Letter #1

19 4 0
                                    

Baby,

Iniisip ko ngayon kung paano tayo nagsimula. Kung paano nagsimula na tawagin mo akong baby, kung kailan mo ko unang sinabihan ng I love you, at kung  kailan ako nag I love you too sayo.

Pero bakit di ko matandaan. Bakit sa tuwing gusto kong balikan ang simula ng love story natin, ang laging bumabalik sa akin ay yung panahon na..... Nagtapos tayo.

Sa mga panahong sinabi ko na ayoko na.. tapusin na lang natin to..

Sa panahong huli kong sinabi sayo na I love you..

Sa panahong binura ko na ang mga texts, chats and number mo..

Sa panahon na iniyakan kita..

Sa panahon na pinipigilan ko ang sarili ko na kausapin ka, kasi alam ko  na hindi mo naman ako kakausapin..

Tanong ko lang?

May maganda ba talagang nangyari sa atin o puro sakit lang nadulot natin sa isa't isa?

May dapat ba kong alalahanin na masayang alaala o wala?

May naging tayo ba talaga o ako lang ang nagisip ng ganon?

Minahal mo ba ako o ako lang ang nagmahal?

Wag mo na lang siguro sagutin..

Hayaan nalang natin siguro, I mean hayaan ko na lang kasi matagal mo na pala akong hinayaan.

An Open LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon