Chapter 3

24 3 0
                                    

Ilang oras na din akong nakaupo dito. Halos mapanis na nga ang laway ko. Kaya binasag ko na ang katahimikan.

"So ano nga?"

Tanong ko ulit. Hay, walang kwentang kausap ang lalakeng 'to.

"Is it about friends? I doubt, sa ugali mo feeling ko wala ka nun. No offense."

Then tinignan ko siya.

"Uhmm.... is it about family. Baka ganun. Alam mo na, family yun eh."

The i looked at him. Poker face. Baka mali.

"Eh ano? Uhm... wait, wait, let me think. Don't tell me about love?"

Napahawak naman ako sa bibig ko because of disbelief.

"Seryoso? Tinatablan ka pa ba nun?"

Tanong ko sa kanya. Akalain mo yun? May ganun pa ba siyang nararamdaman? Parang ang corny naman ata. Ahaha!

"Ingay mo."

Saway niya sakin.

"Eh ang tahimik mo kasi eh!"

Sagot ko sa kanya.

"Tumahimik ka na nga."

"Eh bakit ba kasi? Siguro binasted ka kaya ganyan ka. Masyado kang tahimik. Ano na? Binasted ka ba talaga?"

"Shut up, okay?"

"Kasi nama-"

"Shut up!"

Sigaw niya kaya napatahimik na lang ako. Bigla naman siyang tumayo at pumunta sa harapan ng pintuan. I guess na sobrahan ata ako ng pagiging madaldal. Hay! Good work Jersy! Ang gling mo. Nabigla naman ako ng bigla niyang sinipa ang pintuan dahilan para masira ito at makalabas kami. Agad siya naglakad palabas. Naiwan naman akong tulala ngayon. Did he just kick the door? Ang lakas namang pagkakasipa no'n. Naku! Nagalit ko talaga 'ata. Huhuhuhuh.

Nang makabalik na ako sa katinuan ko ay agad kong niligpit ang gamit ko at lumabas.

"Naku! Asan na yun?"

Tanong ko aa sarili ko. Hindi ko na kasi makita kung nasaan na si kuya library
Sleepy head. Huhuhuhu! Hindi ko pa naman memorize ang lugar na 'to. Paano na yan? Hay! Naku naman!

Wala na akong nagawa kundi maglakad-lakad palabas sa eskinitang pinasukan namin kanina. Nakakita naman ako ng dalawang lalake kaya nagtanong na lang ako ng daan palabas. Madilim na kasi. Lowbat pa ang cellphone ko. At kahit hindi 'to lowbat ay wala naman ako load para i-text sila mama.

"Excuse mo po kuya. Alam niyo po ba ang daan papunta sa Saint Paul's University?"

Tanong ko sa isang lalake. Balak ko kasing bumalik muna sa school malapit kasi doon ang sakayan papunta sa'min.

"Miss. Nawawala ka 'ata ah."

Sabi ng lalakeng may balbas.

"Oo nga po eh."

"Hali ka sama ka samin. Alam ko ang daan papunta doon."

Sabi ng lalakeng may earings sa ilong. Tama ba yun? Earings pagkatapos nasa ilong?

"Oo nga miss. Saint Petra ba 'ka mo?"

Pagsang-ayon ni kuya may balbas.

"Saint Paul's University po. Hindi Saint Petra."

Pag co-correction ko sa kanya.

"Oo. Tama. Ganun nga. Alam namin kung saan yun. Kaya hali ka na."

Sabi ni kuya balbas.

"Sige po"

Kailangan ko na kasing maka-uwi eh. Kaya okay na sigurong pagkatiwalaan sila. Mukha namang tao eh. Kahit medjo nakakatakot lang na uri nang tao. Pero at least tao. Huh? Ano daw?

Kung saan-saan namang kalye kami lumiko hanggang sa makapasok kami sa isang eskinita. Teka, dead end na 'to ah. Paano naging daan 'to papunta sa SPU? Ang pagkakatanda ko kanina. Isang dead end lang ang nadaanan namin. Yung dead end kung saan nahuli ako ni kuya library sleepy head. Pero lumabas din kaagad kami doon dahil may iba siyang dinaanan.

"Taka lang po kuya. Eh, hindi na po 'ata 'to papuntang Saint Paul's University."

Sabi ko sa kanila.

"Hindi miss. Dito yun. Short cut lang."

Sabi ni kuya may earings sa ilong na nasalikuran ko ngayon. Kasabay ko naman sa paglalakad si kuya balbas.

"Pero dead end na po 'to eh"

Medjo kinakabahan na ako ngayon. Iba na kasi ang dinaanan namin.

"Dito yun."

"Pero kuya -"

"Tumahimik ka nga!"

Then hinawakan naman ni kuya balbas ang kamay ko at hinatak ako papunta sa madilim na parte ng eskinita. Pilit naman akong nagpupimiglas pero wala rin akong nagawa dahil sobrang lakas niya.

"Kuya! Ang kamay ko! Tulong!!!! Tulungan niyo ako!!! Kuya wag!!! Tulong!!!!"

Sigaw ko tinulak naman ako si kuya balbas kaya nadapa ako. Tumilapon naman papalayo ang mga gamit ko. Pinilit kong tumayo pero pumatong na sa likuran ko si kuya balbas.

"Kuya wag po!!!! Tulong!!!! Whaaaa!!!! Kuya!!!!! Tulong!!!! Tulungan niyo ako!!!!!"

Sigaw ko habang umiiyak. Lord, tulungan niyo naman po ako.

"Pre bilisan mo diyan. Ako sunod"

Sabi ni kuya earings sa ilong.

"Oo na. Eto na nga"

"Kuya!!!. Maawa po kayo sakin. Kuya wag!!! Tulong!!!"

Sigaw ko ngang maramdaman kong pinunit na niya ang uniform ko. Hindi ko naman magawang lumaban dahil hawak ng isa niyang kamay ang dalawa kong kamay. Iyak lang ako nang iyak. Paulit-ulit na sumisigaw ngunit parang walang nakakarinig. Napapikit na lang ako at umiyak. Ito na siguro ang katapusan ko. Huhuhuhh! Sunod-sunod namang pagbagasak at suntok ang narinig ko. Naramdaman ko ring wala nang nakapatong sakin. Iyak lang ako ng iyak. Na sira na kasi ang uniform ko. Bigla namang may humatak sakin patayo. At hindi ko inaasahan na siya yun.

"Tristan"

Mangiyak-ngiyak kong wika. Kinuha niya kaagad ang mga gamit ko at hinubad niya ang polo niya kaya napaatras ako.

"No. Ikaw din ba? Wag.. maawa ka. Wag mo akong gahasain. Maawa ka..."

Nakaluhod na ako sa harapan niya. Nabigla naman ako ng isinuot niya sakin ang polo niya. May t-shirt kasi silang panloob. Ganun kasi ang uniform ng mga lalake sa school namin.

"Let"s go"

The hinawakan niya ang kamay ko at naglakad. Iyak lang ako ng iyak ng makarating kami sa labasan. Sinuotan naman niya ako ng helmet.

"Address mo?"

Tanong niya. Tinignan ko lang siya at naiyak na ulit.

"Tsk. Tama na yan. Wala na sila. Ibigay mo na ang address mo sakin para mahatid na kita sa inyo.''

He said.

"Baka kung ano pang masama ang mangyari sayo."

Bulong niya pero narinig ko. Agad ko namang binigay ang address ko sa kanya kaya hinatid na niya ako pauwi. Pagdating sa bahay ay bumaba kaagad ako sa motor niya. May motor kasi siya, hindi ko lang nakita dahil naglakad lang kami kanina.

"S-salamat (sob)"

Tinanguan niya lang ako at umalis na. Bakit ba nangyayari 'to sakin? Dahil ba malapit na?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/n: new one! Pls. Vote and comment. Love lots!

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon