"What a boring shitty day! First day of class, no excitement?! What kind of school is this?" Pagrereklamo ko sa kanila dito sa may canteeen.
Lunch break na namin. And guess what? Itong katabi kong si Carl gumagawa na ng kanilang assignment. Mga nerd nga naman. Oo
"Alam mo huwag ka ngang reklamador! Since high school ganyan ka na ah?! Napakareklamadora mo!" Sabi ni Angelica sabay irap niya sa akin.
Sasagutin ko dapat siya ngunit may narinig kaming butingting ng bell. Napatingin kaming mga tao sa canteen doon sa may nagbutingting ng bell. Pagtingin ko, si Zar pala. Ang aming student councilor.
"Meron akong iaanounce sa inyong mahalaga," sabi niya ng nakayuko.
Ang dami naman agad nagbulong-bulungan.
"First day of school, may announcement agad?"
"Ano naman iaanounce niya?"
"Is he the student councilor?"
"Malamang pinakilala na sa atin 'yan kanina pa."
ARGH! Ang epal din nila 'no? Harangan daw ba ako? Geez. Pag ako nainis hahambalusin ko sila ng tubo sa mukha.
"Alam niyo ba ang legend sa Uphill University?" Tanong ni Zar.
"Uphill University, isang exclusive school for rich. Isang msteryo ang bumabalot dito. Uphill University mas kilala bilang Cursed University o The School Of Death. every foundation day may namamatay na dalawang tao. Pero, sa ika-13 taon ng foundation day nito. Sinasabi na may makukulong na grupo dito sa campus at mamamatay isa-isa. At kung anong taon 'yun? Ngayong taon na iyan at next month na idadaos. Tama ba ako Zar?"
Nagulat ang lahat sa sinabing ito ni Carl. But? Paano niya nalaman 'yun? Hindi sa Nerd siya pero, kinikilabutan ako.
"Tama Carl," pagsang-ayon ni Zar sa sinabi ni Carl.
Pero, bakit may ganun? Anong misteryo ang bumabalot dito? What's the story behind the walls of Uphill University?
"AAAAAHHHHHHHHHH!!!!" Sigaw ng isang babae na pumasok sa may canteen.
Napatingin kami sa may gawi niya. At namukhaan ko siya, si Psalms.
"S-si F-fina, p-patay na siya. N-nakita ko siyang nakabigti sa may g-gym. Kaya ako dumiretso dito kasi alam kong andito kayong lahat. Dahil narinig ko yung bell, na nagsisignal na pumunta dito sa may canteen. Papunta na sana ako dito, kaso nung dumaan ako sa gym, may naamoy akong kakaibang amoy, kaya sinilip ko ito. At ng tignan ko ito, nakita ko si Fina."
"Fi-fina patay na siya? Nagbibiro ka ba Psalms?" Pagtatanong ko.
"Hindi, kahit pumunta ka pa doon. Totoo lahat Cassie"
Hindi ko alam ang gagawin ko pero, tumakbo ako papunta sa may gym. Hindi ako makaimik. Pakiramdam ko, may humawak sa puso ko ng sobrang higpit kaya hindi ako makaimik. Wala na si Fina, isa sa mga barkada ko. Na kanina lang umaga eh nagrereklamo dahil late akong dumating. Nakatingala ako sa kanyang bangkay na nakasabit sa itaas. Hindi ko namalayan na andito na rin ang mga tao na kanina lang eh, andoon sa may canteen.
"Pansinin niyo yun?" Sabay turo ni Conan sa bangkay ni Fina.
"Bakit?" Tanong ko.
"Parang may nakasulat sa may collar ng damit niya"
Pati ang ibang tao doon ay nagsimula ng magtaka.
"I'M GONNA KILL YOU ALL" Sabi na naman ng isa kong schoolmate na si Yesha na nakakapagtaka na naman.
"First day, first death." Bigla na namang nagsalita si Razle
"Nagsimula na ang laro sa Cursed University. So, I guess I should welcome you all. WELCOME TO HELL." Makahulugan niyang sabi saka umalis sa may gym na walang lingon- lingon.
What? A game? Ano 'to? In a game called DEATH the first one who DIE is the LOSER? Oh God!
BINABASA MO ANG
Cursed University (CURRENTLY REVISING) #Wattys2016
KorkuUphill University, isang exclusive school para sa mga mayayaman. Sa paaralang ito, walang makakatakas at walang makakaligtas sa sumpa na mayrooon ito. Makatakbo kaya ang grupo nila Cassie? O isa sa kanila ay may kinalaman sa nangyayari sa paaral...