Baby,
Pasensya ka na sa last part. Nadala lang ako ng emosyon, pero mahal kita dito sa part na to. Hindi pala. Kahit saang part mahal kita kasi parte ka na ng buhay ko.
Nung naging kayo ulit. Tapos ako hindi ko alam kung paano ako magmmove on kasi hindi naman talaga tayo nun. Wala naman talagang tayo tapos mag mmove on ako? Para naman akong sira nun.
Hinayaan ko na lang, wala naman na kong magagawa eh. Alangan naman agawin kita eh ikaw nga tong bumalik sa kanya.
Sa mga panahong yun, naaalala mo lang ako pag malabo kayo. Hindi kita maintindihan. Di ko maintindihan bakit ang landi mo?!
Parang ganito lang yan eh..
Pumunta ka ng sm na ako ang kasama mo, pag pasok natin iniwan mo ako sa baggage counter. Umalis ka at nagpunta sa world of fun at nagkita kayo. Nagpakasaya ka kasama sya. At ako naghihintay na balikan mo.
Grabe ang saya saya.. ang saya saya nyo.
Pero bakit ako parang sinabugan ng problema?
Ang unfair ng buhay.. kung sino pa yung mahal mo, sya pa ang nanakit sayo.

BINABASA MO ANG
An Open Letter
Storie d'amoreNilalaman nito ang mga sulat na PARA SAYO.. Sulat na gusto kong ibigay sayo.. Sulat na gusto kong mabasa mo.. Sulat na naglalaman ng mga gusto ko sabihin na hindi ko masabi.. Sulat na nagsasabi ng lahat ng nararamdaman ko. Ito ang sulat ng tungkol s...