CHAPTER 12: AKALA NIYO LANG YUN!

24 2 0
                                    

CHAPTER 12: AKALA NIYO LANG YUN!

(Someone’s POV)

Very soon Honey.

 We will be together.

Wait for me honey.

I’ll be on your side soon.

I miss you so much.

(Luch’s POV)

Kumain lang kami sa Max’s tapos naglibot lang kami sa mall. Andami ko ngang tinuturo at siya namang si tanga, binili lahat ng gusto ko. Sobrang yaman siguro ‘to eh nu?

Nagpasama din siya sa NBS para bumili ng mga Novel books na galing sa wattpad. Tinanung ko pa nga siya kung bakit pa siya bumibili ng mga novel na nabasa na. Hay. Hindi talaga sila maintindihan.

“Dito na yung bahay namin. Thanks sa paghatid.” At nginitian niya ko. Lumabas na siya ng kotse.

“Francine! Papasukin mo muna yung naghatid sa iyo. Dito mo na pakainin iyan.” Sabi nung supposed to be daddy niya.

“Pa! May pagkain naman po sila sa bahay nila kaya hindi na po kailangan. Hehe.” May sapak talaga sa utak ‘tong Francine na ‘to eh =.=

Lumabas ako ng kotse, “Tito, nagugutom na po kasi ako eh. Eh wala po palang tao sa bahay namin. Pwede po ba na dito muna ako kumaen?” Syempre expected ko na magugulat si Francine. Yun pa eh epic ng mukha non kapag nagugulat XD

“Tignan mo Francine! Hindi ko tinuro sayo maging unhospitable sa mga bisita ah! Una si Carl tapos ngayon, etong lalakeng—ano pangalan mo iho?” Balak pa ata akong interviewin ng daddy nito eh.

“Luch po. Lucho Michael Cruz po.”

“Gandang pangalan naman iho. Pasok ka na.” At pumaok na kami sa loob. Ang ganda ng bahay nila ah.

“Pagpasensiyahan mo na yung bahay namin ah. Hindi pa kasi kami nakakapaglinis dito ngayon eh.” Iba din ‘tong tatay niya no? Hindi pa pala malinis yung lagay na iyan =.=

Habang kumakaen kami sa may dining area nila, nag-uusap lang kami ng daddy niya tungkol sa buhay ko. Grabe makatingin ‘tong Francine na ‘to. Siguro hinuhubaran na ko niyan sa isp niya. Pftt.

Natapos na din kami kumain at uuwi na ko. Tumawag kasi si mama at hinihanap na ako. “I’m going tio. Thanks for the dinner.” At nakipag-shake hands yung daddy niya.

Tinignan ko lang si Francine. “Francine! You’re spacing out.” Nakaplastik kong ngiti sa kanya. Asa naman siyang bibigyan ko siya ng sincere smile ko XD

“Ha? Ah may sinasabi ka?” Oo. Binge eh. Baka medyo bingi? =.=

“Tito, dito po muna kami ah. May sasabihin lang po ako kay Francine.” Tumango naman si tito at hinatak ko siya papuntang hood ng kotse ko.

“Francine. Sino yung Carl na sinasabi ng daddy mo kanina? Pinagpapalit mo na ko?” At syempre, kunwari lang yun. Titignan ko lang kung gaano ka-epic yung mukha niya XD

Halatang nagulat siya kasi kulang na lang may tumulong laway sa bibig niya kasi nakanganga pa siya XD

“Siraulo ka talaga!” Sabay hampas sa braso ko. “at tsaka pake mo? Kaano-ano ba kita? Isa ka lang namang hamak ng mahanging tao na dumating sa buhay ko.” Nakatingala at nakangiti niyang sabi. Kinikilabutan ako XD

“Mahangin ako? So nagpadala ka naman sa kahanginan ko at nainlove ka na sakin, ganun ba?” Natatawa kong sabi. Ibang klase din ‘tong babaeng ‘to eh nu?

Ngumiti siya, “So pinapalabas mo na dinala ako ng kahanginan mo kasi nainlove ka na din saken? Yiee. May lihim na pagananasa ka pala sakin ah. Lucho ah. Bawal iyan.” Bigla na niyang tinigil yung pagkaliti sakin at ewan ko kung bakit nagkaron ng distance yung pagitan namin.

“Sorry.” Sabay naming sabi at nagkatinginan kami. Sabay din kaming tumawa.

“Loud nagger, kapag may nanligaw sayo, sagutin mo kagad ah?” Napatingin naman siya sakin.

“At sino ka para utusan ako ng ganyan? Bakit ko naman sila sasagutin.” Tumingin siya sa langit.“Useless lang naman magkaron ng boyfriend. Masasaktan ka lang kaya mas mabuti ng makuntento ka na lang sa pagkakaron ng crush kesa lovelife.”

“Allergy ka ba sa boyfriend?”

“Hindi naman. Takot lang ako masaktan.” Bigla naman niya kong tinulak sa may damuhan at pinahiga ako. Humiga rin siya sa tabi ko.

“Parehas din pala tayo eh nu? Ganyan din ako eh. Parang bakla man ang dating pero pinapaiyak niya pa din ako.” Buti na lang sanay na ang mata ko kapag pinag-uusapan si Katkat. Hindi na siya umiiyak.

“HAY! Tama na nga drama! Grabe talaga XD Umuwi ka na at gabi na oh.” Tumingin pa siya sa orasan niya. Nang babangon na kami, may bigla akong nahagilap na babae na halatang kinikilig na nanunuod samin. Nang makatayo kami, bigla niya kaming nilapitan.

“Ang swerte niyo namang dalawa sa isa’t isa. Kayo ba miss?” Tumaas yung kili-kili este kilay ni Francine dun sa sinabi nung babae. Halatang nainis XD

“Akala niyo lang iyon!” Sabay namin sabi at tumawa kami.

-

Alam kong walang nagbabasa XD Kahit short update ‘to, who cares? Bahala na XD Pero thanks parin sa mga nagbabasa :D Godbless po.

-Achuyanyan <3

Being Involved With CrushLifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon