Curse 3: Mental
A/N: Salamat po pala sa sumuporta sa first 2 chapters nito. Nakakataba ng puso. Hahaha. Ay, kakilala niyo ba si Oppa Soju? Nakita ko kanina yung FB niya and guess what? Halatang gwapo siya kahit nakatakip ng sumbrero. Pero, mss GWAPO ako sa kanya. Sana balang araw maging ka-collab ko siya sa isang Mystery/Horror story. And please don't forget to support his new story: School Trip 2. Malapit na iyan sa October 13 na ang simula. And yun lang.
********
(Michael Zar's POV)
Naglakad ako palayo sa may gym. At agad akong pumunta sa may student council room. Nakakaexcite dahil nagsimula na ang laro. Ang laro ng kamatayan, hindi ko alam pero natutuwa ako. Inayos ko na ang mga gamit ko at lumabas na ng University. Maghahalf-day ako dahil may kailangan pa akong gawin.
(Jahvee's POV)
"Lalalalala" paghuhum ko ng mahina kasama ang aking kapatid na si Katy.
"Katy, alam mo ba? Nagsimula na ang laro sa Cursed University. Natutuwa ka ba sa mga susunod na mangyayari?" tanong ko sa ksnya at ang tangi niya lang naisagot ay isang tango.
"Miss Jahvee. It's time for your medicine" sabi ng isang nurse sa akin.
"Ayoookoo niyan. Magagalit si Katy, kapag ininom ko yan. Mamamatay daw ako kapag ininom ko iyan! Kaya umalis ka na" at tinabig ko ang gamot na kanyang hawak at nahulog ito sa sahig.
Saka ako tumayo sa tumba tumba kong upuan kasama ang kapatid kong si Katy.
"Jahvee, where do you think you're going?" tanong ng nurse.
"Sa impyerno, kasama ka" saad ko sa kanya. Nakita kong natakot siya, na agad namang ikinatuwa ni Katy.
"Hindi mo yan kapatid Jahvee. Isa lamang yang doll. You PSYCHOTIC MENTAL!"
"Totoo siya! Hindi siya doll! She's my sister"
"Doll lang yan!" at hinila niya sa akin ang kapatid ko.
"IBALIK MO SIYA! KUNG AYAW MONG MAMATAY!" sigaw ko.
"Hindi ko siya ibabalik sa'yo! MAGPAKAILANMAN!"
Hindi ko na napigilan ang aking sarili at dinampot ko na lang ang isang matalim na kutsilyo sa may lamesa at pinagsasasaksak ko ang taong kumuha sa aking kapatid. Dumanak ito sa kanyang leeg. Tinadtad ko ito ng pinong- pino. Hiniwa ang kanyang tiyan at hinila palabas ang kanyang mga loob. Pagkaatapos nito, dinilaan ko ang gilid ng kutsilyo. Masagana't malinamnam ang kanyang dugo. Maatagal na din akong hindi nakakatikim nito, simula ng ikulong nila ako dito. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Katy. Nakaakbay siya sa akin. May malawak na ngiting gumuhit sa kanyang mga labi. Tila nabuhay siya at sinimulang kainin ang lamang loob ng babaeng aking pinatay.
"Masarap ba?" pagtatanong ko sa kanya. Ngunit, katulad ng dati isang tango lang ang kanyang pinakawalan.
"Babalik tayo, Jahvee" mahinang boses na narinig ko mula sa kanya.
"Oo" sabay halik ko sa kanyang noo na may dugo. Habang nagsasalo kaming dalawa sa aming kinakain, ay may napansin akong tao. Hindi ako pwedeng magkamali. Andito siya. Paano siya bumalik? Pinatay ko na siya, matagal na panahon na ang nakakalipas. Paano siya nabuhay?
"Hello Jahvee" pagbati niya sa akin. At agad ko namang kinuha agad ang kutsilyo at sinaksak siya. Pero ang hindi ko maipaliwanag ay tumagos lang ang kutsilyo sa kanya. Multo ang nasa harapan ko ngayon. Hindi! Nagbalik na siya. At andito siya para maghiganti. Hindi ko papayagang mas maging makapangyarihan siya sa akin. Hindi maaari!!
"Bakit mukhang takot na takot ka?" pagtatanong niya.
"Paano ka nabuhay?" Pinatay na kita dati. Hindi ka na pwedeng magbalik! Anak ka ng demonyo!" sigaw ko sa kanya.
"Hahahaha!" tumawa siya, tawa ng isang nakakapangilabot na demonyo. "Hindi naman ako nagbalik. Nakikita mo ba na nakalutang ako sa ere? Anong anak ng demonyo? Tignan mo yang ginawa mo" at tinuro niya ang walang buhay na bangkay ng babae na aking pinatay.
"Sino ang demonyo sa atin ngayon?" saka siya tumawa. Habang nililibutan niya ako.
"Jahvee! Babalik ako! Wait for my bloody revenge! Hahahahahaha" saka siya nawala.
Natulala ako mag-isa. Hindi ako makapaniwalang bumalik siya. Imposible! Saang impyerno siya galing? Ngayong nagsisimula na ang laro sa Cursed University! Bakit ngayon lang siya dumating? Bakit?
"Jahvvee?" may tumawag sa pangalan ko.
"Kuya/" pagtatanong ko habang nakatalikod sa kanya.
"Jahvee, oras na!" naguluhan ako sa sinabi ni Kuya. Anong ibig niyang sabihin? Anong oras na?
"Anong ibig mong sabihin Kuya?" tanong ko.
"Kausap mo siya kanina. Narinig ko ang pinag-usapan niyo. Paano kaya kung makipag-sanib pwersa tayo sa kanya?"
"Ayaw kong sumama kay sh-she" hindi ko kayang sabihin ang kanyang nakakasukang pangalan.
"Mas magiging malakas tayo"
"Magagalit ang kapatid kong si Katy" saka ko niyakap at pinaghele si Katy.
"Wala ka talagang kwenta! Mental ka talaga!" saka umalis si Kuya.
Lahat nalang ng tao ay tinatawag akong mental. Pati ba naman si Kuya? Kahit hindi niya ako samahan sa aking paghihiganti. Kaya ko tong mag-isa! WELCOME TO HELL!!
BINABASA MO ANG
Cursed University (CURRENTLY REVISING) #Wattys2016
HorrorUphill University, isang exclusive school para sa mga mayayaman. Sa paaralang ito, walang makakatakas at walang makakaligtas sa sumpa na mayrooon ito. Makatakbo kaya ang grupo nila Cassie? O isa sa kanila ay may kinalaman sa nangyayari sa paaral...