Chapter 8

154 6 0
                                    


Kabanata 8

Nang marinig ang pagtunog ng telepono ay agad iyong sinagot ni Vel. "Hello?" si Trixie sa kabilang linya. Nagkusa na itong magtungo sa ospital upang alamin ang kalagayan ni Zane sapagkat labis na siyang hindi mapalagay. She was also in shocked; to say the least when she found out that Zane was still alive.

Nasa bahay siya nito ngayon sapagkat magpapatulong sana siyang mabisita si Zane dahil humiling na si Tita Clarita sa husgado na huwag siyang palapitin kay Zane. Tatlong buwan na siyang hindi nadadalaw ng ospital.

"W-what h-happen-ned?" she said stammering.

"He was drunk that day he was bumped ayon sa imbestigasyon ng mga pulis but he's fine. He is in the state of recovering. Hindi naman grabe ang naging pinsala niya." Balita nito sa kanya. She sighed in relief. Nabunot na rin ang isang tinik sa libong nakabaon sa lalamunan niya.

"Thank goodness!" bulalas niya. "When I can visit him?" she was trembling again, dagdag pa ang kanina pa niyang nadaramang pananakit ng ulo. She embraced the throw pillow.

Malalim na napabuntong-hininga ito bago sumagot. "Walang kasiguraduhan na makakabisita ka sa kanya."

Napahagulgol siya sa palad. "I feel like dying for the second time, Trixie. I don't know what to do. This is my entire fault! I should have known that he left. Kaming dalawa lang ang magkasama. I can't forgive myself anymore if something bad happened tohim. I was really dumb!" pinagsasabunutan niya ang buhok sa labis na galit sa sarili.

"Vel, what are you doing? Stop, everything will be alright." Hindi na umabot pa sa kanyang tainga ang sinabi ni Trixie, nabitiwan na niya ang awditibo.

Biglang nanakit ang ulo niya. Napakasakit. Nahilot niya ang sentido sa labis na pagkirot niyon. Pilit siyang tumayo at naglakad. I need medicine, any medicine for headache will do. Naghanap nga siya ng gamot. Wala pa namang kawaksi roon si Trixie. Wala siyang mahingan ng tulong. Lumipat sa kanyang tiyan ang kamay nang maramdamang tila hinahalukay iyon. Sa mga sumunod na minuto'y tila nangisay siya sa hapdi. Dulot ba iyon ng ilang lingo na niyang hindi pagkakatulog at pagkain ng tama? "Ahhhhhhhh!" napahiyaw na siya. Umiikot ang kanyang paligid. Nahihilo siya.

Puwersahang tumayo parin siya. Tutumba-tumbang nagtungo siya sa medicine cabinet. Mula sa sulok ng namimigat ng mga mata niya'y nahagip niya ang mga gamot. Pilit siyang umaninag dahil sa nanlalabo na niyang mga mata. Pinalaki niya ang mga mata upang mabasa ang pangalan ng gamot. Nang makitang para iyon sa pananakit ng ulo'y kumuha siya niyon. She crawls heading to the kitchen. When she got a glass of water she immediately drinks a spoon of it. Pakiramdam niya ay mas lalong bumigat ang ulo niya, tila pinalakol. Nangingilo siya sa pananakit ng tiyan. Napalugmok siya sa sahig sa pagtakas ng kanyang lakas.

She lost her conscious.

Puting-puti ang buong paligid nang magmulat ng mga mata si Vel. Noong una'y hindi niya magawang buksan ang mga mata dahil sa nakasisilaw na liwanag. Ilang beses din siyang kumurap-kurap bago tuluyang nagamay ng kanyang paningin ang liwanag. Natatandaan niyang maraming beses din niyang sinubukang gawin iyon noon subalit lagi siyang nagagapi ng antok. Nakaramdam siya ng kariwasaan kahit papa'no nang maimulat ang mga mata. Sa pakiwari niya'y isang malaking bahagi ng kanyang katawan ang napilas. Tila nagkaroon ng puwang ang isang bahagi niya, hindi nga lamang niya matukoy kung saan.

Inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng silid. Pamilyar na pamilyar siya sa anyong iyon. Bakit siya naroroon? Anong nangyari sa kanya? Si Zane! Napabalikwas siya ng bangon ng maalala ang kasintahan ngunit muli siyang napahiga ng makadama ng nakaliliyong sakit. Nadama niya rin ang dextrose na nakakabit sa kanyang pulso. Dahan-dahang bumangon siyang muli. Hindi niya inininda ang matinding sakit sa pagkakataong iyon. Inalis niya ang nakaturok na karayom sa kanya dahil nakasasagabal iyon sa paggalaw niya.

Renaissance Of Hearts (TO BE PUBLISHED UNDER LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon