Baby,
Sinabi ko sa unang sulat na hindi ko maalala kung paano tayo nagsimula, Syempre martyr ako at gusto kong saktan pa yung sarili ko kaya inalala ko padin yung mga bagay na napagsamahan natin. Itong sulat na to ay naglalaman ng mga alaala na nangyari sa nakalipas na ilang taon..
Alaala na mahirap kalimutan..
Alaala na masaya at malungkot..
Alaala na alaala na lang..
Alaala na inaalala na lang at hindi na pwedeng baguhin..
Alaala na hindi na pwedeng balikan..
Alaala na matagal mo ng tinapon..
Alaala na hindi mo na maalala..
Matagal na tayong magkakilala. Elementary pa lang diba? Naging magkaklase tayo, at schoolmate kita nung high school. Actually kahit sinasabi mo sa akin dati na may crush ako sayo nung elementary, yung totoo wala naman talaga. Ni hindi ko matandaan kung kailan nangyari na nagkacrush ako sayo. Hindi naman tayo close nun hanggang high school. Hindi nga rin kita madalas makita noon.
Tapos, nung college na bigla mo akong chinat. Hindi ko na matandaan kung anong unang chat mo sa akin, kung paano ko binigay yung # ko sayo, kung paano tayo naging close. Basta nangyari na lang.
Hanggang sa nagkita tayo.. Galing akong work tapos nagyaya ka kumain sa labas.. Sa totoo lang ang lakas ng kaba ko nun dahil di naman talaga ko sanay na may kasamang lalaki. Okay ka naman nung unang kita natin pero sobrang bilis mo nun dahil hinawakan mo na kaagad yung kamay ko pag uwi. Syempre medyo kinilig naman ako nun kahit papano..
Lagi na tayong magkausap. Nung birthday ko, binigyan mo pa ko ng cake and roses. Pero nung time na yun, kakabreak ko lang sa ex ko kaya medyo ayoko pa muna ilagay sa next level. Kaya ayun! hindi ko alam kung anong dahilan at bigla na lang tayo nawalan ng communication..
Pagkalipas ng ilang buwan, Nagulat ako ng kinausap mo ako. Bumalik na naman tayo sa pagkakaibigan natin. Natatandaan mo? Ginawan kita ng birthday card para sa ex mo? At hindi ko pa nabigay sayo yun ng personal kaya medyo nagtampo ka ata?
Tapos ayun, Hatid-sundo mo ko sa work nun pag okay schedule nating dalawa. Parang tayo nanaman na hindi. Pero... dumating nanaman yung time na hindi na lang tayo nagusap at nagpansinan, bakit nga ba? anong dahilan? di ko maalala..
Nakakatawa no? Para tayong ewan ng mga panahon na yan..
Para lang tayong naglalaro dati, ay hindi pala.. All this time laro lang pala sayo lahat ng sa atin.
BINABASA MO ANG
An Open Letter
RomantizmNilalaman nito ang mga sulat na PARA SAYO.. Sulat na gusto kong ibigay sayo.. Sulat na gusto kong mabasa mo.. Sulat na naglalaman ng mga gusto ko sabihin na hindi ko masabi.. Sulat na nagsasabi ng lahat ng nararamdaman ko. Ito ang sulat ng tungkol s...