Chapter 5

24 5 0
                                    

"One"

Pagbilang ko at tinakip ko na ang bag ko sa ulo ko para hindi ako mabasa.

"Two"

Hay sana kasi tumila na ang ulan.

"Thr-"

Patakbo na sana ako ng hatakin ako pabalik ni Tristan.

"What?"

Tanong ko sa kanya. Hinubad naman niya ang polo niya at ginawa naming silong. Sa totoo lang, mahilig ba siyang maghubad ng polo?

"When I say run. You run"

I nod in response. Hinatak naman niya ako papalapit sa kanya at tinakpan ng polo niya.

"Run"

Then tumakbo kami hanggang sa makarating kami sa building namin. Basang basa na ang polo niya at siya to be specific.

"Get in"

Utos niya sakin.

"Paano ka? Basang basa ka na at wala ka pang polo. Pagagalitan ka."

"I'll skip class."

"Uy wag. Masama yun."

"Just get in. I'll be fine."

"Sure ka?"

He just nod i response.wala na akong nagawa kundi pumasok na. Nakita ko naman siyang tumakbo papunta sa kabilang building. Pasaway talaga yun.

Ater class ay pumunta naman ako sa field at nagbasa ng mga notes ko. Nakita ko naman si Tristan na papunta sa likod ng building. Kaya sinundan ko naman siya. Nakita ko naman siyang lumabas at may kinausap. Wait.... i recognize him
It's Piggy! Tama. Yung matabang lalake na nag lock samin kahapon. Agad naman akong lumapit sa kanila at hinapas ng bag ko si Piggy.

"Abnormal ka. Bat mo kami ni-lock kahapon. Alam mo bang muntik na akong magahasa dahil doon? Ha? Walang hiya ka."

"Aray... aray... ano ba?"

Hapas lang ako ng hampas. Kainis siya. Bigla naman akong hinatak ni Tristan papunta sa likuran niya. Kaya tinigil ko na ang pang hahampas kay Piggy. Tumawa naman siya pagkatapos. Anong nakakatawa?

"You're still with her. Ahahahah! Sinwerte lang kayo kahapon Tris pero watch out. baka sa susunod wala ka nang magawa. Ahaha!"

Ano? Sinwerte? Kahapon? Teka. Anong ibig sabihin nun? Hindi ko ma gets.

"Subukan niyo lang Piggy."

Matapang na sagot ni Tristan.

"Ahahaha! Tignan lang natin."

Sabi ni Piggy then tumalikod. Pero bago siya umalis may sinabi siya.

"Kung ako sayo miss, lalayuan ko na yan. Baka sa susunod kasi hindi ka na mailigtas niyan. Ahaha"

Then umalis na siya.

"Anong?"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng naglakad na din palayo si Tristan.

"Hoy. Kuya Tristan hintay."

Hindi naman niya ako pinansin. Instead nagsindi siya ng segarilyo niya.

"Teka, bawal ang naninigarilyo sa campus ah."

Saway ko sa kanya.

"Kaya nga nasa labas na ako."

Then binugahan niya ako ng usok mula sa bibig niya kaya napa-atras ako.

"Hoy ano ba?"

Sigaw ko sa kanya at hinabol siya.

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon