Chapter 2

32 3 0
                                    

First period namin ang psychology ngayon and marami talaga akong napulot. Kaya before i went to the library, dumaan muna ako sa canteen para kumain. Nang matapos ako ay mas pinili kong mag-aral sa field banda. Umupo ako sa lilim ng isang puno ng makita ko si Kuya library sleepy head na naglalakad papunta sa likuran ng building.

"What's with him?"

Tanong ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero sinundan ko siya. Nagtatago lang ako sa likuran ng mga tanim para hindi niya makita.

"Saan kaya siya pupunta?"

I ask again. Nakita ko naman siyang nagmasid-masid sa paligid bago dumaan sa lumang gate ng paaralan. Ang likurang part kasi ng buildinv ng school namin ay medjo nakakatakot. Matataas kasi ang mga damo at hindi masyadong na asikaso. Naglakad siya ng naglakad, sunod naman ako ng sunod sa kanya. At hindi ko na namalaya na ilang oras na pala kami naglakad. Bigla naman siyang lumiko sa isang iskinita kaya agad kong hinabol at-

"Bat mo ako sinusundan?"

"Ay anak ng palakang bungi!"

Nagulat ako sa kanya dahil naka sandal siya sa pader habang nakatingin sakin.

"Tsk!"

Malimit niyang sagot.

"Why are you following me?"

Tanong niya sakin.

"H-huh? Anong... hindi. Uhmm... hindi. Tama hindi. May pupuntahan kasi ako dito. Tama, yun. Ganun. "

Mautal-utal kong wika. Hay bakit pa ba kasi ako sumunod sa kanya?. Tinignan niya naman ako na parang nagdududa kaya nilibot ko ang paningin ko. Ay tanga! Dead end na pala 'to. Wala man lang kahit pintuan na mapapasukan. Puro kasi pader ang palibot nito. I just give him an awkward smile.

"Ah... kasi-"

"Alis na."

Sabi niya sakin. Tsk! Walang modo! Hindi man lang ako pinatapos mag salita.

"Hindi ko memorize ang dinaanan natin. Bago lang kasi ako dito."

I said while pouting.

"Tsk. Labas ka sa iskinita then sumakay ka ng jeep pabalik sa school."

Then naglakad na siya palayo. Hinintay ko munang medjo malayo na siya bago ako sumunod. Asa naman siyang iiwan ko siya 'noh. Feeling ko talaga kasi may problema siya kaya sasamahan ko na lang siya. Bait ko talaga.

Lumiko kami sa isang kalye. Then bigla siyang pimasok sa isang gusali. Mukha namang abandonado 'to. Sumilip muna ako bago pumasok. May kausap siyang matabang lalake.

"You deserve it."

Sabi ni kuya library sleepy head.

"Ha! Pagsisisihan mo 'to."

Sabi nh matabang lalake then lumabas kaya nagtago muna ako sa mga karton na nakapatong-patong sa labas then nang makalayo siya ay pumasok na din ako. Madilim. Wal bang ilaw dito. Nakita ko namang nakasandal si kuya library sleepy head sa pader habang nakapikit. Natutulog ng nakatayo? Seryoso? Nabigla naman ako ng biglang sumara ang pinto.

"Ay kalabaw na dancer!"

Gulat ko sabi at tumakbo ako papalapit kay kuya library sleepy head at yumakap sa kanya.

"Tsk!"

Inis niyang sabi sakin. Agad naman akong lumayo sa kanya.

"Ah... eheh. Uy nandito ka pala? Uhm... ahaha. Pag nagkataon nga naman. Aha-ha"

Sabi ko sa kanya.

"I told you to stop following me"

"Hindi nga kasi ako sumusunod sayo. Nagkataon nga lang"

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon