Epilogo
Vel puts grace in her gait. Today is her wedding. Simple lamang ang kasal na dinaluhan lamang ng malalapit nilang kaibigan at mga kamag-anakan ni Zack. Wala man siya ni isang kadugo roon ay masayang-masaya pa rin siya. Naroon naman si Nana Salve at Dr. Cardon Espinosa, maging si Pastor David ay naroon din kaya wala na siyang mahihiling pa.
Habang nagmamartsa siya'y umusal siya ng pasasalamat sa Panginoon at kay Zane. He would be a fixture in her heart. Isang bahagi ng puso niya ang ookupahin ng mga ala-ala nito habang buhay, after all ay magiging bayaw niya ito. Samantalang si Zack, the man who had given her new lease of happiness in life ay ang magpupuno ng malaking bahagi ng puso niya.
Nang makarating siya sa dulo'y inilahad ni Zack ang palad nito, ngiting-ngiti ito kanya. "Are you ready to be my wife, YAM?" he asked using their new endearment---YAM, which means You Are Mine.
Napahagikgik siya. "Kanina pa." Aniya at sabay silang humarap sa dambana. Pareho nilang nginitian ang pari. Sinimulan na nito ang seremonya ng kasal. After the exchange of "I do's" and ritual vows ay hinagkan siya nito sa mga labi. And that kiss will seal their promise to each other.
Ethereal.
END
�]����G
BINABASA MO ANG
Renaissance Of Hearts (TO BE PUBLISHED UNDER LIB)
RomansaImage on cover photo is used with owners' approval. Licensed by Shutterstock. All rights reserved. Nagbago ang takbo ng buhay ni Calix nang hindi sinasadyang matuklasan niya ang lihim ng kanyang pagk...