Kabanata 10
Carnation says my heart is yours, right? Did ZJ meant the same, too why he sent all this flowers to me? Did he means he loves me three dozens times? Ah, wishful thinking.
Gabi na'y nakatungayaw pa rin si Shivelle sa tatlong dosenang bulaklak na ipinadala ni ZJ. Mag-iisang lingo na siyang nakalabas sa Women's Haven, ayaw na niyang manatili pa roon kahit na ipinayo sa kanya ni Dr. Espinosa na magtagal pa roon ng isang lingo. Mas lalo kasi siyang nababalisa roon, isa pa'y magdadalawang linggo na ring hindi dumadalaw sa kanya ang binata simula nang sabihin ng doctor na maayos na ang kalagayan niya. Sa nakalipas na tatlong linggo'y pulos bulaklak na lamang ang natatanggap niya mula rito.
Aanhin naman niya ang tatlong dosenang carnation araw-araw gayong kinabukasa'y malalanta rin ang mga iyon? Ang kailangan niya'y ito mismo, ang presensiya nito sa tabi niya. Naalala niya bigla ang pag-aalaga nito sa kanya habang nagpa-progress pa lamang ang kalagayan niya. Ang sarap balik-balikan niyon.
Zack Jude Sandoval. Usal niya sa isip. Naliwanagan na siya. Pilit niyang ipinaintindi sa sariling hindi ito si Zane kahit na sa simula'y hirap na hirap siyang tanggapin ang bagay na iyon. Magkatulad na magkatulad ang mga ito. But now, she could easily distinguish Zack from Zane and Zane from Zack. She can tell every piece of difference between them. Kahit na siguro nakapikit lamang siya'y matutukoy niya kung sino si Zack o si Zane gamit lamang ang kanyang pandama.
Muli siyang napabuga ng hangin sa bibig. She starts comparing Zack from Zane at sa lahat ng pagkakatao'y laging lumalamang ang una. Kahit na alam na niyang hindi ito ang nobyo niya'y hindi pa rin niya maialis ang pagnananais at pananabik na makita ito sa bawat umaga ng buhay niya. Hindi niya maiwaksi sa sistema ang estrangherong damdaming binuhay nito sa kanya. Dinama niya ang labi. Parang naroon pa rin ang init ng halik nito. Damang-dama niya ang paggapang ng init na iyon sa kanyang katawan. The feeling wasn't sexual, hindi niya maipaliwanag ang sensasyong hatid ng apoy na iyon. It's very enigmatic.
Nagpasya na lamng siyang lumabas upang magpahangin. Nakasalubong niya si Nana Salve sa hagdan.
"Hija, sa'n ka pupunta? Gabing-gabi na." bumakas agad ang pag-aalala sa mukha nito.
"Diyan lang po sa labas, Nana. Magpapahangin lang po."
"Bumalik ka kaagad at mahamog na."
"Opo." Tugon niya't nagtuloy nang pumanaog pababa.
Malamig na haplos ng simoy ng hangin ang sumalubong sa kanya. It calmed the fires in her. Hindi pa man siya nagtatagal sa kinatatayuan ay nakaulinig na siya ng mahihinang bulong. Tila may nag-uusap ngunit iisang tinig lamang ang naririnig niya. Marahan siyang lumapit patungong entrada at sinilip sa pagitan ng mga grills ng gate ang taong pinagmumulan niyon.
Lumukso ang puso niya ng mamukhaan kung sino iyon. Napadaan lang ako. Kamusta ka na? Natanggap mo ba iyong mga bulaklak na ipinadala ko sa'yo? Pagpapatuloy ni ZJ sa pagkausap sa sarili. Napakamot ito sa ulo pagkakuwan, then he went on talking his self. May gift-giving sa foundation baka gusto mong pumunta. Hinahanap ka na rin ng iba roon. Muli itong napakamot sa ulo, tila litong-lito. He sighs wearily. Nang akmang tatalikod na ito palayo'y awtomatikong naitulak niya ang nakabukas na entrada. Lumikha iyon ng ingay na nagpalingon sa binata.
Pareho silang nabato-balani. Tila parehong nahihiya kung sino ang unang magsasalita.
"Kanina ka pa ba riyan?"
"Kanina ka pa ba riyan?"
Magkasabay na saad nila.
"Hindi naman masyado."
BINABASA MO ANG
Renaissance Of Hearts (TO BE PUBLISHED UNDER LIB)
RomanceImage on cover photo is used with owners' approval. Licensed by Shutterstock. All rights reserved. Nagbago ang takbo ng buhay ni Calix nang hindi sinasadyang matuklasan niya ang lihim ng kanyang pagk...