Curse 7: It's Called Death

195 1 0
                                    

"Cassie!"

Napatingin ako sa taong palapit sa akin. Kumaway pa siya.

"Bakit?" Iritadong tanong ko sa kanya.

"Bakit ka ba nandito sa rooftop? Lahat ng barkada natin hinihintay ka doon."

"Gusto kong mapag-isa Carl. Iwan mo muna ako. Please?"

Sinulyapan ko siya saglit saka napayuko. Gusto lko munang mapag-isa, gusto ko munang makatakbo sa realidad. Ayaw ko munang mastress.

"Ano bang bumabagabag sa'yo?" Muli niyang tanong.

Ano nga ba? Dahil nasa impyernong school ako?

"Iwan mo muna ako Carl, please?"

"Ayaw ko hanggang sa sabihin mo ang totoo."

Bumuntong hininga ako.

"Napakalaki. Basta, 'di ko na alam."

"Tungkol sa pagpatay ba sa school?"

Tumango ako.

"Dapat masanay ka na. Kasi nag-umpisa na ang laro dito."

"Pero bakit kailangan pang may mamatay?"

"Lahat naman namamatay, una-unahan lang sa tabi ni Kamatayan. Sige, mauna na ako sa'yo." Tumalikod na siya at nagsimulang lumakad palayo.

Bakit ganun?

Cursed University  (CURRENTLY REVISING) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon