CHAPTER 7: REPUTATIONS

30 2 0
                                    

CHAPTER 7: REPUTATIONS

Kasalukuyang naglalakad ako paalis ng choir office ng biglang may bumangga sakin. Bakit ba lagi nalang akong nababangga? Surang buhay ‘to oh. Yan tayo eh -__-

“Ouch! How dare you to bump me? Are you blind?!” Sabi na at si Shaira yung nabunggo ko eh. Ang arte naman talaga oh.

“Nakita mong naglalakad din ako eh! Kasalanan ko bang hindi ka din tumitingin sa dinandaan mo? At tsaka bakit ko namang gugustuhing makabangga ang isang kamote or inshort lamang lupa? Baka himatayin pa ang ibang tao kung saka-sakaling mabunggo ka eh.” Sagot ko naman sa kanya.

“So pinagmumukha mo kong tanga ganun?” Nagbabanta nyang sabi. Para namang matatakot ako =.=

“Uhm. Let me think. Oo. Parag ganun na nga. Hindi pa ba halata? At tsaka, as if I’m scared naman sayo eh sabagay, sa mukha mo, pwede pa.” Natatawa ako sa sinasabi ko XD

“Nakakimbyerna na ‘tong babaitang to ah. Hoy ikaw! Wala kang karapatang pagsalitaan ng ganyan si Shaira. Hindi mo kilala kinakalaban mo.”

“Are you serious Jas? Hindi ko kayo kilala? Eh nasabi ko nga pangalan mo eh. At tsaka kilala kayo bilang mga buhay na kamote at hindi bilang VIP dito sa schol na ‘to.” Nakita ko ng umuusok mga ilong nila.

“Sa tingin ko nga, pinapainit na niya yung mundo naten. Slap her Shaira. I can’t wait to see her cry na. Hahaha.” Maarteng sabi ni Raven =.=

Nagpe-fake cry ako na parang batang natakot sa kanila, “Mommy, help me. I’m scared. Huhu. Nakakatakot mga mukha nila.” At nag-grin teeth na si Shaira at aakmang sasampalin na ko. Bigla naman akong sumeryoso ulit. “Wait, there’s more. Syempre papainitin ko mundo niyo. I’m so hot kaya.” With matching pose ko pa XD

Umarte naman sila na parang nandidiri sa ginagawa ko. “Eew. That’s only what you got huh?” Sabi ni Jas.

“Yeah. Bakit inggit ka? And Jas, paalala ko lang ah. Kung ayaw mong matanggal sa Music club ko, stop acting like you have a beautiful voice.” At tinalikuran ko sila.

Biglang may humatak sa buhok ko. Si Shaira pala. “Akala mo papalampasin ko yung ginagawa mo sakin? At tsaka, walang makakakita sayo na ginganto kita kasi nasa isolated part tayo ng Campus. Be ready to travel in hell.” At sinampal niya ko. Sakto, nakita kong vini-videohan ni JC yung pangayayare. Ayos lang masira buhok wag lang reputasyon ko.

Nag-sign ako kay JC na tumawag ng ibang tao para may makakita sakin at umalis na siya. “Masakit bang nakikita ang sarili mong nasasaktan ha?” Tanung ng panget na ‘to.

“Pano ko makikita sarili ko eh may salamin ba sa harap ko? Isip nga. Sayang ganda mo.” Hanggang sa dumating yung mga taga-rescue ko este Dance Troupe at pinatawag na si Shaira nung isang student council. Buti nga :P

Binelatan ko sila habang si Jasmin naman, nagpupumiglas. Parang detetion lang naman kung makapag-react akala mo sa kulungan diretso nila.

Nilapitan ko si JC. “Thank you JC. Acting like my knight in a shining armor huh? Hahaha. O pasikat ka lang talaga sakin?” At hinampas ko siya sa braso.

“Wahaha! I’m just doing my part my one and only love. At para sayo, magpapasikat ako.” At nakarining ako ng masigabong tilian =.= Wow, nanunuod ba sila ng show? Parang bumanat lang si JC eh pero kinilig ako dun ah XD

“Sira ka talaga JC. Baka maniwala yung mga iyan.” At ngumiting demonyo naman ‘tong hinayupak na ‘to. Pasalamat ka at gwapo ka =.=

At ninakawan nanaman ako ng halik ng hayop na yun. Hay naku! Crushlife ko ay magugulo >.<

Pero infairness, my reputation was already safe.

Being Involved With CrushLifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon