Letter # 3

15 4 0
                                        

Baby,

Itutuloy ko pa ba yung kwento ko? Kahit na alam kong di ka na interesado..

Itutuloy ko pa ba? Kahit alam kong matagal ng tapos.

Itutuloy ko pa ba kung sa unang page pa lang huminto ka na?

Itutuloy ko pa ba? kahit alam kong wala ka ng pake?

Itutuloy ko pa ba tong pagmahahal ko sayo kahit alam kong hindi mo na ako mahal?

Sige itutuloy ko na lang baka sakaling sundan mo pa..

Nalaman ko na nagkaroon ka na ng girlfriend nun.. Nung time na yun okay lang sa akin kasi hindi pa naman kita mahal nun, interesado ako sayo pero hindi masyado kaya hindi ako nahurt nung nagka girlfriend ka. Nakikita ko na masaya ka sa kanya that time at masaya din naman ako para sayo :)

Naisip ko lang para ka palang kabute nun. Susulpot tapos mawawala.  Kasi nung time na yun, kinausap mo nanaman ako eh. Kayo pa nun pero medyo di kayo okay kaya kinausap mo ko. Niyaya mo ko lumabas para maging okay ka pero di ako pumayag. Ano ako? baka mamaya kung ano pa isipin ng iba at alam ko na hindi pwede dahil kayo pa din that time. Although nagtampo ka nun kasi di kita nasamahan. Tapos okay na ulit kayo. At tayo? di nanaman tayo magkakilala.

Well, wala naman akong pakialam nun. At iniisip ko pa na malandi ka at nilalandi mo lang ako. Which is totoo naman diba?

Hanggang sa nagbreak kayo, at nandyan ka nanaman tinutukso ang aking puso..



An Open LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon