Chapter 5

167 6 0
                                    


Kabanata 5

Hindi makapaniwala si Vel na makadarama siya ng ganito katinding ligaya sa pagtitig lamang sa gwapong mukha ni Zane. Mahimbing itong natutulog sa tabi niya. Napunong muli ng kulay ang mundo niya ng makasama itong muli. Ngayon ay mas tumindi ang pag-ibig niya rito. She will defy time and death for him.

Inapakan niya ang brake nang madaan sila sa Jollibee drive thru. Bahagyang naalog ito sa kinauupuan subalit nanatili pa ring tulog. Umorder na siya at pinatakbong muli ang sasakyan.

Mayamaya pa'y nagsimula na itong maggagagalaw tanda na malapit na itong magkamalay. Ilang saglit pa nga'y nagising na ito. Namumungay pa ang mga mata nito. She find it cute. A smile escapes from her lips. Pupungas-pungas na lumingon ito sa kanya. Nilaparan niya ang pagkakangiti. Mukhang nabigla naman ito.

"What am I dong here? Aaaaah..." napadaing ito ng malakas at nahilot ang batok. "Anong ginawa mo sa akin? Paano ako nakarating dito? Saan tayo pupunta?"

"One question at a time, Zane mahina ang kalaban. Sa una mong tanong, tinurukan kita ng pampatulog. Sa pangalawa, nagpatulong ako sa guwardiya. And third, we'll go in Heaven's Paradise."

"You simply kidnapped me! I can sue you for this kasama ang kakuntsaba mong gwardya!" inis na turan nito. "Stop the car running. I'll get out of this! Don't try my temper!" singhal nito. Hindi naman siya nagpatinag. Nanggagalaiting pilit nitong binuksan ang pinto ng kotse.

"Try harder, Zane naka-power lock ang kotse," she grinned. Napakasarap talagang asarin ng boyfriend niya. How she missed to call him like that again. She missed every single moment like the way before--- teasing each other, act like children and end up being a very excited teens.

"Nakakapikon ka, Shivelle!" Iningusan lamang niya ito. Nagpapadyak ito sa sahig ng kotse. Tawa naman siya ng tawa samantalang ito ay nagkukulay makopa na ang mukha.

Mayamaya'y inagaw nito ang manibela sa kanyang kontrol. Hindi na siya nakipag-agawan dito. Napilitan siyang itabi sa gilid ng daan ang kotse bago pa sila maaksidente. She must be careful. Ayaw na niyang maulit pa ang nakaraan.

Pagkahinto ng sasakyan ay binitiwan na nito ang manibela. Binuksan naman niya ang glove compartment at kinapa roon ang posas. Dali-daling itinali niya iyon sa kamay nito. Dala marahil ng kabiglaanan ay hindi ito nakapalag upang makaiwas sa ginawa niya.

"Be a good boy," she said with a silly smile. Inalayan niya ito ng isang kindat pagkatapos.

"What the--- ugh! Let me free from this handcuff crazy woman. You're insatiable! This is violation of human rights!"

"It's a call of love." Hindi na niya tinanggal ang nakapaskil na ngiti sa mga labi. Hindi naman ito nagsalita pa subalit alam niyang nagngingitngit ito. Tumingin ito sa bintana kahit wala naman itong matatanaw dahil napakadilim ng labas.

Ilang minuto pa'y natanaw na niya ang arkong may nakaukit na Heaven's Paradise. "Do you still remember this, MOO?" untag niya rito. Nagbaling naman ito ng pansin at sinulyapan ang arko sa itaas na sumasalubong sa lahat ng panauhing nagtutungo roon.

"Nope. This is the first time I've been here and what did you call me? MOO?" Malungkot na hinagod niya ito ng tingin.

"We spent a month here, Zane celebrating our first anniversary. And MOO... it's our endearment. It means My Only One. Have you really forgotten everything?" Hindi na niya itinago ang pagtatampo sa tinig. Simula pa noong ipagtabuyan siya nito at itangging nobya nito ay labis ang kirot niyon sa puso niya. Minsan na niyang naranasan iyon sa mga kamag-anakan subalit hindi niya aakalaing sa pagkakataong ito ay ang sariling pinakamamahal ang magtatatatwa sa kanya.

Renaissance Of Hearts (TO BE PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon