Chapter 1

935 17 2
                                    

"What Vel and Zane shared together is not an extraordinary romance, it is a common story of a man who fell in love with a woman and at last, did love him, too!"

 Kabanata 1

Dugo. Umuulan ng dugo. Ang bawat patak niyon ay gumuguhit ng sakit na tila patak ng asido sa kanyang balat. Napapahiyaw siya sa sakit. At mula sa kawalan ay nakarinig siya ng tinig, tinig na noon ay laging musika sa kanyang pandinig. Ngunit ngayon ay tila halimaw na nais siyang kitilin. Galit na galit ang boses na umaalingawngaw sa buong paligid. "Pinatay mo ako! Pinatay mo ako!" pauli-ulit na sigaw nito.

Hindi niya magawang magsalita. Napuno siya ng labis na takot. Nanginginig na napalugmok siya sa sahig na tigmak sa dugo. Bigla'y malakas siyang napasigaw ng mapansin sa palad ang isang kapirasong laman. Manipis na buhay na nasa kanyang mga kamay, pabagal ng pabagal ang tibok niyon hanggang sa unti-unting tuluyang huminto!

"Zane!" napabalikwas ng bangon si Vel sa higaan, naliligo siya sa sariling pawis. It was but a dream. An endless nightmare in her sleep. Sa panaginip na lamang niya magigisnan si Zane sapagkat wala na ito sa mundo niyang ginagalawan. Subalit parang movie scene lang ang bawat pangyayari sa nakaraan na malinaw niyang nakikita. It keeps rewinding spontaneously every day. Past haunts her, still.

Napakurap-kurap ang mga mata niya dahil sa liwanag na naglalagos sa nahawing kurtina. Nakalimutan niyang isara ang bintana ng nakaraang gabi. Umiba siya ng puwesto upang hindi tamaan ng sinag ng araw. Inilubog niya ang mukha sa unan.

Why do I still need to wake up, huh? Can someone hear me? Of course, no one will listen to me, I'm a murderer...

Mahinang-mahina na ang katawan niya, alam niya iyon sapagkat damang-dama niya. At sinadya niyang magkaganoon. Para saan pa ba ang buhay ko? He is already gone, so why I'm still here? I must be with him. Ah, yes, Tita Clarita won't allow that. I need to pay, I need to suffer. Kailangan palang madama ko ng maraming ulit ang nadama niya sapagkat kulang pa ang sakit na nararanasan ko ngayon.

Pilit na pilit ang ginawa niyang pagbangon. Bawat galaw niya'y kailangang may matinding puwersa sapagkat hindi na siya makakilos sa sobrang panghihina. Tinungo niya ang refrigerator, pinagsisipa niya ang mga bote at lata ng alak na nasa harapan niyon. Binuksan niya iyon at kinuha ang isang canned beer. She opened it and took two swallow.

What a delicious breakfast? Doctor says this is bad but what the heck? I'm also a doctor, a lousy one. Sarkastikong tuya niya sa sarili. This is great, it will devastate me perfectly. And soon, Tita Clarita will be happy. Mapait na natawa siya. She toasted the can in the wind then she cried a little and in the very next moment she was crying storm.

Inihagis niya ang latang may kaunti pang alak. Her hand was craving for something. She was trembling in so much hatred for her self. Lahat ng mahawakan niya ay binabato niya at sinisira. Hindi siya tumitigil hangga't may nakikita siyang magandang bagay sa loob ng kanyang silid. She wanted to destroy everything inside her room, including herself.

Humagulgol siya ng humagulgol. Nalugmok siya sa sahig katabi ang mga bubog na mula sa mga babasaging gamit. She stared at her hands, it was full of blood. Memories were flooding in her mind again.

Zane, why you have to leave me? I'm alone and I have no one to relay on. Alam mo namang ikaw lang ang nagmamahal sa akin pero bakit mo ako iniwan? Zane...

Muli siyang umiyak hanggang sa mahagip ng kanyang mga mata ang isang piraso ng malaking bubog. Nanlalabo na ang kanyang mga mata subalit alam niya kung ano ang puntirya. Tita Clarita, I think this is the time. I've been mourning for five years. It's your time to be happy 'cause I'll die very soon. It had been so long, this is me now... hallelujah! Let's celebrate my death! Pagak pa siyang humalakhak.

Renaissance Of Hearts (TO BE PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon