Chapter 24: Ms. Ungrateful

14.9K 396 3
                                    

Chapter 24: Ms. Ungrateful

•••Ann Dee•••

"Aaaaaahhhhh!" Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis! Peste ka talaga sa buhay ko kahit kelan. Kagigising ko lang pero parang nagpaulit ulit kahit sa panaginip ko yung nangyari kahapon, kaya feeling ko binangungot ako!

"Ate ano ba?! Ang aga aga kung makasigaw ka dyan! Ni hindi pa nga sumisikat yung araw kung makabulabog ka naman dyan!" Galit na sigaw ni Cross. Mukhang kagigising lang nya dahil magulo pa ang buhok nya at mapungay pa ang mga mata nya. Under normal circumstances, mag-so-sorry ako sa kanya dahil nagising ko sya, but not today. Isa pa to sa ang lakas manggatong at mang-asar sa akin kahapon kaya deadma na muna sya sa akin. Psh. Inirapan ko lang sya at muli akong nahiga sa kama ko. "Wooow mandedma daw ba? Pagpatuloy mo lang yan ate, konti pa mababaliw ka na"

Psh. Whatever. Lumabas na sya ng kwarto ko at ako naman ay bumalik sa pagtulog. 4:30 pa lang ng madaling araw kaya may oras pa ako para matulog, kaso kahit na anong gawin ko parang ayaw na akong dalawin ng antok. Badtrip. Pesteng bangungot yan.

Hindi ko maintindihan kung bakit trip na trip akong pagtripan ng uwak na yun. Okay lang sa akin na pagtripan nya ako sa office dahil kami kami lang naman ang tao dun, pero yung idamay na ang pamilya ko sa usapan, aba iba na yun. At ako pa talaga yung pinagmukha nyang laway na laway sa kanya? Psh. Oo gwapo sya at may katawan sya pero hindi ko sya gusto at never ko syang magugustuhan!

Anyway, mukhang kahit na anong gawin ko hindi na ako makakatulog pa kaya bumangon na lang ako at nagluto ng breakfast. Psh. Breakfast ko lang dahil badtrip ako sa kanilang lahat, well except kay tatay kaya idinamay ko na sya sa niluto ko. Pagkatapos kong magluto ay naligo na ako at nagbihis. Alas sais pa lang pero ready to go na ako, 8 pa ang pasok ko sa office ni uwak at masasabi kong hindi ako excited pumasok, kung pwede nga lang na wag na akong pumasok gagawin ko talaga.   Nakatambay ako sa labas ng bahay namin nung biglang may humintong kotse sa tapat ko. Hindi pamilyar yung kotse sa akin kaya hindi ko alam kung sino yun. Maya-maya pa ay may biglang lumabas mula dito.

"Good Morning Babe!" Bati sa akin ni uwak. Pinandilatan ko naman sya dahil sa sinabi nya. Aish. Maka-babe naman to, kapag narinig ako ni nanay at nung dalawang tukmol samot saring pang-aasar na naman ang aabutin ko neto. "Babe mong mukha mo! Ano bang ginagawa mo dito? Ang aga aga mong mamerwisyo ng tao!"

"Sinusundo ka ano pa nga ba? Psh. As for why I'm so early, hindi pa ako nagbe-breakfast so let's eat somewhere else" yun lang at bigla na lang syang sumakay sa kotse nya. Nanatili akong naka-upo dun at ilang beses nya naman akong binusinahan kaya wala na akong nagawa kundi ang pumasok sa loob at mag-ayos ng sarili ko.

Nung makasakay na ako sa kotse nya agad nya itong pinaharurot. Anak ka ng .. gutom lang masyado? Mas gugustuhin ko nang magutuman kesa mabangga ano ba!

"Saan ba tayo pupunta ha???!" Sigaw ko sa kanya. Mukhang nainis naman sya sa pagsigaw ko dahil nakita kong kumunot ang noo nya. "Ano ba? Ang aga aga kailangan talaga nakasigaw ka?! Diba sabi ko sayo kakain tayo ng breakfast somewhere?! Aish"

"Tch. Saan nga?!"

"Sa fave restaurant ko sa tagaytay kaya pwede ba kung di mo kayang itikom yang bibig mo, matulog ka na lang para mabawasan ang ingay dito!"

"Ano? TAGAYTAY?" Gulat na sigaw ko. Sinong hindi magugulat at mapapasigaw eh ang layo layo kaya nun, baka abutin kami ng dalawang oras bago kami makarating dun ehh. "Alam mo baliw ka rin ehh, akala ko ba gutom ka na? Ang layo layo ng tagaytay, almost 2 hours na byahe din yun, baka nga pagdating natin dun lunch time na ehh! Pwede naman kasing sa Jollibee na lang tayo kumain, Mcdo, Kfc, Chowking, Inasal!"

Mr. Mafia PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon