Chapter 3

172 4 0
                                    


Kabanata 3

Naroon na namang muli si Calix sa sementeryo. Nakatanghod sa libingang labis niyang kinaiinggitan sapagkat ito ang may-ari ng kinilala niyang sarili. Muli ay nag-iwan siya ng makukulay na bulaklak roon. Mukha namang may nagmimintina roon dahil lagi iyong malinis. Umalis na rin siya roon mayamaya.

Tinahak na naman niya ang kawalan. Para siyang naghahanap ng karayom sa gitna ng talahiban. At ang hinahanap niya ay hindi niya sigurado kung naroroon ba talaga.

Palabas na siya ng sementeryo nang muli siyang pumihit pabalik at tinungo ang puntod ni Zane. Tinitigan niya ang lapida na para bang tumatagos ang paningin niya roon at nakikita niya ang bangkay ng nakalibing doon.

"What am I doing here?" wala sa loob na sigaw niya sa kawalan. "Ugh!" nasapo niya ang noo. Akmang tatalikod na siya nang muli siyang humarap sa puntod at naupo sa damuhan.

Ano bang mayroon sa taong nakabaon sa lupang ito?

He shook his head in frustrations. Hindi kaya ang babaeng bumisita rito noong nakaraang araw ang binabalikan niya? Ah, hindi. At bakit naman? Nag-aalala lang marahil siya para dito dahil nakita niya itong tumumba sa gitna ng kalsada habang tinatawag ang pangalan ng pumanaw na ito na matagal nang nabubulok sa sarili nitong kabaong. Likas lamang siguro siyang mahabagin at dala na lamang marahil ng kanyang kuryosidad.

"Ugh, I'm leaving! I'm leaving!" paulit-ulit na turan niya makalipas ang ilang oras na pananatili sa harap ng puntod. Walang lingon-likod na nilisan niya ang sementeryo. Pakiramdam niya'y kapag lumingon siya ay muli siyang babalik doon. Ayaw niya dahil nasisira na nang tuluyan ang utak niya sa sa pag-iisip ng kung ano-anong walang kabuluhang mga bagay.

Katulad ng lagi niyang gawi'y dumaan siya sa simbahan. He had the same prayer for God. Iyon ang tanging hinihiling niya sa Poong Maykapal. To put an end with his seemingly endless journey. Ang sabi sa kanila'y ulit-ulitin ang panalangin para raw makulitan ang Diyos at ibigay na iyon sa taong humihiling. And he'll believe that and how he wished that God will answer him soon for his sanity would be lost. He take a deep sigh then sneak outside the chapel against the crowd.

Gumawi muna siya sa pinakamalapit na parke para makapag-relax kahit papa'no. Naglakad-lakad siya roon. Inisip niya ang Mama Clara niya. Makailang beses na rin niyang tinangka na tawagan ito upang alamin ang totoo subalit sa huli'y natitigilan siya. Alam niyang kapag nalaman nanitong alam na niya ang lihim nito ay magbabago ang samahan nila. May mabubuong adobeng pader sa pagitan nila hindi man nila naisin. Ayaw niyang maganap iyon. Because he loves his mother very much.

He shooed away his dilemma. Bin'langko niya ang isip. Hinayaan na niya ang paa kung saan siya niyon dadalhin. Sunod-sunod ang wala sa loob na pagbuga niya ng hangin. Natigil siya sa ginagawa ng bumagsak ang isang bulto sa harap niya. Agad na tinulungan niya ito. Nang mabistahan niya ang mukha ng babae'y may kakaibang damdaming bumalot sa kanya. Nahaplos nito ang ulong nagalusan sa pagbagsak nito. Unti-unting nagmulat ang nakapikit nitong mga mata. He wondered as her eyes widened as if she saw a horrifying ghost. Her lips drew a curved line in her beautiful face afterwards. Her emotions are swinging rapidly, her expressions jump from one to another. Naguluminahan siya sa inaakto nito subalit wala na siyang pagkakataong unawain pa ang pinagkakagayon nito.

Malakidlat sa bilis na dumikit ang mga labi nito sa mga labi niya. Ang mga braso nito ay maliksi ring nakapangunyapit sa batok niya. Hindi niya nagawang iwasan ang ginawa nitong matamis na atake. Ang kakaibang damdaming bumalot sa kanya kanina lamang ay tila bakteryang mas lalong lumago at sinakop ang buong sistema niya. Napakabanyaga ng pakiramdam na iyon sa kanya subalit hindi niya magawang iwaksi iyon sa kaigaigayang kaakibat niyon. Heaven's sake! Sa mga labi ng babaeng ito nagmumula ang mga iyon! Agad na napaatras siya nang matanto ang kahangalang hinayaan niyang makawala. Napuno naman ng pagtataka ang mga mata nitong walang buhay.

Renaissance Of Hearts (TO BE PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon