yeah right! Tignan mo, kinakagat na ako ng mga lamok," sabi ni Lyn sabay irap sa akin.
Mga kaibigan ko ba itong mga ito? Bakit ganyan sila makapagreklamo? Atsaka teka? Kasalanan ko ba kung kinakagat na siya ng lamok? Bakit kasi hindi siya nagpahid ng mumurahing OFF Lotion? The eff!
"Bakit ba late ka?'' Tanong ni Carl habang nagbabasa ng libro.
Mga nerd nga naman. Napabuntong hininga ako.
"Kasi. Po. Maganda. Ako. Kaya. Late. Ako." Sabi ko habang nakapamewang.
Nauna na akong naglakad sapagkat ang tagal nilang maglakad. Mga lahing turtle kasi sila kaya mga napakaslow.
***
"Good morning, ladies & gentleman. Welcome to Uphill University. The school for rich people. In this school ----- blah blah.”
"Kailan ba matatapos ang lecheng orientation na ito ha?" Tanong ko kay Fina na katabi ko lamang.
"Kapag natuto kang hindi magmaldita!" Sagot niya.
Kahit ako ang pinakaboss sa kanila 'di ko kayang sagutin itong si Fina. Iba kasi 'to magalit. Kakaiba. Nakakatakot talaga. Parang nakakita ka ng demonyo sa lupa kapag nakalaban mo siya.
Nilabas ko ang earphones kong mamahalin at sinaksak iyon sa mamahalin kong cellphone. To be exact, IPhone ang brand ng cellphone ko.
Nagpatugtog na lang ako para hindi maboring. Tapos patingin-tingin lang ako sa aking paligid. Hanggang sa mapadako ang tingin ko sa mga upuan sa itaas.
Walang mga estudyante na nakaupo doon, ngunit may nakita akong may mahabang buhok na babae na nakatitig sa akin. Kinumpirma ko kung ako ang kanyang tinitignan at ako nga talaga.
Matatalas ang pagkakatitig niya sa akin. Nginisian niya ako, tumayo siya at naglakad palayo. Ang mga tingin niyang iyon. Nakakatakot.
Biglang nawala ang pinapatugtog ko at nagvibrate ang cellphone ko.
Hanggang sa natapos na 'yong orientation.
So I am here at Uphill University. Okay, na sa inyo? Masaya na kayo?
Pero, sino kaya ang babaeng iyon?
BINABASA MO ANG
Cursed University (CURRENTLY REVISING) #Wattys2016
TerrorUphill University, isang exclusive school para sa mga mayayaman. Sa paaralang ito, walang makakatakas at walang makakaligtas sa sumpa na mayrooon ito. Makatakbo kaya ang grupo nila Cassie? O isa sa kanila ay may kinalaman sa nangyayari sa paaral...